Chapter 4 - It Was Once My Home

1080 Words
RAILE "S-saan u-uli ang r-resort?" nauutal kong sabi. No it can't be, matagal ko nang kinalimutan ang lugar na yun, di naman sana yun ang pupuntahan namin. Narinig ko siyang salita nang salita pero di ko na maintindihan lalo na nang makumpirma ko na doon pala kami pupunta. "Hey, Pina okay ka lang?" "Pina?" "Short for pinaglihi ng sama ng loob?" Napatingin ako sa kanya. Matalim ko siyang tiningnan animo'y papatay ako nang wala sa oras. "Chill. Joke lang yun Rae." Nabigla ako sa sinabi niya, pero being me, di ko ito pinahalata. "Nev---" kung pagbabawalan ko siya na sabihin ang agnay ko, mangungulit siya kung bakit, knowing bakla, di siya hihinto. "Let's go." Nauna akong maglakad. "Hey! Hintayin mo naman ako, sasambunuta--- hehe joke lang! Sabi ko nga, lumakad ka. Humayo at magpakarami!" sabi nito at sumunod nalang sa akin. Nakarating kami sa beach. Siya lang ang puro may ginagawa, taga-tango lang ako, bigay ng kailangan niya at tagasalo ng pang-aasar niya. "Gutom na ako, di ko na keri yung paglalakwatsa natin. Tara kumain tayo gurl!" pag-aaya niya sabay angkla ng kamay sa braso ko. Lumipas na pala ang araw at gabi na rin pala, ba't di man lang ako nakaramdam ng gutom? Dahil wala ako sa sarili ay nagpatangay nalang ako sa kanya. Gustuhin ko mang umalis, kanina pa ako nawalan ng lakas nang makarating kami dito. Pumasok kami sa isang mumurahing karinderya since di pa talaga kilala ang lugar na ito at konti palang ang makikitang establisyemento. Nagulat naman ako nang halos ilagay na lahat ng ulam sa hapag namin. "Ang dami naman nito, kakatayin na ba ako?" walang gana kong sabi na ikinatawa naman niya. "Havey yun gurl. Syempre gaya ng sabi mo, di ko rin alam ang gusto mo kaya inorder ko lahat." "E sana nagtanong ka." "Kanina pa kaya ako tanong ng tanong di naman ako nakatanggap kahit 'ni isang Ayoko Niyan, kaya binili ko nalang lahat. Mura lang naman. Kaya tara na, lumafang na tayo!" Beefsteak, adobo ng baboy at manok, chicken curry, pritong galunggong, sinigang na baboy, menudo, lechon paksiw at caldereta. Fiesta ba ngayon? Di pa ako nangangalahati pero nakatatlong balik na ang waiter sa kakabigay ng kanin kay bakla. "Uy Pina--- este Rae, diet ka ba o sadyang wala kang gana o sadyang di ka lang gutom o ayaw mo lang kumain o nagagwapuhan ka sa akin--- eew!" pandidiri niya na tila nangingisay pa. "Kape kape rin nang kabahan ka sa mga sinasabi mo." "Sabi ko na eh wala akong magandang sagot na matatanggap sa'yo. Kelan pa kaya? Hmmm." "E di wag mo akong kausapin." "Mababaliw ako." "Try mong kausapin yung pinggan mo." "E di na nga iimik, nuhkaba! Ang bait talaga ng assistant ko. Kakain na nga eh, waiter! Isang rice pa nga!" "Yes Sir!" Tila yata kakatayin bukas ang bakla at inubos lahat ng binili niyang pagkain. *burp* Isang malakas na dighay ang pinakawalan ng bakla at humalakhak. "Woooh! Busog ako dun ah." "Di halata sa dighay mo. Tss." "Oy! May ice cream dun oh! Tara bili tayo!" hinila niya ako papunta sa ice cream cart pero kinuha ko ang braso ko. "Pumunta ka na dun bakla, hihintayin nalang kita dito. Di nanan halatang gutom ka parin eh." walang gana kong sabi at umupo sa bench na nakita ko sa labas ng karinderyang pinasukan namin. Napatingin ako sa lugar, katulad parin ito ng dati, dumami nga lang ang mga pasilidad at establisyemento. Napabuntong-hininga nalang ako sa mga alaalang bumabagabag na naman sa isipan ko at napipikit. "Plano pala matulog kaya ayaw kumain ng ice cream." Idinilat ko ang mata ko na ikinagulat naman niya. Inilayo ko lang ang tingin at linibang ang sarili sa nagdadaanang mga tao. "Rae?" tawag nito sakin. Kelan ba 'to titigil kakasalita. "Pina?" Liningon ko siya hudyat na nakikinig ako. "Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Inirapan ko nalang siya at itutuon na sana ang pansin sa ibang bagay nang magsalita uli siya. "Alam mo, para akong baliw dito. Maganda nga lang." "Buti alam mo." "Wala ka ba talagang magandang sasabihin?" "Bibigyan mo ba ako ng pera kung sasagutin ko ang tanong na yan?" "So babayaran pa kita para sa magandang kasagutan at di kapilosopohan ang matatanggap kong sagot?" "May sinabi ba akong ganun?" "Eh parang ganun na yun." "Wag basta basta magkongklusyon kung di mo naman alam ang tunay na rason." makahulugan kong sabi at lumakad papunta sa sasakyan niya. "Itong babaeng 'to lalim mo. Hirap mong sisirin." tila walang malisya nitong sabi na ikinagulat ko dahil pinagtinginan kami ng mga tao. Nanlaki naman ang mata niya nang mapagtanto ang sinabi. "Ah eh, Rae!" Tumakbo siya at pumasok na rin sa kotse. Umuwi na kami at pinabayaan ko nalang siya. Baka mamaya bumigay na naman ako at mabulag sa nakakalokong nakaraan. Hinatid niya ako sa unit at agad ko siyang pinaalis kahit nagpupumilit na naman siyang pumasok. Bagsak balikat akong tinungo ang elevator at pinihit ang numerong kinalalagyan ng unit ko. Gustuhin ko mang umiyak at humagulhol pero di puwede at may kasama akong lalaki sa loob. Tumunog ang elevator at lumabas na ako at naglakad papunta ng unit ko. Pagbukas ko'y bumungad ang mukha ng aso kong payapang natutulog. "Buti ka pa walang inaalala." himas ko dito kaya nagising naman ito at linambing ako. Tumungo ako sa kuwarto ko at padapang yinakap ang kama ko. Nagbihis ako at lumabas para uminom. --- "Pang-ilang tungga mo na yan? Namomroblema ka na naman?" pansin ni Ferdi, kaibigan kong may ari ng bar. "Wag mo nga akong sitahin as if may alam ka." irap ko sa kanya. "Eh ano bang nangyari?" "Bumalik lang naman ako sa dating tinitirhan ko." "Yun naman pala. Pero diba, sabi mo pa nga... Old Rae's dead." tila panggagaya niya sa boses ko. "What I said, I am a new person. But still the memories are in it." sabi ko uli sabay tungga ng alak. "Lasinggera ka na rin eh no." "Nasanay na ako, hatid mo nalang ako mamaya." pabiro kong sabi dito. Kanina pa ako nahihilo pero di ko pa yun nararamdaman, puwera ngayon. Hinatid niya ako sa unit ko at pumasok na ako nang hindi nagpapasalamat. I'm not fond of thank you's at alam niya yun. Dumiretso ako sa kama at yinakap ang aso kong katabi ko sa pagtulog. "It's really hard to forget memories especially when I was back again in the place were I once called it my home." bulong ko at yinakap ang aso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD