"Diamond, saan ka pupunta?" Hapong-hapo na tanong ni Crystal. "Sa tambayan ko, sasama ka ba?" "P-puwede ba? W-wala rin akong klase kaya sasama nalang ako." "Naku, sigurado papagalitan ka ni Tita Inday. Kilala mo ang Mommy mo." "No worries, hindi naman ako matitiis ni Mommy." Paborito ni Diamond ang tumambay sa isang restaurant na malapit sa bar. Simulang ng tumuntong sila sa college hindi na sila palagi magkasamang magkakapatid. May kanya-kanya na itong mga lakad kaya madalas naghahang- out ng mag-isa si Diamond. Mabuti nalang at inilipat ng paaralan si Crystal kaya nagkaroon siya ng kasama. "Crystal, itabi mo na ang pera mo at ako ang bahala sa'yo." "Huwag na. Nakakahiya sa'yo. Sa tuwing sumasama ako sa'yo lagi mo nalang ako nililibre." "No, it's okay. Hindi malulugi si Dad

