Matapos ang kanilang usapan, napagpasyan nilang magbala-e na mamili ng gamit.Ganun sila ka excited na magkaroon ng apo. "Scarlette sumama kana total wala kanaman duty ngayon."Yaya ni Cel sa anak. "Oo nga hija,para naman may kasama si Sky." Pumayag naman si Scarlette dahil gusto niya rin makilala ang sister inlaw ng kanyang kakambal. "Paano kami?"tanong ni Dos sa dalawa. "Hindi ba't nag-d-desisyon din kayo na kayo lang.Kaya patas na na tayo." "Babe bati na tayo!" Paglalambing ni Oscar sa asawa. "Don't call me babe,Oscar.Magpatingin ka mona sa doktor, kung safe ka bumalik ka sa akin.Dapat may dala kang notes galing sa doktor."Supladang saad nito. Kumislap ang mata ni Oscar at lumingon kay Gold Lee."Gold ikaw na ang bahala sa akin,"mahinang bulong nito sa binata. "Hoy,Mendez huwag ka

