bc

Marrying that Promdi Secretary

book_age18+
5.3K
FOLLOW
41.9K
READ
drama
comedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

‼️This story is not suitable for young readers.‼️

—— BLURB——

Bata pa lamang si Alora ay wala na siyang natanggap na tunay na pagmamahal sa kahit na kanino. Lalo pa’t wala siya sa tabi ng tunay niyang mga magulang.

Natuto siyang lumaban at mangarap sa pamilyang Reid na siyang tumulong sa kaniya upang siya’y pag-aralin kapalit ng pagbabanat niya ng buto at bilang kabayaran ay nag-aral siyang mabuti hanggang sa makapagtapos.

Ang dalagang salat sa pagmamahal ay makatatagpo ng taong magpapatibok sa kanyang puso mula sa isang lalaking wala yata sa bokabularyo ang salitang pag-ibig —- si Hunter Geller, isang mayamang negosyante.

Hindi lang siya nahulog sa kagandahang lalaki ni Hunter, nahulog rin siya sa patibong nito lalo pa at inalok siya nito ng kasal.

Posible nga bang sumibol ang pag-ibig kahit walang kasiguraduhan kung tunay siya nitong mahal?

Paano kung isang pangyayari ang magdadala kay Hunter para pumili ng isa lang sa dalawang importanteng tao sa buhay niya: ang kanyang dating kasintahan o si Alora na sinisigaw ng kanyang puso?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Inday, sigurado ka bang ito ang address na binigay ng agency?" nagtatakang tanong ni Nene kay Inday. Every weekend, on-call cleaner sila ng kanyang pinsan. Kadalasan, naglilinis sila ng mga abandonadong bahay o bahay na walang naninirihan ng matagal na panahon. Tumatanggap sila ng part time job para pandagdag sa kanilang ipon. "Nene, 'wag kang makulit. Ito ang address, tingnan mong mabuti para hindi ka mabaliw." Galit na iniabot ni Inday ang address kay Nene. "Malayang Ungolan St. Block 69 lot 69." Yawa, kahit numero ng bahay ang sagwa pakinggan. Siguro malibog ang may-ari niyan. "Huwag maging judgemental, Alora!" "Sorry, tao lang ako, Inday. Kahit saang anggulo tingnan, bastos talaga ang pangalan ng address." "Oo, sinabi mo eh. Tapos sabi ni Sir Ronnie pagdating natin sa Malayang Unggolan St., kumanan tayo at dumiretso sa dulo. At pag makita natin ang nag-iisang bahay doon. Pumasok na lang tayo dahil mamayang gabi pa daw darating ang may-ari. Alam mo ba Inday, sikat na model ang may-ari ng bahay, pero matagal na siyang naninirahan sa ibang bansa dahil doon siya sumikat at nagkaroon ng malaking break sa industriya. Ngayon lang daw siya uuwi dahil ikakasal na siya sa boyfriend niya." "Nene, ang dami mong sinabi. Tinatanong ko lang ang address ng bahay. Bakit umabot sa ibang bansa ang usapan natin," pilyang sabi ni Inday. Marunong siyang magtagalog dahil pinag-aral siya ng mag-asawang Reid. Pumapasok siya sa paaralan sa gabi. Siya ang nagbabantay sa anak ng mag-asawang Reid sa maghapon. ""Ewan ko sa ’yo, Nene. Siguro ito na ‘yon. Wala naman akong nakikitang ibang bahay kung ’di ito lang," giit ni Inday sa kaniyang pinsan. Kinuha ni Nene kay Inday ang susi ng gate at bahay. Nagulat sila nang buksan nila ang gate pero nakabukas na ito. Dahan-dahan nilang binuksan ang gate at pumasok. Pagdating nila sa loob ng bahay ay may nakaparada na sasakyan sa parking lot kaya nagkatinginan silang dalawa. "Naku, Nene, pabayaan mo na 'yan. Mag-isip na lang tayo kung anong diskarte ang gagawin natin para matapos tayo ng maaga." "Grabe, napakadumi ng bahay at mukhang mahihirapan tayo," sabi ni Nene sabay kindat habang nakatingin sa damuhan na mas matangkad sa kanya. "Halika na Nene. Magsimula na tayo para makauwi tayo ng maaga." Kahit na takot silang dalawa, ipinagpatuloy nila ang paglilinis ng bahay. "Nene, pwede bang sa likod kanalang ng bahay, dito na ako sa loob at sa tapat ng bahay. Kasi kung magkasama tayo, baka hindi tayo matapos dahil puro chismisan lang tayo." "Oo, akala mo hindi ka tsismosa, alam kong mas malala ka sa akin." Dumiretso si Nene sa likod ng bahay at sinimulan na ni Inday ang paglilinis sa harapan. "Diyos ko. Gusto kong umihi. Hindi ko na kaya," sabi ni Nene sa sarili habang tumatakbo papunta sa dulo ng garden. May maliit na kubo sa dulo ng garden. Gawa sa yantok at kawayan. Habang umiihi sa gilid ng damuhan, bigla siyang nagulat nang may makita siyang dalawang sapatos sa labas ng kubo. Agad siyang tumayo at pumunta sa gilid ng kubo. Nakita niyang may maliit ding swimming pool ngunit napakadumi nito at puno ng water lily. Hindi siya sumilip sa loob ng kubo ngunit nang aalis na siya ay may narinig siyang umuungol na babae sa loob.. "Ahhhh...Uummm..." Malakas na ungol ng babae. "Gusto ko na isak-sak ang sandata ko sa loob mo. Sigurado ako baon na baon ito sa loob mo." "Ano? Saksakin? Naloko na. Kailanqan ko yatang tumawag ng pulis para iligtas ang biktima sa loob," natatarantang saad ni Nene. Aakmang aalis na 'to ulit nang biglang sumigaw ulit ang lalaki. "Shit...I'm cuming." "Diyos ko, coming na daw. Kailangan ko na tulungan ang babae at baka tuluyang saksakin ng lalaki," inosenteng saad nito. Gumapang 'to malapit sa kubo. Pagkatapos dahan-dahan itong umupo at nakinig ng usapan sa loob ng kubo. Habang abala si Nene sa pag-iisip kung paano iligtas ang babae sa loob. Si Inday naman ay boysit na boysit sa kahihintay sa kaniya. Ang usapan kasi nila 10 am kakain na sila ng baon nilang pananghalian dahil nag-kape at tinapay lang sila ng umaga. "Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Laging sumasakit ang ulo ko kay Alora. Kung hindi lang sa akin iniwan ni Tiyo Andoy, matagal ko na siyang iniwan," sabi ni Inday sa sarili habang inaayos ang kanilang pagkain. Naghintay pa ng ilang minuto si Inday pero hindi pa rin dumarating si Nene kaya nagpasya siyang pumunta sa likod ng bahay para hanapin ang pinsan. "Nasaan kaya siya?" tanong ni Inday sa sarili. Habang naglalakad si Inday sa daan patungo sa kubo, biglang gumalaw ang kumpol ng bulaklak at nataranta siya. "Diyos ko. Ano iyan? Naku huwag naman sana---. Alora nasaan ka na ba? Pahamak ka talaga." Mabilis na dinampot ni Inday ang patpat para ipalo sa gumagalaw. "Naku, kung ahas ka talaga, patay ka sa akin," sabi niya habang papalapit sa kumpol ng mga bulaklak. Nang muling gumagalaw ang mga bulaklak, hahampasin na sana niya ito nang biglang tumayo si Nene. "Inday 'wag mo akong paluin. Ako 'to, si Nene!" "Tarantado ka talaga. Ano ang ginagawa mo d'yan? Ang akala ko talaga ahas ang gumagalaw. Tingnan mo nga ang sarili mo, ang dumi mo." Sumenyas si Nene kay Inday na tumahimik muna at makinig sa ingay sa loob ng kubo. Dahil tsismosa rin si Inday, sinundan niya si Nene na gumapang patungo sa kubo. "Siguradong patay na ang babae dahil malakas ang boses niya kanina, ngayon ay parang pusang namimilipit," inosenteng saad niya sa pinsan. " Nene ang tanga natin. Kung may sinasaksak diyan sa loob dapat pinasok na natin dahil sigurado pagnamatay ang babae sa loob, kargo de konsensya pa natin. At baka multuhin tayo niyan." Desperada na silang dalawa na pumasok sa kubo. Si Nene ay may bitbit na sanga ng puno habang si Inday ay kinuha ang sapatos mula sa labas para ihampas sa lalaki. "Inday pagbilang ko ng tatlo sipain mo ang pinto," saad ni Nene habang si Inday ay pumwesto na para sipain ang pinto. "Isa... Dalawa... Tatlo...." Boooogggg. Isang malakas na sipa ang ginawa ni Inday. Nakita nilang nakatali ang babae sa kama at nasa ibabaw ng babae ang lalaki. "Hayop ka. Hayaan mo siya," agad na sigaw ni Nene habang sumusugod silang dalawa. Hinampas ni Nene ang lalaki sa balikat kaya nahulog ito mula sa kandungan ng babae. "Fuck... Sino ka? At paano kayo nakapasok dito?" galit na galit na sigaw ng babae sa kanila. "Ma'am bakit ka sumisigaw? Tinutulungan ka namin mula sa taong 'yan. D-dahil narinig ko sa labas, sasaksakin ka daw niya ng mahaba niyang sandata, kaya nag-alala ako sa iyo." Napatampal naman si Inday sa noo dahil sa sobrang kahihiyan. Sa sobrang inis ng binata sa kanilang dalawa, nakalimutan niyang wala pala siyang saplot. "Bloody shit..... You're such a f*****g asshole. Lumayas kayo at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ano pa ang magawa ko sa 'nyo." "S-sir, takpan mo ang----" Hindi masabi ni Nene ang sasabihin kaya ngumuso na lang siya sa mahabang sandata nito na nakatayo pa rin. Ngumisi ang lalaki at lumapit kay Nene. Hindi 'to nahiya kahit nakikita ng magpinsan ang kanyang galit na sandata. "Bakit? Nagustuhan mo ba ang sandata ko? Mukhang masarap ba? Kahit kasing laki ng buto ng papaya ang dibdib mo, okay lang sa akin," nakangiting sabi ng binata. "Nayawa na. Inday, takbo." Dahil sa takot, kahit nadulas silang dalawa ay hindi sila tumitigil sa pagtakbo. Hindi na sila lumingon hanggang sa makalabas sila ng kubo. Hinabol sila ng lalaki hanggang sa pinto. "Hunter stop. Let them go. I think, sila ang pinadala ng agency para maglinis ng bahay ko," saway ng babae sa boyfriend nito. "Inday ang pagkain naiwan natin." "Nene, nababaliw ka na ba? Kung gusto mong mawarak ang bahay bata mo, sige bumalik ka doon," galit na saad ni Inday kay Nene. Dahan-dahan silang umupo sa gilid ng kalsada. Malayo na rin sila sa bahay. Napailing si Inday dahil sa kalokohan ni Nene. "Tatawagan ko si Toto para sunduin tayo dito." Halos kalahating oras din silang naghintay bago dumating si Toto. Pagdating ni Toto, tinitigan sila mula ulo hanggang paa. "Ang aga-aga, bakit kayo nagpasundo? Akala ko kasi gabi na kayo uuwi," nakasimangot na tanong ni Toto. May hinala siya na may nangyari kaya umuwi ang dalawa ng wala sa oras. "Toto, may malaking ahas sa loob ng bahay. Kaya hindi na namin natapos ang trabaho namin kasi natatakot kami na baka kagatin kami ng ahas," sabi ni Inday habang pinanlalakihan ng mata si Nene. "Ay, oo Toto. Sobrang laki at sobrang haba. Tapos galit na galit pa. Tingnan mo Toto, nasugatan ako kasi kakatakbo ko. Nang marinig ng binata ang sinabi ng dalawa ay agad niyang pinaikot ang sasakyan para balikan ang sinasabing ahas ng dalawa. "Toto saan ka pupunta?" kinakabahang tanong ni Inday. "Babalik ako at papatayin ko ang ahas. Tingnan mo ang laki ng sugat mo," galit na sagot ni Toto sa dalawa. "Naku, Toto, 'wag kang magkakamaling bumalik sa bahay na iyon dahil sigurado matatalo ka lang ng ahas. Sa'yo, parang toothpick lang, habang sa kan'ya parang chopstick." "Alam n'yo. I'm sure may ginawa kayong kalokohan." Kilala ni Toto ang dalawa. Magkasama na silang tatlo simula pagkabata. Laging nasasangkot sa gulo ang magpinsan dahil sa kalokohan nilang dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook