Kraken Isang oras na ang lumipas matapos silang maglayag. Tinatanaw ni Wrap ang buong karagatan habang nasa Main Mast. Wala pa rin siyang nakikitang malapit na isla kaya naupo na muna siya. Walang masyadong hangin kaya naman mabagal ang takbo ng barko. Hindi rin maiwasang mainip ni Duance dahil wala siyang magawa. Nakakain na silang lahat at nakaidlip pero wala pa ring isla. Pero bilang kapitan nila ay hindi siya nawawalan ng pag-asa. Normal lang naman ang ganito. Hindi naman laging may hangin sa dagat kaya minsan ay nahihirapan maglayag ang mga barko. Swerte na sila sa mga ganitong panahon kahit na mainit. Mas pipiliin pa niya ang masunog dahil sa init kaysa abutan sila ng bagyo sa gitna ng dagat. Ang dami nilang babaeng kasama at alam nilang mabibigla sila kung sakali. Mahirap an

