Umuwe na agad kami ni Lance matapos kaming kumain sa resto kung saan nandun rin sila Wendy at Lukas. Okay na sana, eh. Nagsisimula na si Lance na makalimot sa sakit pero tumaon pa namang nasa iisa kaming resto kanina. Sana pala hindi nalang dun sa restaurant na yun kami kumain. Kung alam ko lang sana. Tsk. Mula noong umalis kami doon sa resto at sumakay ng taxi, alam kong hindi maganda ang mood ni Lance. Mukhang nag-iisip na naman siya dahil sa nakita. Ikaw ba naman na makita mo yung ex mo na may kasamang iba, hindi ka ba malulungkot o mapapaisip man lang? Lalo pa't hindi pa gano'n katagal simula noong naghiwalay sila. Hindi maipinta yung mukha ng loko, malungkot na malungkot siya na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa isang banda kahit tinutulungan ko siyang makalimot, naiintindih

