Aqua Kalmado at tahimik ang buong karagatan. Tanging mga huni ng ibon at maliliit na hampas ng tubig ang maririnig mula rito. Mataas din ang sikat ng araw. Isang magandang araw para sa iba pang mga pirata na naglalakbay sa karagatan. Sa ilalim naman nito ay payapang mga isda. Normal din ang galaw ng mga ito na parang walang nangyari. Parang may isang dumaan lamang na kalamidad at kalauna'y nawala rin. Nalampasin lang din nila ang mga ito at nagpatuloy sa pamumuhay. Ngunit sa ikailaliman pa nito ay mga taong walang malay. Naging maagap man si Taka upang malagyan ng bula ang kanilang mga ulo upang makahinga ay hindi pa rin iyon sapat upang hindi sila mawalan ng malay. Nawala na ang barko na sinasakyan nila ngunit ang kanilang mga katawa'y lumulutang lamang. Wala pa rin ni isa sa kanila

