RAILE
"Good morning!" masayang bati sakin ni bakla.
"Oy, good morning." dire-diretso lang ang lakad ko at di siya pinansin.
"Wala yatang GMRC sa school niyo eh."
"Uso kaya bumati sa boss nila try mo kaya."
"Pambihira, bingi ka ba?"
Tiningnan ko siya.
"May sinasabi ka?" tanong ko dito kahit narinig ko naman.
"Bingi ka nga."
"Kung bingi ako wag mo akong kausapin."
"Kung di mo ako narinig di mo ako sasagutin."
"Tumigil ka nga."
"Sumagot ka nga."
"Isa."
"Dalawa?"
"Kung balak mong sirain ang araw ko ginawa mo na, kaya puwede ba? Alis!"
"Aalis naman talaga ako, 'pag bumukas na yung pinto. Hmmmp!"
Tiyempo namang bumukas ang pinto kaya umalis na ito, wala rin naman akong nagawa kundi ang sumunod.
Dumaan muna ako sa opisina ng supervisor namin to submit sone reports, nang may maabutan akong nagbabangayan?
"I told you to keep that illegetimate son of yours, out of this company!"
"No, Hilda. Lander is also my son, I can't get rid of him!"
Nagulat ako nang may humila sa akin sa isang sulok dahil 'tila na-estatwa na ako sa pintuan ng supervisor namin.
"Ssssh."
Hawak niya ang kamay ko habang nakasiksik kami sa sulok, walang nakakakita pero naririnig parin namin ang palitan ng pag-uusap.
"Get rid of him or we'll get rid of you!"
"Hilda, you can't do that!"
"Lucio, whenever I see that bastard, I remember your mistakes!"
"Just let me think, please."
"Ayan na ba ang reports na pinagawa ko?" 'tila maamo niyang pagtatanong sakin. Ngumiti pa ito at 'tila wala lang sa kanya ang kanyang narinig.
"Uh... Opo, Mr. Aguilar."
Gusto ko siyang i-comfort but that was Old Rae, I am Raile. I don't care. I should not care.
Umalis kaming dalawa sa sulok na iyon at nag-usap na parang wala lang.
"Sir, can you put me back as the head accountant of my team? Just assign someone to be the secretary of Mr. Madrigal."
"Oh, I can't do that. Why, is there any problem?"
Palagi niya lang kasi akong inaaso, kinukulit, pinakikiaalaman at nagpupumilit pumasok sa buhay ko na dapat ipagsawalang bahala niya.
"Ah, wala po. Sinusubukan lang."
"Okay, thanks for the report." ngumiti ito at lumakad paalis.
"May tama yata sa'yo si Sir Crush."
Halos takasan naman ako ng kaluluwa sa pagsulpot ni Coco.
"Nagseselos ako." sabi niya sabay nguso.
"I'm not interested."
"Bakit ngumingiti siya sa'yo sakin hindi?"
"Sadyang nakakatawa lang yata ang mukha ko."
"Wow, pati sarili mo di nakatakas sa ka-hard-an mo."
"Tss, ba't ka ba andyan?"
"Nagsisisi lang ako kung ba't pa ako nag-architect."
"Asus, buti na yung nay tinapos kaysa sa wala." sabi ko at umalis.
"Wow, kahit papaano may maganda rin palang lumalabas sa bibig mo."
Napailing nalang ako habang pumasok sa office ko.
"Ba't ngayon ka lang?"
"Kasi hindi ako dumating kanina."
"Ang dami nating gagawin kakarating mo palang."
"Kita nang kakapasok palang kailangan paulit-ulit? Tss."
"Eh! Sasambunutan talaga kitang Pina ka!"
"Sasapakin kita."
"Boss mo ako."
"So?"
"Galangin mo ako."
"Okay po."
"Good."
"Lumabas ka na po bago pa po kita sipain palabas ng opisina ko po. Pupuntahan ko po kayo kung tapos na po ang ipinapagawa niyo po, okay na po ba yun po?" walang gana kong turan.
"Eh nagmukha na akong matanda niyan."
"Bakit hindi ba?"
"Respeto."
Umupo nalang ako at tumahimik.
"Puwede ka na bang umalis?" inip kong tanong.
"Sa tagal nating pagkakasama bilang magkatrabaho di mo ako iniimik. Kung umiimik ka naman puro kapilosopohan lang. Kaya lilinawin ko lang."
"May rules ako---"
"I don't care."
"Kukulitin kita palagi kung---"
"Tell me about it."
"Good." umupo siya sa bakanteng upuan at pinakita ang tatlo niyang daliri. "Tatlong bagay. Una, di ka tatanggi sa gusto ko as your boss sundin mo akong lokaret ka. Pangalawa, magpakabait ka naman. Pangatlo, kahit saan ako, nandun ka dapat bilang sekretarya ko s***h assistant."
"Kahit sa banyo?"
"Eew, no!"
"Tss, as if type kitang bakla." irap ko. "So pag ginawa ko yun? Dapat di ka magtanong tungkol sa buhay ko."
"Why?" dismayado niyang tanong.
"I just don't want to. At dapat puro tungkol lang sa trabaho, nothing more nothing less. Deal?"
"Deal."
Bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Nagtampo ako sa'yo, sumama ka sakin."
"Saan?" kunot noo kong tanong.
"Kakain tayo."
"Aya---"
"Pag-uusapan natin yung resort, wag kang humopia."
"Fine."
Sumama na ako at nag-usap kami patungkol sa resort.
"So, kayo ba nung lalaking kasama mo kagabi?"
"No to personal issues."
"Eh ano pag-uusapan natin?"
"Economics? Mathematics? Science? Literature?"
"Di ko bet chumika ng mga ganyan, nakakagulo ng brain cells."
"As if meron ka nun."
"Search mapangbara, pangalan mo unang lalabas. Tara na nga, naloloka ang beauty ko sa'yo."
Umalis na siya at naunang maglakad. 1 point Raile.
May padeal deal pa siyang nalalaman. Tss.
"Uhm bukas pala pupunta tayo uli sa resort para icheck ang construction.
"O-kay."
"And also bring your clothes. Mag-oovernight tayo."
"Copy."
"And one more thing."
"What?"
"Pakiiwan ng kasungitan m--- aray! Oo na. Umalis ka na nga, bugbog-sarado ako sa'yo. Alis! Uwe!" pagtataboy nito sakin. Himala.
Buong maghapon akong nagsubsob sa trabaho and gladly di ako ginulo sa trabaho nung syungang baklang yun.
Magpapaalam na sana akong umuwi nang madatnan ko ang apat na lalaki(?) sa opisina ni bakla.
"Oy, Rae. Teka lang."
Lumingon ako.
"I want you to meet my friends nga pala." paunang sabi ni bakla.
"Ako nga pala si Benj." pamachong sabi ng lalaking(?) naka-violet highlight ang buhok.
"Eew, halata namang bakla ka, duhhhh." sabi naman ng isang gold ang highlight sa buhok. "Archie nga pala."
Bumeso ito sakin.
"Ang ganda mo gurl, smile nemen dyen!." sabi ng isang medyo kalakihan at lumapit sakin upang bumeso. "Deo pele eng ekeng neym."
"Hi ako si Pat." sabi naman ng isang naka-ala-koreanong hairstyle.
"Benjamin. Arsenio. Diosdado. Patriciano. Yan ang mga pangalan nila sa NSO." paglilinaw ni bakla.
"Kutusan kita dyan wakla eh, ikaw gurl anong pangalan mo?" tanong ni Archie.
"Raile Saavedra."
"Ay, yung pilosopong sek- asdfghjklaallshslalabdmzjlakddldjfh" biglang tinakpan ni bakla ang bibig ni Deo.
"Hehe joke lang yun Pina."
"Ay, yung pinaglihi sa sama ng lo--- asdfghjkllhshdhdhfksh" sabat pa ni Benj.
"Isa pa 'to e!" reklamo ni bakla.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpeace sign ang loko.
Umalis na ako tutal puro pang-iinsulto lang matatanggap ko dun sa mga baklang yun. Tsk.
"Bati na kami nun eh!" rinig kong reklamo ni bakla.
"Bakit nag-away ba kayo?"
"Hindi--- pero may kasunduan kami. Nako, sasabunutan ko talaga kayo!"