“Ano na? Wala talagang balak pumunta dito ‘yong lalaking ‘yon? Wow ah! Siya nag-isip nito tapos siya ang hindi sisipot? Wow lang.” sarkastikong sabi ni Leilani na nagawa pang tumawa at mag-ikot ng mata habang nagbabasa ng notes niya. “ ‘Wag naman masyadong pahalatang namimiss mo ‘te . . .” nakangiwi namang tukso ni Aries na ikinakunot lang ng noon ni Leilani. “Excuse me?!” she asked with parted lips and disapproval look. “At sino namang makaka-miss do’n? Ha!” pag-iingos nito at saka ipinagpatuloy ang pag-babasa. Napabungisngis na lang kaming lahat at saka napailing. Nandito kami sa condo unit ko dahil naisipan ng mga ‘to na mag-’group review’ at si Rigel lang ang wala, nagtext na rin ‘to kay Dawn na hindi siya makakapunta. Maya-maya lang ay may nag-door bell sa unit ko. Dah

