Chapter 3 - Lady Behind The Mask

1060 Words
RAILE "But seriously... Is he forgiven?" "Who?" pagmamaang-maangan ko. "R-raiko." pag-aalinlangan niya. "I don't know if forgiven is the term, but if we'll met, I just don't care, no feelings to feel. I will not greet him or look at him. I'll just ignore him, yeah, I will." Tumango-tango naman si Kaye habang iniinom ang beer niya. "How 'bout the other one?" "Dylan? Just the same. But to be exact, if he's on fire and I have water with me, I'll drink it." "Hard mo ah. I really miss my old bubbly innocent soft Rae." "Psh, she don't miss you so just shut up." "Ang bad mo. I really miss Rae.'' at kunwari siyang humikbi sabay yakap sa sarili. Marami pa kaming pinag-usapan, some are about our work, her love life, and non sense things just not about my past. Hanggang sa napagtanto naming alas dos na pala ng umaga. "Hey, just go with me baka mapano ka pa." sabi ko sa kanya habang inaalalayan siyang tumayo. Siya talaga yung maraming ininom, bawat daldal kasi eh tumutungga. "I'm fine, Leo will be here soon. Oh! There he is! Babe!" tawag niya dito. "Hey Rae! Come with us plessssh." "Aish don't call me with that, you really are drunk." Alam mo kung lasing na siya kasi tatawagin niya ako sa agnay ko, oh Kaye. "Just go with us, baka mapano ka pa." sabi ni Leo habang inaalalayan si Kaye papasok ng kotse. "No, I can handle. Sige na Leo, take ca---" "Babe! No! Rae's coming with us." pagmamatigas ni Kaye at akmang lalabas na kaya wala akong nagawa kundi pumayag. "Okay fine." Sumakay ako sa back seat at inayos ang upo ko. Since 30 minute drive naman papuntang condo ko eh umidlip muna ako at nagising rin nang medyo malapit na. "Thank you Leo, alagaan mo si Kaye ah! Bye!" sabi ko dito at naglakad papasok. Umiikot na ang paningin ko and I don't think I can handle it anymore. Mabuti nalang nakaabot pa ako sa elevator. Paglabas ko'y gumewang-gewang na ang lakad ko pero pinilit ko paring makaabot sa pinto ko pero bago pa man nun eh nag-collapse na ako. --- Nagising ako na masakit ang ulo ko na parang pinukpok ng martilyo na ewan na di ko mawari. Nakita ko ang gamot at tubig sa may bandang mesa ko kaya ininom ko iyon at lumabas, nandito na si Ate Panying. Lumabas ako at nakitang nakahanda na ang almusal pati si Pingpong ay kumakain na rin. "Pingpong baby!" pagbebaby talk ko sa aso ko at yinakap ito. Isa siyang Chow Chow, mabalahibo at kulay caramel ang kulay niya. Tahol lang ang isinagot nito sakin at bahagyang sumiksik sakin habang patuloy parin sa pagkain. "Kumain ka na po ma'am." "Ay sige po Ate Panying pero tawagin mo muna akong..." "Rae." "Di yun.. Rayyyyy..." "Raile." "Very good! Wag ma'am." nakangiti kong sabi. "Sige po." "At wag mo po akong i-po kasi ako dapat gumawa nun." "Okay p- Raile." "Ano po bang ulam ngayon? Sa susunod ako na po ang magluluto ha? Ang trabaho niyo lang po eh linisin ang unit ko tsaka alagaan si Pingpong, wag niyo pong pinapagod ang sarili niyo." "Eh Raile, yung suweldo ko nga sobra-sobra na tapos pinadalhan mo pa ng pasalubong ang mga anak ko." 40 years old na si Ate Panying kaya di ko pinapatrabaho masyado pero okay lang naman, at nakakagalaw-galaw rin ako. "Ah basta. Nag-enjoy ba kayo sa bakasyon ni Pingpong?" Tumango si Ate Panying samantalang daldal ako ng daldal. Tatlong tao lang ang kinakausap ko, pinakamadalas si Kaye, mas madalas si Ate Panying at madalas lang si Coco. If may nakakaalam man ng buong pagkatao ko, si Kaye yun. If may nakakaranas man ng daldal ko, si Ate Panying yun at bagsak lahat ng kapilosopohan ko kay Coco. Alam ni Ate Panying ang mga rason kung bakit ayaw ko sa ganyan at gusto ko sa ganito. Kaya tingin ko palang alam na niya ang gagawin. "Bye Pingpong, pakabusog ka baby!" Kumaway na rin ako kay Ate Panying at tinungo na ang labas ng unit ko. Teka, ang alam ko eh nag-collapse ako kagabi, sino ba nagdala sakin dun? Itatanong ko nalang mamaya. "Oh buti bumaba ka na." nakangiti niyang bungad. "What are you doing here?" biglang tanong ko. "I'm your boss." "We're not at work, Mr. Madrigal." "Pupunta tayo sa location, remember?" "So let's meet at the office." "Nah, ikaw na merlat ka pumayag ka ngang sunduin ko. Jusko, sinuong ko ang traffic tapos di mo man lang na-appreciate." Ngayon halatang bakla na siya, nakashort ito at v-neck shirt, manly pero malambot naman siyang kumilos kaya halatang baluktot siya. "I don't do acknowledgment." sabi ko dito. "Ang hard mo ah." at napahawak siya sa may bandang dibdib niya acting like he's hurt. "Sabay na tayo, dinala ko kotse ko." "No thanks. I have my car." "Color coding ngayon, di puwedeng bumiyahe yang kotse mo." Ano pala ngayon? Ay, Martes. "Tara na. I'm here speaking as your boss kaya sumunod ka." hinila niya ang braso ko papunta sa parking lot kaya nagpatangay nalang ako. Umupo ako sa back seat at tiningnan naman ako nito. "So driver mo ako?" "I never said a thing." "Dito ka nga sa unahang bruha ka. Dali! Alas dyes y medya na jusko." "Eh di naman aalis yung location na pupuntahan natin ah.'' "Kaloka kang babae ka. Babae ka ba talaga?" tanong nito habang nagdadrive. "Rinape mo ba ako nung gabing lasing ako?" "As if papatulan kita." "Hard mo eh no? Pero salamat rin at naamoy mong baluktot ako." "Umaalingasaw eh." "Kung wala kang sasabihing maganda tumahimik ka." Tumahimik ako at linibang ang sarili sa mga nakikita kong tanawin sa bintana. "Kakaiba kang merlat ka. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang atensyon sa labas ng kotse. "Para kayong pinagbiyak na bunga ng kapitbahay naming di binayaran ng renta kaya talak ng talak.'' dagdag pa nito. "Di ka ba magsasalita?" "Puwede na po ba?" I try to sound as nice as I can but ended up being sarcastic. "Sinabi ko bang bawal?" "Kung wala kang sasabihing maganda tumahimik ka." panggagaya ko sa kanya. "Confirmed. Pinaglihi ka nga sa sama ng loob." Di ko nalang siya pinansin at mas pinagtuunan ng pansin ang mga nagdadaang kotse. Kung siya lang kakausapin ko, wag na uy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD