Sirens "Simula noong umalis ang anak ni Zypher na si Chanel, sinabihan na rin niya ako na maging handa dahil alam niyang mapapadpad kayo sa aking kaharian. Hindi naman siya nagkamali at naramdaman ko agad ang presensiya niya nang tumuntong siya sa karagatan," paliwanag ni Scally habang kumakain ang lahat. Hindi na nagpapigil sina Pepper at Chanel dahil gutom na gutom na talaga sila. Hindi nga nila maintindihan kung bakit hindi pa rin kumakain ang mga lalaki ganoong halos isang araw na silang hindi kumakain. "Kaya pala. Ang akala namin ay katapusan na namin noong bigla kaming lamunin ng Kraken. Marami na po kasi ang naging balita tungkol sa mabangis na nilalang na iyon ng karagatan," mahinang sambit ni Duance habang nakatingin lang sa pagkain na nasa harapan niya. Wala kasi siyang gana m

