CHEN
"Kapagod rin eh no?" subok kong kausap kay Rae.
"Ako napagod, ewan ko nalang sa'yo." sagot naman nito.
Sabi na nga bang hindi ako makakatanggap ng maganda o matinong sagot dito, ano pa ba aasahan ko?
Ilang days na akong nagtitiis sa kapilosopohan niya, at nagmumukha pang siya ang boss. Tanggalin ko kaya 'to sa trabaho?
"Kaoag di ka umayos ng sagot tat---"
"Tatanggalin mo ako? How immature."
"Hard neto, di ka naman mabiro. Lunch tayo mamaya."
"Marami akong gagawin."
See? Talo na naman ako. Pinaglihi nga talaga sa sama ng loob.
Pero kahit gaano pa siya kasarkastiko at kapilosopo di ko maiwasang hindi makita ang kakaibang aura sa mata niya.
Jusko, di naman yata ako inlove? Merlat? No. Jojowa nalang ako ng poging tindera lang sa kalye wag lang babae. N.O.
Pero aaminin kong nacurious na ako sa kanya simula palang, lalo na at di siya gaanong nagsasalita. Marami akong kaibigan at gusto ko masaya sila, lalo na ang taong nakapaligid sakin pero bakit di ko yun makita sa kanya? Di naman ako manghuhula? Pero ano ba ang ipinapahiwatig ng mata niya at di ko maiwasang di pansinin yun?
Archie calling...
Nagulat naman ako nang tumunog ang cellphone ko at agad yung sinagot.
"Rarampa ba tayo ngayon wakla?"
"Gogora ako, hintayin niyo nalang ako. And please, gumastos naman kayo, wag puro ako."
"Copy that."
Pinatay ko ang tawag at lumabas ng opisina ko.
"Uhm, sir? May team dinner kami, sama ka naman." pag-aaya ni Yesha.
"Oh, I have plans, sorry. Pero ito ang cr---"
"Okay lang, sir. Next time nalang." bawi nito. "Sige ho sir, alis na kam--- Ms. Raile! Tara ho sa team dinner."
"I'm full." tipid nitong sagot. At nagmamadaling umalis.
"Alam mo namang yun ang isasagot sa'yo nag-alok ka pa." panenermon naman ni Neo.
"Eh sa gusto ko." dagdag pa ni Yesha.
Nagpaalam na ako sa kanila at tumungo na sa parking lot, matagal-tagal na rin akong di nakakapagparty kasama ang mga barkada ko kaya mabuti nang maglibang-libang muna.
Nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na kotse. Imposible naman akong magkamali dahil minsan ko na rin itong pinagkamalang taxi.
"So, pumaparty pala si Pina." bulong ko sa sarili.
Pumasok ako at hinanap ang mga wakla na agad ko din namang natagpuan.
Agad ko naman silang yinakap at nakipagbeso.
"Kadiri 'to, nagmumukha ng paminta." pansin ni Archie
"Nahahatching ako sa'yo--- achoooo!" kunwari namang hatching ni Benj.
"Kayong Arsenio at Benjamin wag akong masubukan ah, pepektusan ko talaga kayo!" pagbabanta ko dito. "Alam mo namang ayaw ni Dad ng lantaran dapat idaan sa hinay-hinay lang... Charot! Hahahahaha!"
"Uy te, musta ang trabaho?" tanong naman ni Diosdado a.k.a Deo.
"Yung trabaho kinamusta samantalang ako hindi? Charot! Okay lang naman, may bruha lang akong kasama sa opisina na pinaglihi sa sama ng loob at kapilosopohan na di man lang marunong sumagot ng matino."
"Ayoooon, nakahanap ng katapat." sagot naman ni Patriciano a.k.a Pat.
"Tutubuan talaga kayo ng blackheads sa sobrang ewan niya, di ko nga alam kung paano nakatiis ang mundo sa kanya. Kaloka."
"Tobias." sabat ni Archie.
"Shut up."
"I mean, Chen---" bawi nito. sabay tapik sa balikat ko.
"Salamat sa comfort---."
"Baliw, order ka pa ng drinks dun, bayaran mo na rin." utos nito sakin at tuwang-tuwa naman ang iba pang mga bakla. Nako nako nako.
Pumunta na ako sa counter at umorder pa ng isang bucket ng beer at ipinahatid sa table nung mga bakla nang maaninag ko ang babaeng nakikipagkuwentuhan sa bartender at bakas sa mukha nito ang ngiting di ko pa nakikita pero nasilayan ko rin ngayon-ngayon lang.
Umupo ako malapit sa upuan niya at umorder ng drinks. Dinig na dinig ko ang tawa ng babaeng akala ko'y pinaglihi ng sama ng loob yun pala'y gimik lang ang katapat.
Puro kuwentuhan ng walang kabuluhang bagay ang pinag-uusapan nila, ni wala man lang personal. Ewan ko kung sinasakyan lang ba ng bartender si Rae o sadyang dalawa silang may saltik sa bungo. Pinaglihi na nga sa sama ng loob, pati rin ba sa kabaliwan ganun? Aba'y 2-in-1.
"Alam mo, napapatanong ako minsan... Diba sa kasal ihinahagis yung bulaklak para malaman kung sinong susunod?" inosenteng tanong ni Rae na halatang may tama na ng alak.
"Bakit trip mo na ba magpakasal?"
"Eh sa libing may bulaklak rin naman ah? Bakit di nila ihagis nang malaman ang sumunod?"
Mga ganyang usapan ang pinag-usapan nila tapos hahalakhak.
"Bye Ferdi!"
Di ko namalayan ang oras, alas singko na pala ng umaga. Gaano ba katagal ang itinunganga ko?
Sinundan ko siya paglakad niya papunta sa parking lot, gumegewang-gewang siya pero matino parin naman, 'ata.
"Kotse ko, dito ka muna. Babalikan kita bukas, baka maibunggo pa kita eh, ah? Vavoo!" kausap niya sa kotse niya.
Napailing ako sa nasaksihan. Kahit pala papaano may kuwela rin siyang alam, di puro kapilosopohan.
Sumakay siya sa taxi at sa di malamang dahilan eh sumakay rin ako dito.
"Wag kang maingay Manong, drive ka nalang kung saan niya gusto."
Huminto kami sa condo unit niya at ako na ang nagbayad dahil mukhang wala naman itong balak.
"I'm awake alert alive enthusiastic...
I'm awake alert alive enthusiastic..." kanta niya habang pumapasok ng elevator.
Siniguro ko namang makakapasok siya sa unit niya kaya pumasok na rin ako.
"I need to be awake alert alive enthusiastic..." rinig kong sabi nito na halos pabulong.
Bumukas ang pinto ng elevator, lalabas na sana ako nang magsalita siya.
"Dito ka pala nakatira?"
Nakilala niya ako? Eh 'kala ko ba bangag na 'to? Sino bang uumagahin sa isang bar ang hindi mawawalan ng bait lalo na't inom ng inom.
"Ah... Eh... Ang... P... Oo, dito na ako nakatira."
"Ah... Saan kaya ako lilipat? Hmmm."
Nakalabas na kami ng elevator at humarap siya sa akin.
"Alam mong may kasalanan ka pa sa akin." banta nito at dinuro-duro ako na parang sinasabing lagot ako.
"Ah yung---"
"Yung ginawa mo sa aking pagpapahiya 11 years ago, kumag 'to."
Nanlaki ang mata ko, mukhang 'di kami nagkakaintindihan.
"Look Ra---"
"Shut up Dy---lan."
Bigla siyang nagcollapse at agad ko naman siyang sinalo at iginiya papuntang unit niya. Naabutan ko ang katulong niya at inutusan akong ilapag siya sa kama niya.
Agad akong umalis dahil tinamaan na yata ako ng antok. Inalok pa ako ng almusal ng katulong niya na agad ko rin namang tinanggihan.
Dylan? So, nakita niya ako bilang Dylan na yan at di bilang Chen? Sino si Dylan?