bc

When the Moon and Stars Collide

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.9K
READ
one-night stand
pregnant
confident
bxg
humorous
lighthearted
female lead
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"We almost collided . . . Almost," he whispered. "But you lied to me."

Namayani ang katahamikan sa pagitan namin. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. Ang makita siyang nasasaktan ay sapat na para makaramdam ako ng sakit at galit para sa sarili.

"Even if the moon and stars collide, I don't think I would want you back again into my life." He turned his back against me and walked away.

Ngunit wala ng mas sasakit pa sa mga katagang binitiwan niya. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay parang gripo na nag-unahang mamalisbis sa pisngi ko habang pinagmamasdan siyang papalayo sa akin.

"I'm sorry . . ."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagising ang diwa ko nang umalingawngaw ang hindi pamilyar na tugtog sa loob ng kwarto.   “Argh!” I groaned out of annoyance. Inaantok pa ako pero mukhang ayaw akong patulugin ng kung sino mang Poncio Pilato ‘to! Nagpatuloy pa rin ang pag-iingay ng kung ano mang bagay na ‘yon na pilit na binabasag ang namamayaning katahimikan. “Ate, if this is one your pranks, I swear, I will burn down all of your branded clothes!” Naiinis na sigaw ko. Sumasakit na rin ang ulo ko at naririndi na rin ang tenga ko!   Nang maulit ang pag-iingay ay isinuksok ko lalo ang mukha sa higaan at pumailalim sa aking unan upang mabawasan ang ingay na naririnig.   The reason why I don’t want to share my room with my sister ay dahil na rin sa mga pranks ng magaling kong kapatid. Palagi niya na lang itong ginagawa para buwesitin ako. Pwede na nga ‘tong maging Youtuber sa dami ng naiisip na kalokohan.   ‘Nakikitulog na nga lang eh!’   Nahihirapan na akong matulog pero pinigilan kong buksan ang mata ko.   Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga yabag na tila nanggaling sa banyo. Kasunod noon ay ang maarteng boses ni Ate Kiana. ‘Required ba talaga na kapag fashion designer ka, dapat maarte ka ring magsalita?’ I can’t help but to scoff with that thought.   “Oh my dear sister, it’s your phone that is maingay, and not the other way around! Duh!”  Kahit hindi ako tumingin ay paniguradong iniikot nito ang mata.   Natigilan ako nang may maalala. ‘Crap!’   Nakalimutan ko! Pinalitan ko nga pala yung ringtone ko kanina!   Dahil na rin sa naririndi na ako, binuksan ko na ang mga mata ko at mabilis na bumangon sa higaan. Pagkaabot na pagkaabot ko ng phone sa study table ay natigilan ako nang makitang alas onse pa lang ng gabi. ‘Akala ko umaga na.’   Iniwan ko muna ulit ito doon at dali-daling naglakad papalapit sa bintana at binuksan ang kurtina upang makumpirma kung gabi na nga.   Napabuntong-hininga na lamang ako.   Valentine’s Day ngayon, pero imbes na mag-celebrate ay nandito ako ngayon sa kwarto at katatapos pa lang magreview for our periodical exam sa Thermodynamics this final semester. Napupurga na ‘ko sa dami ng formula na kailangang i-memorize at may five items pa kaming assignment na kailangang sagutan. Napangiwi na lamang ako.   ‘Ba’t ba naman kasi ‘pag nagbibigay ng example, ang dali-dali? Pag may pasasagutan, parang wala naman sa itinuro? Hay . . .’   Matapos lang talaga ‘to, pagpapa-clearance na lang ang aasikasuhin ko, then bakasyon na! Total, hindi naman kami graduating kaya mas mauuna kaming magbabakasyon.   “Hey, kindly answer your damn phone! Ang ingay, kanina pa yan ah!?”   Nagising ako sa pagmumuni-muni. ‘Yung phone ko nga pala!’   Pag-unlock ko ng phone ay napataas agad ang kilay ko sa sunod sunod na message na galing kay Joanne, isa sa mga kaibigan ko. Napailing na lamang ako.   “May kalokohan na naman siguro ‘tong babaeng ‘to.” Bulong ko sa sarili habang pailing-iling. Sanay na ako sa mga kaibigan kong ‘to. Kahit tatatlo kami sa group chat ay palagi kaming maingay at kung ano-ano na lang pinag-uusapan.   Nang makaramdam ng pagka-ihi ay pumunta muna ako sa banyo para na rin maligo at nang makapagpahinga na.   Bitbit ang tuwalya at cellphone, dumiretso na ako sa banyo. Nasanay na rin akong palaging may dalang phone kahit sa pagligo dahil na rin sa mga kaibigan kong pati ba naman sa pagbabanyo’y gusto atang makipag-chat. Minsan ay nakakatuwa, pero madalas ay nakakainis na rin.   Pagkatapos umihi ay inihanda ko na rin ang bath tub. After putting some essential oils and shower gels, nagbabad na ako. Binuksan ko ang phone ko at napagdesisyunang basahin na lang ang mga messages sa group chat namin.   Napataas ang kilay ko nang ang unang bumungad sa paningin ko ay ang picture ni Joanne. Nasa bar na naman ang babaeng ‘to. Palibhasa ay matalino kaya sinisisiw lang ang mga quiz at assignments namin. Tila mag-isa ito at nagyayaya ng makakasama.   Binasa ko ang recent text niya na kasesend pa lang ata. Napansin kong puro pangalan ko ang nandoon.   “Cass biatch, look at this!” ‘Yan ang message after ng picture.   Napatingin ulit ako doon at inlibot ang tingin. Agad na napakunot ang noo ko nang mapansin ang pamilyar na bulto ng katawan na nasa likod ni Joanne. Bumibilis na ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.   Hindi ko man maaninag ng malinaw ang mukha, pero sigurado akong si Kelvin ‘yon!   “What the heck? Nagpe-prepare pala for final defense ha?” Lumalalim na ang paghinga ko.   Mabilis ang naging pagkilos ko para matapos agad sa pagligo. Pagkatapos maligo ay basta ko na lamang itinapis sa katawan ang tuwalya at hindi na nag-abala pang tuyuin ang abot bewang kong buhok. Napataas pa ng kilay si Ate Kiana na nakaupo sa may vanity mirror nang mapansing nagmamadali ako.   “What’s with the fuss? And where are you going, dear sister? You are grounded remember?” nakangisi pang sabi ni Ate habang naglalagay ng kung anu-anong skin care sa mukha niya.   ‘Minsan talaga ang sarap sampalin ng bibig nito eh.’   “Manghuhuli lang ako ng ahas… Kung saan-saan kasi pumupulupot eh,” mataray namang sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya.   “Ooh… the metaphor. I like that.”   Hindi ko na lamang pinansin si ate at dumiretso na ako sa walk-in closet ko. Mabuti na lamang at nandito ang mga branded na damit ni ate at makakahiram ako.   Agad kong kinuha ang isang black dress na see-through ang parteng tiyan at ang manggas na sigurado akong hindi aabot sa tuhod ko, ganoon na rin ang red stiletto na regalo pa sa akin noon ni Kelvin noong nakaraang pasko. Haharapin ko siya ngayong gabi with his other woman, so I’d better be a head turner at least, bago ako mag-emo.   Nang makapagbihis, agad akong lumabas sa walk-in closet ko. Napabaling sa’kin si ate at agad akong tinaasan ng kilay. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko mula paa hanggang pataas, at nang mapansing damit niya ang suot ko, ay sumama ang timpla ng pagmumukha.   “You know what, inaabuso mo talaga ang pag-stay ko dito sa kwarto mo eh! Lahat na lang talaga ng mga gamit ko ginagawa mong collateral eh ‘no?” nakangiwing tanong niya.   “Sa dami ng damit mo hindi mo naman masusuot ‘yan lahat. Para nanghihiram lang eh!” nakangusong sagot ko habang nagpapahid ng lotion sa legs at braso.   “Ay wow… ganyan pala humiram ‘no? Nauna pa ‘yong pagkuha, bago ‘yong paalam…” sarkastikong sabi niya. “Pagnanakaw na ‘yang ginagawa mo eh.”   Napangisi na lang ako sa pinagdadrama niya.   “Oh well, I think karma is Kiana. Kita mo naman, ang magnanakaw, nanakawan ng boyfriend!” At sinundan niya ito ng tawang pang-mangkukulam ala Kiana version.   Agad na nawala ang ngisi sa mukha ko at mas lalong binilisan ang pag-aayos.   I finished my make-up and wore red lipstick matching my red stiletto. Buti na lang talaga at magka-size lang kami ni ate. Kinuha ko ang Chanel shoulder bag ko. At least man lang, ‘pag hindi kinaya ng kamay kong manampal mamaya, may magamit ako. Makatikim man lang sila ng branded na sampal.   ‘Kung pwede lang talaga sampalin ng takong eh… Well, it’s not a bad idea either.’   Nararamdaman ko nang tumatalim na ang mata ko. Lumabas na ako ng kwarto papunta sa labas ng bahay. Wala na akong pakialam kung grounded pa ako. Ang rason na pagiging grounded ko kagabi, ‘ayun at may kalampungang iba.   Alam na ni ate ang gagawin niya. Alam ko namang hindi siya magsusumbong dahil ako rin ang madalas niyang kakuntyaba sa mga kalokohan niya.   Mabuti na lang at may agad na dumaang taxi palabas ng subdivision namin. Pagkasakay na pagkasakay ay sinabi ko na sa driver kung saang bar, according na rin sa isinend ni Joanne.   “Final defense pala ha? You can’t do this to me anymore…” bulong ko sa sarili. Sa totoo lang, marami na akong nababalitaang babaero si Kelvin, lalo na sa College of Engineering and Architecture, sadyang hindi ko lang pinapaniwalaan at binibigyan ng pansin dahil iba naman ang pagkakakilala ko sa boyfriend ko at pinaparamdam niya naman sa akin na sapat na ako para sa kanya.   “Ang walang hiya, sinabi ko lang na grounded ako . . .” Kaya pala parang okay lang sa kanyang hindi kami mag-celebrate ng Valentine’s Day kasi may ibang plano ang loko. Akala ko pa naman napaka-understanding.   Habang nasa byahe, itinext ko si Joanne na ‘wag aalisin ang mata sa dalawa at bantayang maigi. Medyo malayo ang bar na iyon sa bahay namin, thirty minutes ay makakarating na doon.   Nakareceive naman ako ng text message kay Joanne. “Bilisan mo, biatch. Baka kumuha na ng kwarto ‘tong dalawang ‘to.” Kaya pinabilisan ko rin ang driver.   After nearly forty minutes, nakarating na ako. According to Joanne, pamilya ni Kelvin ang may-ari ng bar na ‘to, and since solo’ng anak lang naman siya, malamang siya na ang mag-mamay-ari nito. ‘Ni hindi ko nga alam na may ganito pala ang lokong ‘yon.’   Sa entrance pa lang ay maririnig na ang maalakas na music na nagmumula so loob, samahan pa ng mga ingay ng naghihiyawang costumers.   Nang makapasok ay agad na hinanap ng mga mata ko si Joanne. Nang bumaling ako sa kaliwa ay agad na bumungad sa harapan ko ang isang lalaki na medyo mapungay na ang mata. Kinabahan ako nang hapitin ako nito sa bewang sabay sigaw sa tenga ko dahil sa lakas ng tugtog, “are you lost, beautiful?” Naamoy ko na ang baho ng alak sa lalaking ‘to.   At dahil medyo magkasing-tangkad lang naman kami, nagawa ko siyang itulak ng malakas. “Get off!” Buti na lang at humiwalay agad ang kamay nito sa bewang ko. “You’re not my type” bulong ko sa sarili.   Dali-dali akong naglakad palayo sa lalaki at hinanap ulit si Joanne. Mga ilang hakbang pa’y natagpuan ng mga mata ko ang isang babae in her red body-hugging dress, nakaupo sa may harap ng bar counter at sumisimsim ito ng alak. Nakatalikod ito sa’kin at naka-focus ang tingin sa kaliwa nito. Sinundan ko ang tinitignan ni Joanne at doon ko nakita ang haliparot na Kelvin.   Napahawak ako ng mahigpit sa shoulder bag ko. Lumalalim na rin ang pag-hinga ko sa sobrang pag-pipigil ng galit. Pinipigilan kong ilibot ang tingin ko sa paligid dahil baka hindi ako makapagtimpi at maibato ko ang bagay na una kong makita.   Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mata, ilang segundo pa ang lumipas nang imulat ko ito at ibinalik ang paningin kay Joanne. Pinuntahan ko ito at agad na inagaw ang margarita na hawak nito.   “Hey—“ Mabilis ko iyong tinungga bago pa man maipagpatuloy ni Joanne ang sasabihin niya. Pagkalapag ko ng baso sa bar counter ay umupo ako sa katabing upuan nito at bumaling sa babaeng katabi ko at nagtanong.   “So how long they are in here? Because the last time I check, 7:30 p.m. siya huling nagtext sa’kin at ang sabi niya ay nag-aaral siya.” Hindi ko na maiwasang taasan ng kilay ang kaibigan ko nang balingan ko ito.   “Well, seems like he already perfected the art of lying and pretention,” nakataas ring kilay na sagot niya. Mataman pa niya akong tinitigan at saka muling nagsalita. “I already told you, didn’t I? The first time you introduced him to us as your boyfriend, his aura seems . . . something . . . not . . . good.” Pagpapatuloy nito na parang nag-iisip pa ng akmang salita para i-describe si Kelvin.   Napabuntong hininga na lang ako. “Margarita please”, baling ko sa bartender.   “Hey, you can’t be drunk!” Agad namang saway sa’kin ni Joanne. “Ano, iinom ka na lang d’yan habang yung ex mo eh, may jinu-jugjog na iba don!?”   “Ex?” Nakataas ang kilay na baling ko sa kanya.   “Wag mo sabihing babalikan mo pa ‘yang lalaking ‘yan after this?” Tanong nito habang ang kamay ay nakaturo sa may gilid kung nasaan si Kelvin at ang babae nito.   Napabaling pa ako doon bago ibinalik ang tingin kay Joanne. “Nope.” I answered while stirring my drink with the piece of lime. “I’m not gonna let that happen. Again.” Pagkatapos ay mabilis kong ininom ang margarita na kanina pa pinaglalaruan ng aking mga kamay. “I just need some more confidence so I can punch faces later without hesitations.”   “Do you want me to go with you?” Napabaling ako kay Joanne matapos niyang sabihin ‘yon. Kaya ang sarap maging kaibigan nito eh.   “No, it’s okay. I can handle this.” Tumayo na ako at marahang inayos ang damit ko.   “And please,” naibalik ko ang tingin kay Joanne nang hawakan nito ang siko ko, “as much as possible, don’t make a scene, hmm?” pahabol pa nito. Nagpaalam na ako dito at saka dire-diretsong naglakad papunta sa direksyon ng haliparot kong ex. Oo, ‘EX’. Total doon rin naman papunta ‘yon.   Tumigil ako hindi kalayuan sa pwesto ng mga ito. Nakaupo si Kelvin sa mahabang couch habang nasa kandungan niya naman ang babae na walang tigil sa paggiling at paghalik sa leeg niya. Nakatayo lamang ako sa likod ng couch na inuupuan nila kaya nakakatuwang hindi man lang ako napapansin ng babaeng nasa kandungan niya.   Napataas ang kilay ko sa nakikita. Nang hindi na makapagtimpi ay napabuntong hininga na lamang ako, inisang hakbang ko ang pagitan namin at naihampas ang shoulder bag sa likod ng ulo ni Kelvin, at dahil panay pa ang paghalik ng babae sa leeg nito, ay tumama rin dito ang gold chain ng bag ko.   “What the f**k—“   “What the f**k is your problem b***h!?”   Nagkasabay pa ang dalawa sa pagsasalita at sabay ring bumaling sa akin, but Kelvin’s words stops in mid air habang unti-unting lumalaki ang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na pupunta ako dito.   I gave him my sweet smile.   Napatayo ito kaya’t bumagsak sa couch ang babaeng nasa kandungan nito. “B-babe . . .” nauutal pang sambit ni Kelvin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.   ‘Babe, my foot!’   Naririnig ko pang nagbubunganga ang babae niya pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Kelvin.   “Happy Valentine’s Day huh? Enjoy.” Kalmadong sambit ko. Pagkasabi no’n ay tatalikod na sana ako nang may maalala. Lumingon ulit ako sa dalawa at saka nagsalita, “oh, and by the way, may nakalimutan nga pala ako.” Bumuwelo muna ako saka sinuntok sa mukha ang babaeng kanina pa ako tinatawag na b***h. Napabagsak ulit ito sa couch na binagsakan niya kanina. Binalingan ko ulit si Kelvin, “I think you know what will happen after this right? Yes, break na tayo, asshole.”   Dali-dali akong naglakad patungong exit na kahit si Joanne ay naiwan ko na rin sa puwesto nito. Pagkalabas ay pumara agad ako ng taxi. Nang makasakay ay agad na namalisbis ang mga luhang akala ko’y hindi lalabas.   “You’re really an asshole, Kelvin! f**k you to the moon and back!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
534.1K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.6K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook