Sabado ngayon at late na akong nagising dahil late na rin akong natulog kagabi. Tulog pa si Lance kaya naisipan ko munang magluto. Ngayon na nga pala yun at hindi ko maiwasang matuwa sa araw na to. Nang matapos akong magluto, agad kong pinuntahan si Lance sa kwarto niya. "Lance! Uy, gumising ka na! Tanghali na uy! Laaaaanceeeee!" malakas na sambit ko habang niyuyugyog si Lance na mahimbing pang natutulog. "Maaga pa, Jao..." walang ganang tugon niya habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Anong maaga ka dyan? Alas-dyes na, oh! Kaya sige na, bumangon ka na dyan! Naghanda ko ng pagkain natin, tara na!" pangungulit ko pa sa kanya. "Ano ba, pare? Bakit mo ba 'ko ginigising? Gusto ko pang matulog, mamaya nalang ako kakain..." medyo inis na sagot niya na hindi man lang iminulat ang kanyang ma

