Chapter 22

1815 Words
PAGKARATING NILA Clara sa kanilang bahay ay napatanga na lang siya. Nakabukas lahat ng ilaw sa labas. Kulang na lang maglagay din ng disco ball para kumpleto na props. Kahit kelan talaga napaka-o.a ng mommy niya. Nakabukas na rin ang gate kaya diretso na silang pumasok ni Anthony. "Anong meron?" tanong ni Anthony. "Nagmura daw ang kuryente kaya ayan sinusulit." Kunot noong tinignan ni Anthony si Clara. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o ano. "Anak!" malakas na sigaw ang umagaw sa dalawa. Napapikit na lang si Clara ng makita ang mommy niya na pasalubong sa kanila. Nasa loob na kasi sila ng bahay, sa sala. Nagmano siya sa kanyang mommy at humalik sa pisngi nito. "God bless you, anak," malawak ang pagkakangiti ng mommy niya habang ang mga mata ay nakatingin sa kasama niya. "Good evening po ma'am," magalang na bati ni Anthony at nagmano rin siya rito. "Awnn, what a good boy. God bless you, iho. Clara, go upstairs and change your clothes," utos ni Samara sa anak. Ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon na may isinamang lalaki ang anak sa kanilang bahay. Kaya sisiguraduhin niyang, he is the one! Ay! Bet! Ang pogi! "Mommy! I don't need-" "Stop complaining. Sino ang mommy? Ako o ikaw?" nameywang pang humarap si Samara sa anak na hindi maipinta ang mukha. "I already prepared your clothes, kaya hurry up. Baka nagugutom na ang gwapo nating bisita." Clara just rolled her eyes before leaving them. Hindi naman siya mananalo sa mommy niya. Nasundan na lang ng tingin ni Anthony si Clara hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. "Don't worry, iho. Babalik naman ang anak ko," may panunukso sa labi ni Samira ng makita kung paano sundan ng binata ang kanyang dalaga. "Po-po," nauutal na sambit ni Anthony at napakamot pa sa kanyang batok. Bigla siyang nahiya sa ideyang nakita siya ng mommy ni Clara sa ginawa niyang pagsunod ng tingin kay Clara. "Don't be shy, iho. Ganya talaga kapag gusto mo. You can't help yourself but to keep your eyes to that person. Maupo ka na muna rito-" "Hon, where are you? The chicken is trying to jump," malakas na sigaw ng isang boses ng lalaki ang kumuha sa kanilang atensyon. Samara rolled her eyes. Napraning na naman ang kanyang asawa na walang alam sa kusina. "I'm coming!" balik-sigaw ni Samara, saka bumaling muli kay Anthony. "Iho feel at home, ok. I-check ko lang baka tumalon na ang manok," pagkasabi no'n ay dali-dali na siyang humakbang pabalik sa kusina. Naiwan nakatulala si Anthony. Amusement is visible in his eyes. Hindi niya lang akalain na ganito ka-cool ang pinagmulan ng inosenteng si Clara. Napapailing na lang na umupo siya at pinalibot ang mga mata. Masasabi niyang may kaya ang nakatira ro'n. Halata sa mga kagamitan na nasa paligid. Kahit kanina sa labas palang ay namangha na siya. It was simple but eye-catching. Two-storey house ito na may geometry style. Mas may igaganda pa pala sa loob. Lalo na sa mga gamit. And there was two cars at the garage, a land cruiser and Audi. At sa tulad niyang expert sa mga sasakyan, alam niyang modern version ang mga ito. Kaya nagtataka siya, how come Clara apply as his cousin secretary kung may kaya naman ito. Sa lalim ng iniisip ni Anthony ay hindi niya na napansin si Clara na nakakunot noong pinagmamasdan siya. "Hey!" untag ni Clara kay Anthony na tila ang lalim ng iniisip. "Hey!" mabilis namang tugon ni Anthony na halatang nagulat. "Yo-your here, kanina ka pa?" "Opo. Kanina pa! Ilang tupa na nabilang mo?" sarkastikong tanong ni Clara. Bago pa man makasagot si Anthony ay may biglang nagsalita. "Good evening, everyone," seryosong bati ng daddy ni Clara na si Clarence. Tumaas ang kilay niya ng makita ang anak na nakatayo sa harapan ng isang medyo may kagwapuhang lalaki. Siyempre mas gwapo pa din siya. "Daddy," masiglang bati ni Clara at lumapit rito. Nagmano siya at humalik rin sa pisngi nito. "Daddy, si Anthony po pala. Pinsan po siya ng boss ko, I already told you diba?" "Good evening po, Sir." Hindi alam ni Anthony kung paano pakikiharapan ang daddy ni Clara. Lalo na at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. At seryosong nakatingin sa kanya. Ano ba kasi ginagawa niya rito? Dapat nasa bahay na siya, diba? "Good evening din sayo, iho. Nililigawan mo ba anak ko?" "Dad!" biglang sabad ni Clara. Talagang dire-diretso, wala man lang preno. "Hon, stop it! Hindi pa nga nag-uumpisa baka tumakbo na dahil tinakot mo," singit ni Samara. "Kung seryoso siya sa anak natin. He won't run because I threatened him," seryoso pa ring pahayag ng daddy ni Clara. "Mommy, gutom na po kami," reklamo na lang ni Clara para ilihis ang daddy niya na hindi na tinantanan ng tingin si Anthony. Nakakahiya. "Oh, siya tara na at baka mabuhay ulit ang manok," biro ng mommy niya at nauna ng naglakad habang hila-hila ang daddy niya. "Manahimik ka, hon." Bumaling naman si Clara kay Anthony na ngayon ay matiim na nakatitig sa kanya. "Bakit ganya ka makatingin?" tanong niya. Hindi naman naiwasan mapangiti ni Anthony at nilapitan ang dalaga. Iniipit nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga nito. "You look so freaking hot, Hon," bulong niya. "ANG SARAP TALAGA!" sambit ni Clara habang nilalasap ang luto ng mommy niya. "Galing mo talaga magluto, mommy. Bakit ako, hindi?" Natawa naman si Samara sa sinabi ng anak. "E, dyan ka sa daddy mo nagmana. Walang alam sa kusina. Ang alam lang kumain ng kumain." Binalingan niya ang binata na katabi ng anak. "Nagustuhan mo ba, iho?" "Opo, perfect. Para na po akong kumain sa restaurant," komento naman ni Anthony. Totoo namang masarap ang mga pagkaing nakahanda. Sulit naman pala ang pinunta niya kahit may mga matatalim na mata ang nakatingin sa kanya. "Hon, baka hindi matunawan si Anthony. Ayusin mo 'yang mata mo at baka tusukin ko 'yan," bulong ni Samara sa asawa. "Tutal nandito na rin naman tayo. Sagutin mo ako, iho. Nililigawan mo ba itong dalaga namin?" tanong ni Clarence. Maganda na 'yung malinaw. Naudlot sa ere ang kutsara ni Anthony, akmang susubo kasi siya ng magtanong ang daddy ni Clara. Ibinaba niya ang kamay. Ano ba isasagot niya? "Daddy, hindi po. Biglaan lang po talaga bakit siya ang nakasama ko. Kasi naman po, bakit pinasundo n'yo ako kay Joshua. Sinabi ko na ayoko sa kanya," singit ni Clara dahil napansin niya ang pagkabalisa ni Anthony. 'Yun naman ang totoo. "Hindi mo gusto anak ko?" muling tanong ni Clarence na hindi pinansin ang hinaing ng anak. Parang biglang pinagpawisan si Anthony. Bakit tila siya nasabak sa hotseat. Nakikain lang naman siya. "Hon, enough. Nasa harap tayo ng pagkain. Stop asking question." Pinandilatan ni Samara ang asawa ng akmang magsasalita pa ito. Nagpatuloy sila sa pagkain. Maya-maya ay tinawag ni Samara si manang Nessa. "Manang, padala na po rito." Ilang minuto lang ay lumabas si Manang Nessa at may dala-dala na isang medyo may kalakihang mangkok. "Heto na po." Inilapag ni Manang Nessa ang mangkok sa gitnang bahagi ng lamesa at umalis din agad. "Ang bango!" komento ni Clarence. "What is that mommy?" tanong ni Clara? Habang si Anthony ay nagmamasid lang. Ayaw niya muna magsalita at baka ma-hotseat na naman siya. "This is s**o. Masarap ito 'nak. Tagal ko rin naghanap niya. Sumakto pa talaga na may bisita tayo." Bumaling si Clarence sa binata. "Kumakain ka ba ng s**o, iho?" Nasamid naman bigla si Anthony dahil parang iba pagkakarinig niya. "Napaghahalataan..." sambit ni Clarence. "Kapag natalo mo ako sa pabilisan ng pagsipsip ng s**o, sayo na boto ko," paghahamon niya pa sa binata. Bigla naman natigilan si Anthony. Sa totoo lang wala naman siya dapat patunayan dahil hindi naman siya nanliligaw kay Clara. Pero meron isang bahagi ng pagkatao niya na itinutulak siya upang tanggapin ang hamon ng daddy nito. Hindi yata nila naitatanong na expert siya sa pagsisid esteh pagkain ng s**o. "Sure po," nakangiti niyang tugon. Nailing na lang si Samara sa kalokohan ng asawa. Kung sino-sino pa tinawagan nito makahanap lang ng s**o para sa gabing ito. Biglaan nga kasi talaga. Nang malaman na may isasama ang anak ay agad-agad nawala sa tabi niya. 'Yun pala may binabalak. Si Clara naman ay hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon sa kalokohan ng daddy niya tapos sinabayan pa ni Anthony. Nakapagsandok na ang dalawang lalaki sa kanya-kanyang mangko. Sampung piraso sa bawat isa. "Ayusin mo iho, ah. Bet pa man din kita sa dalaga ko," nakangiting sambit ni Samara. "Hon! Dapat ako pinag-chi-cheer mo!" nakasimangot na kontra ni Clarence at sinamaan ng tingin ang binata. "Go daddy!" Pag-eengganyo na lang ni Clara sa daddy niyang parang bata. "Sige na. Start na tayo pagbilang kong tatlo nakatago esteh sumipsip na kayo. Tatawagin natin itong game ng 's**o Sipsip'." Natawa si Clara sa sinabi ng mommy niya. Habang ang dalawang lalaki ay mas lalong naengganyo. "Anak harap ka kay Anthony, ako kay Daddy mo. Sabay natin sasabihin. Nakuha mo?" "Ay ang saya. Opo mommy." Pumalakpak pa si Clara bago tumingin kay Anthony. Parang iba na ang nasa isip ni Anthony na gustong sipsipin. Pagkabilang ng tatlo ni Samara ay sabay sila ng anak habang nakaharap at mapang-akit na nakatingin sa kanya-kanyang kapareha sabay binigkas ang magic word. "s**o, Sipsip!" Mabilis na nagsimula ang dalawang lalaki sa pagsipsip na may kasama pang tunog sa mga s**o. Tuwang-tuwa si Clara habang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Habang si Samara ay naiiling. Mukhang, napag-iwanan na ang asawa. "s**o Sipsip, sarap!" sigaw ni Anthony at itinaas pa ang kanang braso. "Yehey! We are the winner!" tuwang-tuwa si Clara. "Nandaya ka siguro," angil ni Clarence na hindi matanggap na natalo siya ng binata. "Hon, huwag kang bitter. Saka, obvious naman. Batang-bata cyempre magaling sumipsip-" "Hon, ang bibig mo!" Umismid lang si Samara. Binalingan niya si Anthony. "Ang galing mo pala sumipsip iho. Talent 'yan kaya paghusayan mo," nakangisi niyang sambit at tinignan ang anak. Napakurap naman si Anthony. Siya lang ba nag-o-overthink o talagang may ibang ibig sabihin ang mommy ni Clara. "Mommy, paano naging talent 'yun?" "Talent 'yun, anak. Nakakapagpatirik ng mata-" "Hon!" babala ni Clarence sa asawa. Alam niya namang nagbibiro lang ito pero ayaw niyang iba ang isipin ng binata na halatang babaero. Muling inismiran ni Samara ang asawa at binalingan ang anak. "Dati, gusto kong pagsisihan na masyado kitang pinagbawalan sa mga bagay-bagay. Pero ngayon hindi na. Dahil palagay ko you really meant for each other," kinikilig pang sambit ni Samara. Ewan niya pero magaan ang loob niya sa binatang kasama nila ngayon. "Sus! Ganyan din sinabi mo kay Jo-" "May sinasabi ka ba?" nakataas kilay na turan niya sa asawa. "Sabi ko nga wala." Hindi napigilan mapangiti ni Anthony. Nakikita niya kasi sa mga ito ang sariling mga magulang. "Anthony, pasipsip nga. Gusto kong matikman! Ayaw lumabas, eh," sambit ni Clara na nakasimangot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD