Chapter 6 - Barging InTo Your Life

1236 Words
RAILE "Ate Panying, ikaw ba yung nagdala sakin dito nung nagcollapse ako?" "Kelan ba?" "Po?'' "Nung nauna o nung kagabi lang." Kilala ni Ate Panying si Ferdi, kaya di na siya nagtanong. Pero kagabi? Akala ko ako lang umuwi kagabi ah, nagcollapse rin ba ako? "Magkaibang tao ho?" "Ay oo. Yung naabutan namin dito eh, matipunong lalaki na pormal ang pananamit, Lu--- Lam--- Ah! Lander, yun yung pakilala niya sakin." Nabigla ako pero di ko nalang pinansin. "Yung kaninang umaga po?" "Nakalimutan kong itanong pero, lambutin eh. Bakla 'ata yun, tinawag kang gurl." Si bakla? Yung boss kong bakla?. "Ah, okay po." Nagprepare na ako papuntang office at kalauna'y dumiretso na doon. Pagdating ko'y tambak na ang aking gagawin. Nagulat ako nang may biglang pumasok sa office ko. "Why are you here? Is there something you want me to do?" I asked him without even looking. "Oy, lantang-gulay ka na nga pumasok ka pa! Uwe!" pagpapauwi niya sakin. "I can handle. Go away." at trinabaho uli ang mga kailangan kong tapusin. "Umaga ka na umuwi, alas singko na. Tapos pumasok ka pa nang alas syete?! Papatayin mo ba sarili mo---" "Kung sasabihin kong oo, may magagawa ka ba?" Tila natuod naman siya sa kinalalagyan niya. Kaya di ko nalang siya pinansin. "May problema ka ba?" tila nagpapacute niyang tanong. Napangiwi nalang ako. "Ikaw, ikaw ang problema ko. Boss kita pero nandito ka dumadaldal. Umalis ka nga." "Eh sa gusto kong umuwi ka at magpahinga, di ka na nga marunong sumunod ayaw mo pang magpahinga." "Sana nga makapagpahinga na ako, nag tuluyan." bulong ko. "Umal---" "Mr. Madrigal? Ms. Saavedra?" Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. "Mr. Aguilar." tumayo ako upang ibigay ang mga reports na.pinaasikaso niya. At ang talanding bakla naman ay nahihiyang ngumiti, tsk. "Come with me Ms. Saavedra." Di na ako nagtanong at sumama, di makulit itong isang 'to kesa sa talanding baklang yun na walang ginawa kundi mangulit. Marami kaming napag-usapan at napagplanuhan. Puro trabaho lang ang napag-usapan namin, nothing more, nothing less. "I will now go Mr. Aguilar." "Wait, Ms. Saavedra?' "Yes sir?" "Can... Can we go for a dinner?" "I have errands to run sir." diretso kong sagot at umalis. CHEN "Tsaka ito rin, pakiasikaso okay? Medyo madami pero keri lang yan. I need that tomorrow, G?" "Yes sir." Tiningnan ko si Rae habang lumalakad palayo. Napasandal ako sa swivel chair ko at napapikit. Grabeng babaeng yun, may damdamin ba yun? Di ngumingiti, lakas pa mambara. Madalhan nga ng lunch. Pumasok ako sa office niya at linapag ang isang plastic bag. "Ano na naman yan?" kunot-noong tanong nito. "Pagkain." sagot ko. Naningkit ang mata nito, tingnan mo, mukhang siya pa yung boss sa aming dalawa. "Cheret, kumain ka kamo. Di ka pa kasi kumakain, baka himatayin ka diyan." "Busog pa ako." At sa minamalas nga namang pagkakataon ay biglang kumalam ang sikmura niya. "Busog na pala ang bagong term pag kumukulo ang sikmura, naiba na?" sarkastiko kong sabi at binuksan ang pagkain sa harapan niya. "Ano ba?! Umalis ka nga." "Kumain ka." "Kakain ako kung gusto ko at kung ayaw ko wala kang magagawa dun." Tumayo siya at iniwan ako. Ba't ba habol ako nang habol sa babaeng 'to??? Nakakinis ka na Chen ha!!! Nakakasira ng beauty yan. Darwin calling... Ay may babyboy. "Hello?" "Hello baby girl? Let's eat somewhere?" "Sige. Sesendeen me be eke?" sabay ipit ng imaginary hair. "Yeah I will, I miss you." "I miss you too. Take care." Pinatay ko ang tawag at umalis. Sa'n naman nagpunta ang babaeng iyon. Kaloka. RAILE Nasa rooftop ako ng building, nagpapalipas ng oras. Di pa tapos ang tambak kong trabaho kaya mabuti nang magmuniuni muna kshit sandali. "Tirik na tirik ang araw dito tumatambay, balak mo ba maging inihaw?" Kumunot agad ang noo ko nang madinig ang boses niya. Tumayo ako upang umalis, di ko alam but I hate it when he's around. Nararamdaman ko yung hindi ko dapat maramdaman. Nang malapit na ako sa pintuan ay dagli niyang hinawakan ang braso ko. "May nakakahawa ba akong sakit at ayaw mo akong kausap?" "Bitawan mo ako." "Pa'no kung ayoko?" "Uupakan kita." "Boss mo--- aray!" bigla kong pinalo ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at mabilis na bumaba ng hagdan. "Lumayo ka sakin habang nakakapagtimpi pa ako." banta ko dito. Pumunta na ako ng office ko at inilock ang pinto, baka bigla namang sumulpot yung baklang pakialamerong yun. Itinuon ko ang pansin sa laptop ko at sinubsob ang sarili sa mga presentations na tatapusin ko. 11:48 PM Lumabas ako ng building. Ako nalang mag-isa, 'tila namanhid ang katawan ko at kahit dalawang oras lang ang tulog ko eh di ako nakaramdam ng pagod. Habang nagdadrive ay dumaan muna ako sa isang restaurant upang maghapunan. Marami-rami rin ang inorder ko at nagugutom na ako. "Dito niyo po ba kakainin ma'am?" "Sa table ko, nakakahiya naman kung dito diba? Ang daming tao tapos dito?" pabalang kong sagot sa cashier. Umupo nalang ako sa upuan ko at hinintay ang pagkain. Nakita ko naman ang pag-ismid ng cashier, tss. Sinagot ko lang naman ang tanong niya ah, may mali ba dun? "Hi miss, may kasama ka ba?" "Sa tingin mo? Bakit may kasama ba ako? O sadyang may nakikita ka lang na di ko nakikita?" "Tss, sungit. Di naman maganda." bulong nito. "Sinabi ko bang kausapin mo ako, talandi ka rin eh." umalis na yung lalaki at dumating na ang pagkain ko. Ganito ako palagi, mag-isang kumakain mas pinipiling mapag-isa kesa sa sumama sa iba. Mula sa kinauupuan ko'y natanaw ko naman ang talanding boss kong bakla na may kadate, boyfriend niya siguro. Tawang-tawa pa ang gunggong at pahampas-hampas. Landi rin eh. "Oy! Par!" "Ferdi? Bakit andito ka?" "Bakit? Bawal na ba ako dito?" "Kakadikit mo sakin ang hard mo na rin." nakangisi kong sabi. "Ikaw kasi eh. Hapunan ba yan?" "Hindi hindi, tanghalian pa 'to. Tirik ang araw oh." sarkastiko kong sabi. "Kita mo." "Eh normal naman yun, gabi na po kasi, madilim na o." "Malay ko bang ikalawang kain mo palang yan." Tumahimik naman ako. "O tama ako diba. Sino ba tinitingnan mo?" at napasunod siya ng tingin sa tinitingnan ko. "Ah, type mo? Mukhang may boyfriend na oh." "Tanga. Ang landi lang naman." "Asus, gusto mo eh." "Baliw. Boss ko yan, di ko nga labg iginagalang." "Natural, wala sa bokabularyo mo yung salitang yun eh." pinaningkitan ko siya ng mata. "Aba, totoo naman ah. Ay oo nga pala, siya naghatid sa'yo." "Alam ko." "Nagpasalamat ka na?" "Ayaw." "Wala rin sa bokabularyo mo yun." "Tumahimik ka nga." "Eh paano ako kakain?" "Ipadaan mo sa ilong, tutal salaula ka naman." "Hard mo talaga, tara kain na tayo--- aray! Ba't mo hinampas yung kutsara sakin." "Pasalamat ka di kutsilyo nahawakan ko." "Uso kasi magshare, kaya kai--- uy! Raile, kutsilyo na hawak mo!" "Tumawag ka ng waiter, hingi ka ng pinggan. Saan ka kakain aber? Sa palad mo?" "Sa pinggan malam--- waiter! Pinggan nga!" napangisi nalang ako sa kakulitan ni Ferdi. Baliw rin eh. CHEN "Baby girl, CR lang ako ha?" "Sige tsaka umalis ka na rin. Wag ka nang babalik." bulong ko. "Ha?" "Ah, sabi ko... Umalis ka na para makapagkuwentuhan pa tayo... Oo tama! Sige na shooo! Baka mamaya sumama pa ako sa'yo." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umalis. Kanina ko pa kasi pinapanood yung yelong empleyado ko na tawang-tawa at may pahampas-hampas pang nalalaman sa kausap niyang lalaki, jowa yata niya. Hmmmp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD