Chapter 21

1940 Words
PANGATLONG CONVENIENCE STORE na ang kinaroroonan nila Clara. Sa dalawang store ay hindi niya nakita ang hinahanap. Sana huling store na ito. "Clara, what are you looking for?" di na napigilang tanong ni Anthony sa dalaga na nakailang ikot na. Pagka-alis nila sa opisina ay nagsabi ito na may bibilhin raw. May dalawang store na silang pinuntahan pero wala raw dun ang hinahanap nito. "Sandali lang po, Sir-" "I said stop calling me sir! We are already outside the office," inis na saway ni Anthony. He likes to hear her calling his name only. Nanlaki ang mga mata ni Clara na hindi rin pinansin ang pagmamakto ng boss niya. "Finally!" impit pang tili ni Clara. Napapantastikuhan naman si Anthony na tumingin rito para lamang manlaki ang mga mata niya. Clara is holding a big lollipop na hindi yata kasya sa bibig nito. Humarap si Clara kay Anthony at napakunot noo siya ng makita ang hitsura nito. Bahagyang nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mga mata. "Ok ka lang, Anthony?" Sa wakas natawag niya rin ito sa pangalan nito at baka magdrama na naman. Napakurap-kurap naman si Anthony at tila my kumiliti sa kanya nang marinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. "Anthony, tignan mo. Ang laki diba? Kanina ko pa talaga gustong tikman ito. Gusto ko kasi malaman kung masarap rin ba kapag malaki." Nagkadaubo-ubo si Anthony. "Ok ka lang, you need water?" Natatarantang tanong ni Clara. "No, Im-Im fine. A-ano bang gagawin mo dyan?" "Malamang kakainin! Ano ba ginagawa sa lollipop?" pilosopong sagot ni Clara. "Clara, I'm your boss." "Sabi mo nga, nasa labas na tayo ng opisina..so..walang boss-boss sa akin. Gusto mo ba?" alok ni Clara rito ng hawak na lollipop. "Masarap itong Chupa chups XXL." "What? Ano pangalan niyan?" "Chupa chups with XXL size. Sarap nito. Ay! Lima na lang. Ok lang atleast meron, kunin ko na lahat. Tara magbayad na tayo, Anthony." Naglakad na si Clara patungo sa counter habang si Anthony ay parang natuod sa kinatatayuan. "Anthony!" tawag ni Clara sa binata ng hindi pa ito sumunod sa kanya. Nagising naman si Anthony mula sa paglalakbay ng kanyang isipan at lumingon kay Clara na nasa counter na. Mabilis siyang lumapit rito upang siya na ang magbayad. "Let me pay for it," awat ni Anthony kay Clara na akmang kukuha ito ng pera sa wallet. Nginitian niya ito at bumaling na ang tingin sa kahera na mukhang natulala sa kagwapuhan niya. "Miss, bayad namin," untag niya rito. "Ah-ah yes sir." Nang kunin ng kahera ang bayad niya ay humarap siya kay Clara. Hindi niya napigilan sumilay ang ngiti ng makita ang kislap sa mga mata ng dalaga. Parang lollipop lang, tuwang-tuwa. "Sir, your change po. Kunin ko lang po 'yung order ni ma'am." Nagtataka naman si Anthony kung anong order sinasabi ng kahera. Bago pa siya makapagtanong ay nakabalik na ito na hindi naman talaga umalis kung hindi nagpunta lang sa may gilid kung saan may isang estante na babasagin. At may mga....hotdogs?? "Mam, heto na po. Additional cheese po," nakangiting sambit ng kahera. Mas lalong nagningning ang mga mata ni Clara pagkakita sa isang jumbo hotdog na puno ng keso. "Salamat." Mabilis niya 'yun kinuha. "Anthony, gusto mo ba? Isa lang kinuha ko baka kasi ayaw mo." "It's fine. Tara na!" Hinila na ni Anthony si Clara ngunit binawi nito ang kamay. Kunot noong tinignan niya ito. "Bakit?" "Upo muna tayo roon." Itinuro ni Clara ang park na nasa harapan ng store. Medyo maliwanag pa naman dahil papalubog pa lang ang araw. "Were going to have dinner, right? Bakit inuna mo pa kasi 'yang hotdog." Hindi pinansin ni Clara ang sinabi ni Anthony bagkus siya naman ngayon ang humawak sa kamay ng binata at hinila patawid. Nagpatangay na lang si Anthony kay Clara. Iba kasi ang hatid ng pagkakahawak ng kamay nito sa kanyang palapulsuhan. Nang makarating sila sa park ay binitiwan na ni Clara ang kamay ni Anthony saka siya umupo sa isang bakanteng bench. May mga batang naglalaro sa paligid at iilan ding magjowa na may mga sariling mundo ang makikita sa kabuuan ng malawak na Parke. Naiiling naman na naupo si Anthony sa tabi ng dalaga. Inilapag ni Clara ang nakasukbit na plastic kung nasaan ang lollipop na binili nito. Mabuti na lang at iniwan nito ang bag sa kotse. Tamad daw kasi ito magbitbit. "Pwede sa bahay na lang tayo magdinner," sambit ni Clara nang makaupo sa tabi niya si Anthony. Kanina pa siya humahanap ng pagkakataon para masabi 'yun sa binata. Nakatingin siya sa jumbo hotdog na binili habang pinapaikot ito sa kinalalagyan nitong paper plate na puno ng keso. "I thought they were on a date?" Itinaas ni Clara ang hotdog na naliligo na sa keso. Pagkatapos ay inilabas ang dila saka niya dinilaan ang tuktok ng hotdog. Napalunok ng sunod-sunod si Anthony sa ginawa ni Clara. Parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. "Nasa bahay lang sila. Nang sabihin kong may date ako, nagsisigaw sa tuwa si mommy tapos sabi dun na lang daw tayo magdinner. Hindi na ako naka hindi. Ok lang ba sayo?" Biglang nag-iwas ng tingin si Anthony nang tignan siya ni Clara. "Ah, lagi ka bang sinusundo nung Kwago na un?" Natawa si Clara dahil sa itinawag ni Anthony kay Joshua. "Ano nakakatawa?" Huminto si Clara sa pagtawa. "Wala. Ang bad mo kasi, saka Joshua name niya," tugon niya kapagkuwan ay pinagpatuloy ang pagdila sa kabuuang gilid ng hotdog. At 'yun ang bumungad kay Anthony nang tignan niya si Clara. Napamura siya dahil talagang kakaiba ang hatid ng ginagawa ng dalaga. "Wh-why do you need to licked that? Ubusin mo na nga 'yan," nahihirapan sambit ni Anthony. Gusto niya man alisin ang tingin rito pero hindi niya magawa dahil aminin man niya o hindi. Napakahot nito tignan sa ginagawa. "Problema mo? Saka, ngayon lang ako sinundo ni Joshua. Ewan ko ba kay mommy, atat na atat na magkaboyfriend ako. Kaya mamaya, 'wag mo na lang siyang pansinin. Kasalanan mo naman kasi pinatawag-tawag mo pa siya sa akin. Ayan tuloy, baka nag-expect 'yun tapos scam lang," humagikhik pa si Clara bago nagpatuloy sa pagdila. Nang tuluyan mawala ang cheese sa katawan ng hotdog ay isinubo niya 'yun at sinipsip na akala mo ay may katas na makukuha. "F*ck!" malakas na mura ni Anthony na ikinatingin ni Clara habang naiwan sa bibig ang jumbo hotdog na kinakain nito. "Clara, please. Eat that f*cking hotdog! Now!" Iba na ang nararamdaman ni Anthony sa katawan niya. Pinaningkitan niya ng mata si Clara ng manatiling nakatingin sa kanya. Sa inis niya ay kinuha rito ang hotdog at inisang subo sa bibig niya. Nanlalaki ang mga mata ni Clara habang nakatingin kay Anthony na pilit nginunguya ang jumbo hotdog na binili niya tapos ito lang ang nakinabang. "Hey! That's mine!" Napalitan ng masamang tingin ang panlalaki ng mata ni Clara. "Iluwa mo 'yan! Akin 'yan, e." Hinila-hila niya ang damit ni Anthony. Naiinis siya kasi kanya 'yun. Imbes na mainis ay natatawa na lang si Anthony. Natigil sa paghila ang dalaga ng tumunog ang cellphone nito. Iniwanan muna siya nito ng nakamamatay na tingin bago sinagot ang tawag. Infairness. Masarap nga! O, ang laway ni Clara ang masarap. Matikman nga! Anthony thought while savoring the taste of the jumbo hotdog he stole from Clara. Nang maibaba ni Clara ang tawag ay binalingan niya muli ang binata. "Nakakainis ka, Anthony! Saka, may laway ko na 'yun tapos kinain mo pa." Napalunok si Clara sa sinabi. Gusto niya mahiya dahil sa nangyari pero di naman niya kasalanan. "It's tasted more delicious with your saliva on it," ang may panunuksong sambit ni Anthony kay Clara. "Ewan ko sayo! Halika na, my parents are waiting." Tumayo na si Clara at kinuha ang plastic ng lollipop na nagpabalik sa kanyang ngiti. TINATAHAK NA NILA ang daan patungo sa bahay nila Clara. "So, bakit hindi ka pa nagkaboyfriend?" basag ni Anthony sa katahimikan. "My parents are strict back then," tugon ni Clara na binuksan ang plastic at inilabas ang isang XXl size ng chupa chups. "Tapos nadala ko hanggang ngayon. Kaya sila naman ang nangungulit sa akin ngayon." "And that bastard is your suitor, right?" "A big check! His good naman and have a good family background perfect nga sabi ni-" "Anong perfect dun? Mukha siyang kulugo," putol ni Anthony sa sasabihin pa ni Clara. Nakakalalaki kasi! Tama bang purihin ang kurimaw na 'yun sa harap o sige na sa gilid niya pala. Umirap lang si Clara at tuluyan binuksan ang isang chupa chups XXL. Nagningning pa ang kanyang mga mata na parang batang nakuha ang gusto. Inilabas niya ang dila at sinimulan dilaan ang bilugang lollipop na hindi karaniwan ang laki. XXL nga diba? "F*ck!" malakas na mura ni Anthony kasabay ng pagpreno niya. "Aray!" malakas na daing naman ni Clara ng muntik na siyang masubsob sa dashboard. Nang makabawi siya ay isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa katabi. "Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo kong idamay! Virgin pa ako!" Sunod-sunod namang napamura si Anthony dahil sa sinabi ni Clara. "Stop cussing! Ano ba problema mo?" Mabuti na lang at walang masyadong dumadaan sa bandang iyon kungdi kanina pa sila binusinahan. "Ikaw! Ano na naman 'yang ginagawa mo? Talaga bang hinahamon mo ako?" nagpipigil na sambit ni Anthony. Hindi niya alam kung saan siya nagpipigil. Nagsalubong naman ang kilay ni Clara. "Ako?" Itinuro niya pa ang sarili gamit ang chupa chups na muntik ng pumasok sa kanyang ngala-ngala dahil sa biglang pagpreno ni Anthony. "Ano na naman ginawa ko?" "Clara! Wala ka ba talagang ideya kung anong ginagawa mo? That f*cking candy! Stop licking-" "FYI. This is not a candy. Say- chupa.Chups," dahan-dahan pang bigkas ni Clara sa huling salita na mas lalong nagpagalit sa alaga ni Anthony. Napahilamos na lang si Anthony ng mukha at pilit pinapakalma ang sarili. Bastard! Manahimik ka! Hahanapan kita ng pagkain mamaya. Pero ngayon makisama ka. Behave! Kausap ni Anthony sa nagwawala niyang alaga. "Sino kinakausap mo?" tanong ni Clara ng mapansin nakayuko ito at tila umuusal ng panalangin. "Wala!" Muling pinaandar ni Anthony ang kotse niya. "Eat those things at your house not here!" "Ubusin ko lang itong isa. Ang sarap kasi, e. Masarap pala dila-dilaan kapag malaki-" Nahinto si Clara sa pagsasalita ng sunod-sunod na umubo si Anthony. Mabilis niya naman inabot ang kanyang tumbler na may laman ng tubig. Ihininto muli ni Anthony ang kotse sa gilid at kinuha ang tumbler nito. Diretso siyang uminom para lamang... "What the heck!" malakas na sigaw ni Anthony matapos buksan ang pintuan ng kotse at ibuga ang tubig. "F*ck! F*ck! F*ck!" Napapikit siya upang pakalmahin ang sarili. Ano ba naging kasalanan niya at tila pinaparusahan siya. "Ahm...Anong nangyari?" nakangiwing tanong ni Clara. Sa nakikita niya kasing ayos nito ay tila gusto niya ng magpalamon sa lupa. Nakasandal ito sa likod ng kinauupuan habang nakapikit at ang isang braso ay nakapatong sa noo. Imbes na sumagot ay iniabot ni Anthony ang tumbler kay Clara. "Taste it." Nagtataka man ay kinuha ni Clara ang tumbler niya. Iinumin na niya sana nang maalala na nilagyan niya pala ito ng asin kanina at maligamgam ang tubig. Kaya mabilis niyang tinakpan ito at ibinalik sa kanyang bag. "Bakit mo itinago?" Nakataas ang kilay na tanong ni Anthony nang makitang itinabi nito ang tumbler. Napakangiwi lang si Clara at nagpeace sign. "Sorry na. Sige na, sa bahay ko na kakainin itong chupa chups." Mabilis na isinilid ni Clara sa plastic ang chupa chups at bumaling sa labas ng bintana. "Tara na, naghihintay na sila mommy." Napabuga na lang ng hangin si Anthony at muling nagmaneho. "You owned me a payment for today's trouble, Hon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD