Ilang oras rin kaming naka-tambay doon sa plaza hanggang sa nagpasya na kaming umuwe. Umalis na sila Gor at Dennis habang ako nama'y nagsimula na ring maglakad pabalik sa apartment. 10pm na at masyado nang tahimik ang paligid na nilalakaran ko, mga street lights nalang ang nabibigay liwanag sa daang dinadaanan ko. Malamig na rin ang simoy ng hangin at nakapamulsa ako habang dinadama ang init ng aking katawan. Medyo nilalamig kasi ako, sana pala ay nagdala ako ng jacket man lang o mas makapal na damit. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang isipin lahat ng mga sinabi ng mga kaibigan ko. Alam ko namang tama sila, eh. Alam ko ring may concern sila sa'kin at sa nararamdaman ko. Kung tutuusin nga ay dapat pa akong magpasalamat dahil may mga kaibigan akong tulad nila. Yung mga totoo at may pakea

