Chapter Six

1683 Words
10AM palang at napagpasyahan ko nang umuwe sa apartment dahil na rin sa nangyari. Habang naglalakad pauwe ay hindi ko maiwasang isipin si Lance. Hindi ko rin maiwasang isipin kung tama ba yung naging desisyon ko. Tama ba na iniwan ko siya doon? Tama ba yung mga sinabi ko sa kanya? At higit sa lahat, tama ba na hahayaan ko muna siyang magdala ng problema niya? Siguro mas mabuti na muna yun. Siguro naman kaya niyang solusyunan yung problema niya, sa paraang alam niya. Maglalagay muna ako ng space sa pagitan naming dalawa at hahayaan siyang gumawa ng diskarte. Hindi na rin muna ako makikialam dahil alam kong gulong-gulo pa siya ngayon. Saka ko nalang siya kakausapin, kapag medyo nakapag-isip isip na siya. At nang sa gano'n, malaman niya kung ano yung tama para sa kanya. Habang patuloy ako sa paglalakad ay nakasalubong ko si Elena sa daan. Halatang nabigla siya at nagtaka sa istura ko ngayon. Gusot na uniporme, magulong buhok at mga sugat sa mukha. Iniwas ko nalang ang paningin ko at magpapatuloy na sana sa paglalakad pero pinigilan niya ako. "Jao, sandali..." sambit niya kung kaya't natigilan ako para harapin siyang muli. "Anong nangyari sa'yo? Bakit may mga sugat ka sa mukha?" Nagtataka siya at mukhang walang alam sa nangyari kanina sa campus. Mukhang wala yata siyang nasaksihang gulo kanina kaya hindi niya alam na nakipagbasag-ulo ako. "Wala 'to, may konting gulo lang sa campus." pilit akong ngumiti at hinipo ang mga sugat ko. "Teka, gamutin natin 'yan. May mini medicine kit ako dito sa bag. Umupo muna tayo do'n sa may shed." alalang sambit niya at parang may kinukuha mula sa bag niya. "Hindi na. Ayos lang ako. Sa bahay ko na 'to gagamutin. Salamat nalang." pagtanggi ko sa alok niya. "Ano ka ba, para namang hindi tayo magkaklase nyan eh. At saka, kailangan nang gamutin yan para hindi ma-impeksyon. Tara na!" hinila niya yung kamay ko papunta sa may waiting shed kaya wala naman na akong nagawa pa. Nang makaupo na kami doon ay inilabas na niya yung mini medicine kit niya sa bag at sinimulan na akong gamutin. "Hindi mo ba talaga alam yung nangyari kanina sa campus?" tanong ko. "Hindi. After kasi nung klase natin kay Mrs. Aceveda, umuwe muna ako para kunin yung naiwan kong libro sa library. Isasauli ko kasi mamaya. Bakit, ano bang nangyari? Nakipag-away ka ba?" tugon niya. "Parang gano'n na nga, nakipagbasag-ulo kasi si Lance eh. Kaya tinulungan ko na siya." sagot ko habang patuloy pa rin ang pagdampi ng bulak sa mukha ko. "Huhulaan ko, nakipag-away siya dahil kay Lukas? Kasi nagbreak sila Lance at Wendy nang dahil sa kanya?" tanong ni Elena na ikinagulat ko. Bakit niya alam yun? "Teka, paano mo nalaman?" "Nai-kwento lang sa'kin ni Lency.  Kalat na kalat na yata sa school yun, eh. Dapat hindi ka na sumali sa gulo nila, nadamay ka pa tuloy. Kaya eto, may sugat ka ngayon." giit niya at itinabi na ang kanyang kit. "Hindi ko naman pwedeng hayaan si Lance na makipagbasag-ulo mag-isa. Kaibigan ko siya kaya kasama niya ako sa mga gano'ng bagay." paliwanag ko kay Elena na tumango nalang. "Hay nako, Jao. Ang bait mo talaga. Kaya maraming nagkakagusto sa'yo, eh. Maraming humahanga sa'yo dahil sa mabuti mong ugali. Yun na siguro yung dahilan kung bakit..." litanya ni Elena na natigilan sandali. "Kung bakit, ano?" "Ah, ibig kong sabihin...yun na yung dahilan kung bakit marami kang kaibigan. Oo, yun nga yung sasabihin ko. Hehe." medyo na-weirduhan ako sa kanya kaya ngumiti nalang ako. "Salamat nga pala sa paggamot sa sugat ko, Elena. Kailangan ko nang umalis, masakit din kasi ang ulo't katawan ko eh." daing ko at nagpaalam na sa kanya. "Sige, Jao. Mag-iingat ka." nakangiti niyang tugon sa akin at tumango nalang ako. Umalis na ako at naiwan si Elena na kumakaway doon sa may waiting shed. Hindi ko madalas maka-kwentuhan o nakakausap 'tong si Elena pero sa tuwing maghaharap kami, she's always acting weird dahil sa mga gestures niya. Minsan pa nga, nauutal siya at nagkakabulol-bulol nang minsang nagtanong ako sa kanya. Hinayaan ko nalang iyon at nagpatuloy na ulit sa paglalakad hanggang makarating ako sa apartment. Sobrang sakit ng katawan ko. Sinabayan pa ng sakit ng ulo ko at ng tiyan kong kanina pang kumukulo. Hindi pa kasi ako kumakain simula kagabi, kaya nagugutom na ako. Sa tantya ko, hindi pa rin kumakain yun si Lance dahil masyado niyang dinidibdib yung problema niya. May balak yatang magpakamatay dahil kay Wendy. Nakaramdam din ako ng p*******t ng braso at likod dahil na rin sa pakikipag-bugbugan ko kanina. Hindi kasi ako sanay sa mga gano'ng eksena kaya medyo kumikirot yung parteng nabugbog sa katawan ko. Dumagdag pa yung sakit ng ulo ko dahil sa hang-over na lalong lumala dahil sa mga stress na nangyari ngayong araw na ito. Yung examination ko kanina, siguradong masyadong mababa ang makukuha kong score doon at paniguradong babagsak ako dahil hindi ako nakapagfocus sa pag sagot ng mga tanong. Inaalala ko kasi si Lance kanina dahil hindi rin siya umattend ng klase namin, sigurado nang bagsak yun sa klase ni Mrs. Aceveda. Masyado na akong maraming iniisip at wala sa wisyo ang katawan ko para magpatuloy sa klase mamaya kaya napagdesisyunan kong huwag nalang pumasok. Hindi na rin ako nagpalit ng uniform at dumiretso na sa kwarto ko para mahiga. Mamaya nalang siguro ako kakain pero sa ngayon, kailangan ko munang bumawi ng lakas at ng tulog. Pagkahiga ko palang ay napapikit na agad ako at hindi rin nagtagal ay nakatulog na. Mula sa mahimbing na pagkakatulog, nagising ako sa ingay na narinig ko sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 7pm na pala. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot-kusot ang aking mata. Masyado yata akong napagod kaya napahaba yung tulog ko. Nagbihis na muna ako ng aking damit at nag-ayos ng aking sarili. May ingay pa rin akong naririnig sa labas at sa palagay ko ay si Lance na yun. May iba pang boses akong narinig at tingin ko'y may mga kasama siya at mukhang nagkakasiyahan sila. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan si Lance kasama ang mga kaibigan niyang sila Jared, Roi at Pert na nag-iinuman sa sala. Kilala ko ang mga 'to at ilang beses na kaming nagkasama sa mga inuman. Tiningnan ko sila at pilit na ngumiti. Nabaling naman ang tingin ko kay Lance na nakatingin rin sa akin at lumagok ng beer na hawak niya. "Oy, pareng Jao! Kamusta? Balita ko, nakipagbasagan daw kayo nitong si pareng Lance kanina, ah? Ayos ka lang ba?" bungad ni Jared na tila nalasing na. Sila Jared, Pert at Roi ay magkakaklase sa iisang kurso nilang Information Technology. Same school din kami, kaya lang ay malayo ang agwat ng mga departments at building namin sa kanila. Yun na siguro yung dahilan kung bakit hindi nila alam yung nangyari kanina. "Ayos lang ako, sugat lang 'to. Ilang araw lang naman at mawawala din lahat 'to." serysong tugon ko na nakatayo pa rin sa labas ng pintuan ng kwarto ko. "Eh, kung gano'n pala edi samahan mo na kami dito. Mag-inuman tayo. Damayan na rin natin 'tong kaibigan natin. Laki ng pinagdadaanan, eh." sabat naman ni Roi na si Lance yung tinutukoy. "Oo nga, Jao. Di ka na rin kasi namin nakakasama, eh. Beer, oh." sambit naman ni Roi na aktong ibibigay sa'kin yung isang bote. Tiningnan ko muna si Lance. Tulala siya at wala pa ring imik habang umiinom ng beer. Mukhang malalim yung iniisip niya at sigurado akong si Wendy na naman yun. Tila nawalan tuloy ako ng gana at napabuntong-hininga nalang. "Nako, salamat nalang pero wala ako sa mood ngayon makipag-inuman eh. Lalabas muna ako." tugon ko at umiling. "Gano'n ba? Sige pero teka, saan ka pupunta?" tanong ni Roi. "Huwag mong sabihing mangchi-chix ka dyan sa labas, pare?" hirit ni Pert. "May bibilhin lang ako. Sige na, ituloy niyo na 'yan. Mukhang nagkakasiyahan kayo eh. Mauna na ako sa inyo." paalam ko. Tumango naman sila at lumabas na ako ng pinto. Ang totoo, wala naman talaga akong balak lumabas. Wala rin naman akong bibilhin, trip ko lang talaga. At isa pa, mukha namang kahit tumambay ako kasama sila ay hindi rin ako papansinin ni Lance. Mukhang galit siya sa'kin dahil sa mga sinabi ko kanina sa kanya. Kaya naisip ko, mas mabuti na rin yung gano'n para maiwasan kong makialam sa kanya. Baka kasi hindi lang ako makatulong dahil alam ko namang mahal pa rin niya si Wendy at yung puso niya yung susundin niya. Kaya kung hindi kami magpapansinan, ayos na yun. Kesa naman palagi ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan. Although, kahit di kami mag-usap ay makikita ko pa rin siya sa gano'ng kalagayan. Pero atleast, hindi naman palagi at para iwas na rin sa mga masasakit na salitang naririnig ko mula sa kanya. Kasi sa tuwing mag-uusap kami tungkol doon, isa lang ang palaging katuwiran niya. Na mahal pa rin niya si Wendy kahit sinaktan siya nito. At ang mas masakit pa doon marinig, handa siyang magpakatanga para muling maayos ang relasyon nila. Tsk. Ilang minuto na akong nasa labas ng apartment at naririnig ko pa rin silang nagtatawanan sa loob. Saan naman kaya ako pupunta? Gusto ko kasing lumayo muna kahit sandali dito, eh. Masyado na akong nag-iisip. Maya-maya pa ay kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bulsa at naisipang itext yung dalawa kong kaibigang malapit dito sa lugar namin. Sila Gor at Dennis. "Nasaan kayo ngayon? Pwede niyo ba 'kong samahan? Tambay tayo." Sent! Matapos kong mai-send iyon ay ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang sa may dumating na dalawang message. Gor "Problema mo? Sige, kita tayo nila Dennis sa plaza." Dennis "Sige, sa plaza pare." Pagkatapos kong mabasa ang dalawang text na yun mula sa kanila ay tumayo na ako at sakto namang pagtayo ko ay nakita ako ni Lance, na nakasilip sa bintana. Nagpatay-malisya nalang akong kunwari'y hindi siya nakita at naglakad na palayo. Malapit lang yung plazang tinutukoy nung dalawa at walking distance lang yun mula dito kaya mabilis akong nakarating.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD