Acting Agents Pepper Chua "May naiisip ba kayong puwede nating gawin para malaman kung paano makakapasok sa palasyo?" tanong ni Spice. Sabay-sabay kaming napatingin kina Wrap at Gummy dahil alam kong nakapasok na sila sa loob nang makulong sila. "Pasensiya na. Nakatakip ang mata namin noong pinasok kami sa palasyo at ganoon din noong lumabas kami. Kaya naman hindi ko alam kung ano ang itsura ng palasyo," pag-amin ni Gummy habang kinakamot ang kaniyang batok. Tiningnan namin si Wrap na nagkibit-balikat lang. Napabuntong-hininga na lang kami. Kung hindi namin alam kung paano pasukin ang palasyo, ano 'ng gagawin namin? Kung nahabol lang sana namin siya, e 'di sana hindi na kami magkakaproblema. Bigla na lang kasing nawala ang pagong at lumipad sa tuktok ng kaharian kuno ni Sophia. Na

