I don’t know if my eyes were just playing tricks on me but I think I did see Architect sitting on that high chair outside that bar . . . “Hoy, tara na!” natinag ako sa kinatatayuan nang tawagin ako ni Dawn. Binalingan kong muli ang kaninang kinaroroonan ni Architect, pero wala na ito roon. Nagpalinga-linga pa ako, sinusubukang hanapin siya sa mga kumpol ng taong naroroon, pero hindi ako nagtagumpay “Oyy! Anong nangyari sayo? Para kang naghahanap ng foreigner dyan!” Agad ko naman itong nginiwian. “Gaga! Puro ka foreigner, baka ikaw ang naghahanap, humahaba na leeg mo d’yan oh!” nagawa ko pa itong ituro at saka na lang kami sabay na natawa. Ilang oras pa kaming naglibot-libot at doon na rin kami bumili ng pagkain para sa hotel na lang ‘yon kainin. Pagkatapos ng dinner ay naisipan

