Chapter 14 - Fragile Rae

1065 Words
RAILE Tahimik naming tinakbo ang daan pauwi. Walang nagsasalita at walang may gustong magsalita. "We should do it more often." masayang sabi ni Lander at nginitian ako bago pumasok sa unit niya. Pawisan ko namang tinungo ang paliguan at naglinis ng katawan. Linggo ngayon, walang trabaho, ano kaya ang puwede kong gawin? Lumabas akong naka-roba habang pinapatuyo ang buhok ko. Nagsuot ako ng isang black turtleneck at itim na fit na pantalon. Nagputi na rin ako ng sapatos at kinuha ang isang checkered na coat. Pumunta ako sa parking lot at agad pumasok sa kotse ko at dumaan muna sa isang flowershop at bumili ng mga puting rosas. Binisita ko muna ang paborito kong tao... "Hi Ma." bati ko sa puntod ni Mama. Napaluha naman ako nang makita ang pangalan niya sa sementadong parisukat. Umupo ako at inilapag ang bulaklak. Hinalikan ko ang lapida niya at umupo sa harapan nito. "Kumusta na po kayo? Ako? Parang bumabalik na naman yung dating ako Ma... At natatakot ako... Natatakot akong masaktan ng sobra uli Ma... Natatakot akong maiwan uli, maloko." Di na ako nakapagsalita at humagulhol nalang sa harap ng puntod ni Mama. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang tuhod ko at doon umiyak. Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago napagpasyahang umalis. Tinungo ko ang daan patungo sa isa pang lugar na kung saan ay komportable ako. Sa Childhouse, isa siyang orphanage na ipinatayo ng Ninong ko. At nung nag-aaral pa ako ay doon ako madalas tumambay. Dumaan ako sa isang pizza house at bumili ng pizza at dinala iyon doon. "Ate ganda! Ate ganda!" bati sakin ni Jimbo. At agad yumakap sa binti ko. "Nambola ka na naman." agad kong pinisil ang pisngi nito at inabot ang box ng pizza. "Ayan, share kayo ah?" Seven years old palang si Jimbo, makinis at maputing bata. Makulit, matalino pero mabait. "Raile iha, napadalaw ka." bati naman ni Manang Fe. Limang bata ang inaalagaan niya, halos magkakaedad lang ang mga ito at mababait, makukulit nga lang. "Ah, wala po. Gusto ko lang pong bumisita... Wala kasing pasok sa trabaho ngayon." "Ate Laile!" tawag naman sakin ni Logan, bulol siya sa R. "Bakit po?" "Knock knock!" "Bago ba yan?" "Opo opo!" masiglang sabi nito. "Sige nga. Who's there?" "Pillowtalk." "Pillowtalk who?" "Ako ay may lobo Lumipad sa langit Di ko na nakita Pillowtalk na pala!" ngumiti ito ng napakalawak sakin. "Ako ate Raile meron din!" singit ni Joana. "Knock knock!" "Who's there?" "Saan ako uupo." "Saan ako uupo who?" "Sa silya~ you're breaking my heart You're shaking my confidence daily Sa silya~ I'm down on my kness I'm begging you please to come home." agad namang pumalakpak si Joana, self-support kumbaga. "Ako meron din!" boluntaryo ni Lean. "Knock knock!" "Who's there?" "Saging banana cue." "Saging banana cue who?" "Akala ko ikaw ay saging Banana cue saking paningin Ngunit nang ikaw ay yakapin Naglalaho sa dilimmmmmmmm!" birit na kanta naman ni Lean, napatakip nalang kami ng tenga. "Sakit mo sa eardrums." komento ni Kenken. "Ikaw Kenken, may baon ka ba?" "Knock knock." "Who's there?" "How come I." "How come I who?" "O di kaya ako'y tawagin Malalaman mong kahit kailan! How come I di kita iiwan sa paglalakbay!!!" bigla naman silang nagchorus. Si Jimbo, Logan, Joana, Lean at Kenken. "Dito sa mundong walang katiyakan How come I di kita iiwan sa paglalakbay Sa mundo ng kawalan..." Bigla nila akong grinoup hug. Pinigil ko naman ang luha kong papatulo. "Ano sunod uli nun?" pakamot na tanong ni Kenken. "Hanggang dun lang alam ko eh." sagot naman ni Jimbo na lumalantak na ngayon ng pizza. "Chorus lang alam ko eh." sabay namang sagot ni Lean at Joana. Di naman kumibo si Logan dahil katulad ni Jimbo ay nag-eenjoy na rin itong kumain. Nakipagkulitan pa ako sa kanila hanggang lumipas ang oras at namalayan kong hapon na pala. "Aalis ka na ba? Dito ka nalang maghapunan." "Ah opo. Sa bahay nalang po ako kakain." "Sige. Sa susunod magsasama ka na ng iba ha." bilin nito. "Po?" "Gusto ko pong makakilala ng kuya." sagot ni Lean. "Dapat pogi." kinikilig naman na sabi ni Joana. "Tapos dapat may dala siyang pagkain." dagdag naman ni Logan. "Magaling dapat kumanta, di tulad ni Lean." komento naman ni Zayn. "At mahal ka." sinserong sabi ni Jimbo. "Para puwede na kayong mag-asawa! Yehey!" Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Tuwang-tuwa naman si Manang Fe at kalaunan ay tuluyan na akong nagpaalam. Di muna ako dumiretso sa condo ko at lumihis ng daan patungong park. Ipinark ko ang kotse ko sa isang grocery store at naglakad papuntang park. "Raile?--- Raile!!!" Papikit na sana ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ko. Tumatakbo namang pumunta sakin ang apat na kalahi ni baklang Chen. Tinabihan nila ako sa bench at isa-isa akong binati. "Raile, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Pat. "Nagswimming, keri?" sagot naman ni Archie at pabirong umirap. "Raile ka ba? Arseniong 'to--- aray!" agad naman siyang sinabunutan ni Archie. "Wag na wag mo akong matatawag diyan sa pangalang yan!" "Oo na." pasukong sabi ni Pat. "Nakaupo." sarkastiko kong sabi habang nakangiti. "Ano? Nagtanong pa eh." dagdag ni Deo. "Biro lang. Tumatambay-tambay lang, wala kasing magawa. Kayo?" "Naghanap ng boylet." sagot naman ni Benj agad naman siyang binatukan ni Pat. "Para saan yun?!" "Gumanti lang ako." sagot naman ni Pat na inaayos ang buhok niyang ginulo ni Archie. "Eh si Archie yun ah!" "Ingay niyo! Rarampa kami Raile, sama ka." pagyayaya ni Deo. "Ah? Wag na." "Sige naaaa." pagpupumilit naman ni Archie. "Bakit?" "Hangout? Tsaka gusto naming maging kaibigan mo, tiklop kasi sa'yo si Tobias eh." "Tobias?" "Si Chen." halos pabulong nilang sabi nang sabay. "Oh, asan pala yun? Ba't di niyo kasama?" "Kasama yung clingy niyang boyfriend." inis na sagot ni Benj. "Ba't para inis ka?" tanong ni Pat. "Dzuh, sinuswerte siya sa lovelife samantalang bopols tayo? Kainggit kaya." dagdag ni Deo. "Tsaka pogeeeeh!" tumitiling sabi ni Pat at sinang-ayunan naman ni Benj at Deo. "Kaya malandi." dagdag ni Archie. "Tara na Raileee, libre namin---" "Uy ikaw lang!" depensa naman ng tatlo. "Pektusan ko kayo ano? Kuripot neto samantalang sa mga boylet niyo eh halos parang tinatae niyo lang ang pera. Minssn lang sumama si Raile, kaya lubusin na natin." Tumango naman ang tatlo at yinaya na si Raile sa bar at nagparty. Di na rin tumanggi si Raile lalo at nagugustuhan niyang kasama ang apat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD