“Hmm . . .” “Wake up, beautiful.” Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang mga patak patak na halik sa mukha at leeg ko. “I’m sleepy . . . it’s still early . . .” inaantok pa ring sabi ko. Paano’y pagkatapos naming mag-dinner kagabi ay ginugol ko ang oras ko sa pagrereview para sa nalalapit naming final exams two weeks from now. “Come on. Wake up and wear something comfortable.” Ramdam ko ang pag-alis nito sa higaan dahilan para magising ang diwa ko. ‘Wear something comfortable? What are we going to do exactly?’ Isang halik pa ang naramdaman ko sa aking pisngi bago ko tuluyang iminulat ang mga mata ko at saka bumangon. Nang tignan ko ang oras sa phone ko ay gano’n na lang ang pag-angal ko nang makitang kalahating oras pa bago mag-alas-singko ng umaga. “It’s still e

