“Do you want to eat dinner now, Love?” tanong ko kay Cali nang makapasok ako sa kusina. Nandoon siya at abala sa pagsimsim ng alak. Katatapos ko pa lang pakainin at patulugin si Calypso at katatapos ko rin lang maligo. “How can I eat when all I could taste is bitterness?” masungit na sabi niya na nagawa pang umingos at saka mag-iwas ng tingin sa akin. Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matawa dahil nahihimigan ko ang pagseselos sa boses niya gayong napakaliit lang naman ng bagay na ‘yon. “Why?” kunwaring tanong ko, dahilan para pukulin niya ako nang hindi makapaniwala at masamang tingin. “Are you really asking me that? Damn, I’m jealous as f**k!” pabulong niyang sinabi ang huli pero umabot pa rin ‘yon sa pandinig ko kaya’t hindi ko na naiwasan ang

