The Kingdom HABANG NAGLALAKAD sila sa village ay hindi maiwasan na makakuha sila ng atensyon. Ang gaganda kasi ng kutis nila lalo na ng mga babae kumpara sa mga nakatira dito. Matagal na silang naninirahan dito at halos araw-araw silang babad sa ilalim ng sikat ng araw kaya naman halos lahat sila ay maitim ang kulay. Nakakapanibago para sa kanila ang makakita ng mapuputing gaya nila. "Parang wala ring silbi na nagpalit tayo. Pansin na pansin pa rin tayo ng mga tao dahil sa kutis natin," mahinang bulong ni Spice sa mga kasamahan. Ang mga lalaki kasi ay parang wala lang pakialam. Kita mong pursigido sila sa gagawin at nakataas pa ang mga ulo habang naglalakad. "Mas makikilala tayo kung ang kasuotan natin kanina ang suot natin. Wala na rin naman tayong magagawa dahil nandito na tayo," ma

