Chapter Four

1561 Words
Nagising ako sa maingay na tunog ng aking cellphone. Ilang minuto ko rin yung di pinansin dahil wala pa sa wisyo ang katawan ko para bumangon. Limang minuto na siguro ngunit hindi pa rin yun tumitigil sa pagri-ring. Masyadong maingay kaya kinuha ko na iyon at sinagot. "Hello?" walang ganang bungad ko nang mailagay ko na iyon sa aking tenga. "Hoy, Jao! Nasaan ka na ba? May balak ka bang pumasok at mag-exam? Sabihin mo lang dahil 10 minutes ka nang late!" sigaw ni Reesa sa telepono na nagpagising sa diwa ko. Napatingin ako sa orasang nasa mesa ko at sh*t! 8:10am na pala! Late na ako sa klase ko! "Hello, Jao? Nandyan ka pa b----" Binaba ko na agad yung cellphone at napabalikwas sa aking kama. Sh*t, naman oh?! Bakit ba ang himbing ng tulog ko? Nang subukan kong tumayo, bigla akong nakaramdam ng kakaibang sakit sa parte ng ulo ko. Naalala ko na nag-inuman pala kami ni Lance kagabi at mukhang nakarami kami ng beer. Kaya eto, may hang-over ako ngayon. Nakalimutan ko rin na may exam pala kami ngayon. Nakakaasar! Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Tatlong minuto lang yata yung itinagal ko doon sa loob ng banyo at nagbihis na rin agad ako. Hindi na rin ako nakapag-ayos ng aking buhok at kinuha na lang yung bag ko palabas ng kwarto. Bigla namang sumagi sa isip ko si Lance, baka natutulog pa siya at hindi rin namalayan yung oras. Kaya agad akong kumatok sa kwarto niya ngunit hindi siya sumasagot. Binuksan ko na iyon dahil hindi naman naka-lock pero nagulat ako ng wala na siya sa loob. Mukhang nakaalis na siya. Pero bakit hindi niya ako ginising? Nakaramdam naman ako ng pagkainis dahil kung nasa school na nga siya, hindi manlang siya nag-abalang gisingin ako. Asar. Sinara ko na yung pinto ng kwarto niya at lumabas na ng apartment. Mabuti nalang at malapit lang ang campus mula sa tinutuluyan namin, kaya hindi ko kailangang sumakay ng sasakyan. Mabilis ko nalang tinakbo yung daan hanggang makarating ako sa gate ng campus. Pinagbuksan naman ako nung guard at dumiretso na ako sa klase ko. Hindi ko na pinansin yung medyo magulong buhok ko at ang pawis na tumutulo mula sa ulo ko. 8:25 na kasi at sigurado akong nagsisimula na yung exam ngayon. Lagot na talaga! Hingal na hingal akong nakarating sa klase ko at lahat naman sila ay napunta ang tingin sa akin. Pati ang professor ko ay napatingin rin na tila kinikilatis ang itsura ko. "Mr. Santillan, bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kanina pa kami nagsisimula?" matigas na tanong ni Mrs. Aceveda, ang istrikto naming prof. "Na-late kasi ako ng gising, ma'am. Pasensya na." nahihiyang paliwanag ko at pilit na ngumiti sa kanya. "Napaka-common ng dahilan mo, Mr. Santillan. Baka nakakalimutan mo, college ka na at hindi elementary." seryosong banat ni Mrs. Aceveda kaya't nagsitawanan naman yung mga kaklase ko. "Tumahimik ang lahat! Walang nakakatawa!" Bigla naman nagsitahimikan yung mga kaklase ko dahil na rin sa takot kay Mrs. Aceveda. Kahit sino naman ay matatakot sa kanya dahil sa istrikto niyang pagtututo at mga matang nanlilisik. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit ayaw kong nale-late eh. "Pasensya na ma'am." nakayuko kong paumanhin sa kanya. "Well, pangalawang beses mo palang naman itong ma-late kaya palalagpasin ko. Alam niyo namang ayaw kong may nahuhuli lalo na sa klase ko. Sa susunod, be early." sermon pa niya at tumango nalang ako. "By the way, here's your exam at mayroon ka nalang kalahating oras para sagutan lahat ng items dyan." Inabot niya sakin yung mga papel na may mga questions at yung answer sheet. Kahit na-pressure ako sa 30 minutes, tinanggap ko nalang. Umupo na ako sa aking upuan kung saan katabi ko si Reesa, kaibigan ko rin at isa sa mga nakakaalam ng mga sikreto ko. "Ano bang ginawa mo kagabi at na-late ka ng gising? Or maybe, anong ginawa NIYO kagabi?" tanong niya na tila kinikilatis ako. "Ano bang sinasabi mo? Nagkainuman lang kami ni Lance at late na akong nakatulog kaya late na rin akong nagising." sagot ko at sinulat na ang pangalan ko sa answer sheet. "Yun lang ba talaga?" paninigurado niya. "Oo, yun lang at wala ng iba. Mas nauna pa nga sa'kin si Lance pumasok, eh." tugon ko at bumaling ng tingin sa upuan ni Lance pero laking gulat ko ng mapansing walang nakaupo doon. "Nasaan si Lance?" "Ha? Diba siya yung kasama mo sa apartment? Atsaka, anong sinasabi mong nauna siya dito? Nagtataka nga ako kung bakit hindi mo siya kasama, eh." sagot ni Reesa na ipinagtaka ko. Nakakapagtaka, nakita ko na wala siya sa kanyang kwarto kanina at pati yung bag niya. Ang buong akala ko, nauna na siya sa'kin. Bakit wala siya dito at saan siya nagpunta? Hindi ko nalang pinansin si Reesa at kahit nag-aalala ako kay Lance, nagfocus muna ako sa sinasagutan ko. Walang pumasok sa utak ko dahil na rin sa sakit ng ulo ko. Natapos yung buong oras na iilan palang yung nasagutan ko at yung iba, nilambang ko nalang. Bahala na! Matapos kong ipasa yung papel ko ay lumabas na ako dahil may 2 hours vacant time kami. Nakatulala akong nag-iisip kung saang lupalop naroroon si Lance. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa hang-over ko at sa tiyan kong kanina pang gutom. Sabayan pa ng pag-iisip ko kung nasaan si Lance. "Pogi!" narinig ko ang boses ni Reesa pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ay, grabe ka Jao! Snob lang ang peg?!" Sumabay siya sa akin pero ako nakatulala pa rin habang naglalakad kami. Ewan ko pero gulong-gulo ang utak ko ngayon. "Pansin ko, kanina ka pang tulala dyan? Ano bang nangyayare sa'yo, Jao? Huwag mong sabihing dahil kay Lance 'yan?" nagtatakang tanong niya. "Nag-aalala lang kasi ako sa tao. Kanina, bago ako umalis ay chineck ko siya sa kwarto niya pero wala na siya do'n. Akala ko nga, nauna siya sa'kin eh. Tapos hindi pala siya um-attend ng klase." nag-aalalang tugon ko sa kanya. "Baka may pinuntahan lang. At saka, malaki na siya Jao. Hindi mo naman kailangang mag-alala dun." sambit niya. "Alam mo namang hindi ko maiiwasang mag-alala sa kanya, diba?" seryosong tugon ko sa kanya habang patuloy lang sa paglalakad. "Oo nga pala, mahalaga nga pala si Lance sa'yo at dyan sa puso mo. Yieeee!" pang-aalaska pa ni Reesa pero di ko nalang pinansin. "Uy, teka. May chicka ako sa'yo. Totoo bang break na si Lance at Wendy?" "Oo. Kahapon lang. Kaya nga kami nag-inuman ni Lance kagabi, eh." sagot ko. "Omaygad! Edi mabuti! May pag-asa ka na, Jao! Bakit parang di ka naman masaya?" tanong niya. "Reesa, hindi ko gusto yung paghihiwalay nilang dalawa. Kung magiging malungkot lang si Lance, mas gugustuhin ko pang magka-girlfriend siya ulit." seryosong tugon ko. "Wow naman! Ikaw na talaga, Jao! Ikaw na talaga ang Martyr ng Taon! Hahaha! Teka, bakit ba talaga sila naghiwalay? Ano bang issue?" tanong pa niya. "Nakita ni Lance sila Wendy at Lukas na naghahalikan sa blitchers kahapon." simpleng sagot ko kaya lalo akong nainis. "Si Lukas at Wendy? Naghahalikan? Sa blitchers? Si Lukas? As in, Lukas Vellarca? Yung sikat na football player dito sa school?!" gulat na bulalas ni Reesa. "Oo. Siya nga, Reesa." sagot ko sa nanlulumong si Reesa, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong may gusto siya kay Lukas. "Eh, may sa malandi rin pala 'yang Wendy na yan e! Pati si Lukas ko, nilandi na rin niya?! Huhuhu. No, please! No!" iyak-iyakang sabi ni Reesa na tila apektado sa mga nalaman. "Eh, kung di rin kase tarantado 'yang Lukas na yan e. Alam naman niyang may boyfriend si Wendy, pinatulan niya pa? Gusto ko siyang sapakin! Maka-ganti man lang sa sakit na nararamdaman ngayon ni Lance." gigil kong tugon habang kinukuyom ang kamay ko. "Alam mo Jao, tama ka e. Kailangang masuntok ng isa 'yang si Lukas, eh. Para matigil din yung kalandian niya! Ka-lalakeng tao! At saka, kawawa naman si Lance." gigil ring pagsang-ayon ni Reesa na tila nagbago ng timpla. Habang naglalakad kami ay narinig ko ang malalakas na sigawan ng mga estudyante sa di kalayuan. Napansin rin iyon ni Reesa at nakita namin ang mga nagkukumpulang estudyante na tila may nangyayaring gulo. Habang papalapit kami ay di ko maiwasang kabahan dahil sa mga maaaring masaksihan. Maya-maya pa ay may nakasalubong kaming lalake na mukhang galing doon sa mga nagkukumpulang estudyante. "Brad, sandali. Anong meron do'n? Bakit nagkukumpulan sila?" tanong ko. "May nag-aaway. Nagkainitan yata dahil sa babae." tipid na sagot nito at aalis na sana pero pinigilan ko. "Teka, sino yung mga nag-aaway?" kinakabahang tanong ko. "Kuya, sumagot ka! Sino?!" medyo OA na segunda ni Reesa na tila ay kinakabahan na rin. "Yung sikat na football player at basketball player dito sa campus? Yung si Lukas ba yun? At saka yung isa, si...Lance. Oo, tama. Yun nga." sagot niya at biglang kumunot ang noo habang pinagmamasdan ako. "Teka, diba kaibigan mo yun? Nako, brad. Mukhang kailangan ka niya ngayon, dalawa yung bumubugbog sa kanya doon eh. Dehado siya kapag nagkataon!" Yun nalang yung sinabi niya at ako nama'y gulat na naka-kuyom ang kamao. Mukhang kailangan ako ni Lance ngayon. Agad naman akong tumakbo palapit doon sa mga estudyanteng nagkakagulo. "Jao, anong gagawin mo?! Sandali!" sigaw ni Reesa na tumatakbo rin kasunod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD