"Okay ka lang?" tanong ko kay Lance nang makalabas kami ng barber shop. "I'm okay." sagot niya kahit hindi naman halata sa nakasimangot niyang mukha pero hindi ko na lamang siya kinulit. "Yung tungkol kanina sa loob, nailang ka ba?" pag-iiba ko ng usapan referring doon sa kwentuhan noong dalawang lalake sa barber shop. "Hindi gaano pero oo. Bakit, ikaw ba hindi nailang? They really think that we are a couple." medyo natatawa niyang sagot at bumaling ng tingin sa akin. Well, kung ako lang ang tatanungin ay sana nga totoo yung sinasabi nila. Na may namamagitan sa aming dalawa pero wala, eh. Lahat ng yun ay nasa isip ko lang at lahat ng yun ay isang ilusyon para sa akin. "Hindi rin gaano." simpleng sabi ko na tila nagsinungaling dahil ang totoo, naiilang ako. "Dapat na ba tayong mailang

