Chapter Five

1361 Words
Nang makarating ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan ay agad akong nakipagtulakan at nakipagsiksikan upang makita ang pinalilibutan nila. Nag-init yung ulo ko nang makita si Lukas kasama yung isang niyang kaibigan habang pinagtutulungang bugbugin si Lance. Hindi ko na napigil ang sarili ko at nakisali na sa gulo. Hinila ko ang polo ng nakatalikod na si Lukas at binigyan ito ng isang malakas na suntok, gano'n rin yung isa pa niyang kasama. Itinayo ko ang nagulat na si Lance na may dugo na sa bandang labi niya. Pero bago pa ako makaharap sa kanina'y nasuntok kong si Lukas ay bigla nalang akong natamaan ng isang malakas na suntok galing sa isa niyang kasama. Bigla nalang hinila ni Lukas ang kwelyo ng polo ko at hinigpitan ang pagkapit nito. "Hoy, anong problema mo pare?! Kasali ka ba dito, ha?!" galit niyang sigaw sa'kin at mas hinigpitan pa yung kapit sa kwelyo ko. "Ikaw, anong problema mo?! Kung tutuusin, ikaw naman ang may kasalanan ng lahat eh! Inagaw mo ang girlfriend ni Lance! Pati si Wendy, pinatos mo!" sigaw ko sa kanya at nagsimula namang maghiyawaan yung mga tao sa paligid namin. "Mang-aagaw ka pala, eh!" "Pati girlfriend ng iba, pinatos mo!" "Suntokin yan!" "Idaan na yan sa suntukan!" Yan yung mga naririnig ko sa paligid namin. Tumingin siya sa'kin na sobrang galit at tila napahiya sa mga narinig niya. "Eh, gago ka pala e!" nanggagalaiting sigaw niya na aktong susuntukin na sana ako pero laking gulat ko nang suntokin siya ni Lance. Nang makawala ako sa pagkakahawak ni Lukas ay agad ko namang sinugod yung isa pang kasama niya. Habang si Lance naman ay nakikipagbasagan kay Lukas. Ilang beses rin akong nasuntok nung isang kasama ni Lukas pero mas marami ang pagtama ng kamao ko sa kanya. Napansin ko namang nade-dehado ni Lukas si Lance at aktong susuntukin na sana pero agad akong tumakbo para banatan si Lukas. Hinila ko yung buhok niya at iniharap ito sa akin sabay suntok na nagpatumba sa kanya. Nakarami rin kase 'to sa'kin si Lukas, eh. Bumawe lang ako. Pinunasan ko yung dugong tumulo sa bibig ko at nagulat ng may mga gwardyang sumipol sa kinaroroonan namin. Nagulat naman ako at hindi ko alam ang gagawin. Ito kasi ang unang beses kong makipagbasag-ulo at bumalik lang ako sa realidad ng dumating ang mga guard. Kung bakit ba naman kasi ngayon lang sila dumating, eh. "HOY! ANONG KAGULUHAN YAN?!" sigaw nung gwardya at kanya-kanya namang takbuhan yung mga estudyanteng nakapalibot samin kanina. "Jao, tara!" biglang hinila ni Lance ang kamay ko at tumakbo na kami palayo. Hindi naman ako kumalas sa pagkakahawak niya at tumakbo rin sa abot ng makakaya ko. Mahigpit yung kapit sa'kin ni Lance at kahit napapagod na ako, napangiti nalang ako sa mga nangyayare. Alam kong mali yung ginawa ko, na nakisali pa ako sa gulo pero hindi ko yun pinagsisihan. Basta para kay Lance. Nang masigurong nakalayo na kami ay huminto na kami at hingal na hingal na hinahabol ang paghinga. Nandito kami sa may likod ng campus kung saan maraming mga puno at nakasandal kami sa malaking dingding. "Bakit mo ginawa yun? Loko ka rin, ano?" hingal na tanong ng nakangising si Lance. "Ginawa ang alin?" maang-maangang tanong ko rin sa kanya habang hinahabol ang aking paghinga. "Bakit ka nakisali sa gulo namin ni Lukas? Kaya ko naman yun kahit di ka dumating, eh. Nadamay ka pa tuloy." mahinang sambit ni Lance habang dumudugo pa rin yung parte ng labi niya. Natigilan naman ako ng marinig iyon mula sa kanya. Sa isang banda, naramdaman ko yung corcern niya. Kahit papaano, nawala yung sakit ng katawan ko nang marinig kong sabihin niya yun. Hindi ko alam kung nag-a assume lang ako pero pakiramdam ko, may pakealam talaga siya sa'kin. "Kung kaya mo yun, wala ka dapat sugat ngayon sa mukha. Tingnan mo nga yung labi mo, oh. At yung parte ng kilay mo, dumudugo. Baka nga kung di ako dumating para saklolohan ka, baka nabugbog ka na ng todo ng mga yun. Dalawa sila at isa ka lang. Kaya tinulungan kita." giit ko. "Kahit na, hindi ka na dapat tumulong pa. Ano na lang yung sasabihin sa'kin ni Tita kapag nalaman niyang nakipagbasag-ulo ka at ako pa yung dahilan? At isa pa, kayang-kaya ko sila kahit isang dosena pa yung mga yun!" katuwiran ni Lance na tila nagyayabang na naman. Nainis lang ako dahil sa sinabi niya. Siya na nga itong tinulungan, siya pa tong may ganang magalit at magsisi. Ginawa ko lang naman yun dahil ayokong pagtulungan siya ng mga gagong yun. At saka, kaibigan ko siya kaya natural lang na gawin ko yun. "Rumesbak lang ako para sa'yo Lance. Masama ba naman yun? Ipinagtanggol lang kita kase kaibigan kita. Ayoko namang mapahamak ka at mas lalong ayokong mangyari yun, na wala akong ginagawa para tulungan ka." medyo inis kong sabi sa kanya at tumalikod na ako para umalis. "Teka, sandali lang pare..." tawag niya at huminto ako para harapin ulit siya. "Saan ka pupunta?" "Uuwe na ako. Gagamutin ko 'tong mga sugat ko." sagot ko at talagang nilaksan ko para makuha niya yung pinupunto ko. Ang nakakatampo lang kasi, nakipagsuntukan na ako't lahat para resbakan si Lukas pero parang hindi naman niya na-appreciate lahat ng ginawa ko. Mukhang nasayang lang lahat ng mga suntok na tinamo ko sa mukha. Tutal lahat naman ng ginagawa ko, hindi naman niya nakikita. "Salamat sa tulong, pare." sambit niya na nagpabago sa ekspresyon ng mukha ko. "Ang ayoko lang naman kasi, nadamay ka pa sa gulong ginawa ko. Nasaktan ka pa, imbis na ako nalang. Sana hindi mo nalang ginawa dahil alam ko namang hindi ka sanay sa mga gano'ng pakikipag-away. Pasensya na rin." Nang marinig ko yun ay nawala ang kunot sa noo ko. Humarap muli ako sa kanya at bumalik sa dati kong pwesto. Kahit papaano'y gumaan na yung pakiramdam ko dahil alam kong nag-aalala lang siya sa'kin bilang isang kaibigan. "Bakit ka ba kasi nakipag-away pa? Kaya pala hindi kita nakitang pumasok sa klase natin kanina." inis na tanong ko sa kanya. "Nakita ko kasi si Wendy kanina, sinubukan kong makipagbalikan sa kanya pero matigas siya. Dumating si Lukas kasama yung kaibigan niya, kaya ayun. Nagkagulo kami." kwento niya habang hinihipo ang sugat sa labi. "Ang gago mo rin kasi pare, eh. Bakit ba pinagpipilitan mo pa yung sarili mo kay Wendy? Malinaw namang niloko ka niya at may relasyon sila ni Lukas. Bakit mo kailangang ayusin ang isang bagay na sira na?" tanong ko sa kanya. "Dahil mahal ko siya, pare. Mahal na mahal ko pa rin siya." Napailing nalang ako sa kawalan at natatawang napasabunot sa buhok ko. Kailan ba siya magigising sa katotohanan? Kailan ba niya matatanggap na hindi na siya kayang mahalin ni Wendy? Gusto ko na namang ilabas yung emosyun ko pero pinigilan ko nalang. Napakuyom nalang ako ng aking kamao dahil sa inis na nararamdaman. "Alam mo, sa ginagawa mong yan pare? Para kang nagbubuo ng basag na baso. Hindi mo na nga mabuo-buo, masasaktan ka pa. Lance, ang isang bagay na basag na ay hindi na kailan man mabubuo pa." sambit ko at bumaling ng tingin sa kanya. "Gusto kong magpaka-bestfriend sa'yo ngayon at tulungan ka sa problemang dinadala mo. Maniwala ka, gustong-gusto ko. Pero paano ko gagawin yun? Kung mismong ikaw hindi mo tinutulungan ang sarili mo. Kaya sige, hahayaan na kita kung anong gusto mong gawin. Diskarte mo yan." Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay agad akong tumalikod sa kanya at naglakad na palayo. Naiwan siya do'ng mag-isa at nakayuko. Alam kong hindi ko dapat sinabi yun sa kanya, lalo na't may pinagdadaanan siya at dapat nasa tabi niya ako bilang kaibigan niya. Pero hindi ko na kasi alam kung paano siya tutulungan sa problema niya, eh. Abot-kamay na yung solusyun pero palagi niyang ibinababa yung sarili niya. Alam kong hindi madaling makalimutan yung taong naging parte na ng buhay mo at dama ko si Lance do'n. Pero gaano ba kahirap huwag magpakatanga sa taong sinaktan ka ng sobra? Mas mabuti sigurong hayaan ko muna si Lance ang umayos ng sarili niyang problema. Nang sa gano'n hindi na rin akong nasasaktan para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD