RAILE
"Mas maganda yang design na yan. Maaliwalas tingnan."
Halos takasan naman ako ng bait nang may marinig na boses sa may bandang leeg ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Napadaan lang."
"Alis na nga."
"Namiss kasi kita."
Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay.
"Alelelele! Wag kang patola. Gulay yun di inuugali."
Napairap ako. Nag-iingay naman siya.
"Naalala ko kasing bati na tayo."
"Bakit nag-away ba tayo?"
"Sa ginagawa mo sakin, mukhang..."
"Isa pa, wag kang susulpot bigla at baka magkapalit kayo ng mukha nitong monitor." banta ko sa kanya.
"Ano palang ginawa mo kahapon?"
Napatingin ako sa kanya habang nakataas ang kilay.
"Balita ko rumampa kayo ng mga bakla."
"Alam mo naman pala eh."
"Ba't di niyo ako sinama?"
"Eh kasama mo daw yung clingy mong boyfriend."
"Asus, selos---"
"Hangin."
"Wag ka na ngang tumanggi. Alam ko namang crush--- aray!"
"Di kita crush."
"E di hindi."
Inayos ko ang papeles para sa bagong resort na itatayo. Samantalang di naman umalis si baklang Chen at pinagmasdan lang ako.
CHEN
Pinanood ko lang si Rae habang nag-aayos ng opisina niya at nakasubsob sa trabaho. At least di niya ako pinaalis diba? Naalala ko tuloy yung kabaliwang ginawa ko kahapon...
"Baby girl may lakad ka ba?" naglalambing na tanong ni Darwin habang nakayakap sa braso ko.
"Uhm, oo eh. Uwi ka na."
Di na ito umangal at agad ring umalis dahil may pupuntahan. Agad naman akong naligo at binalak yayain si Pina mamasyal. Kaunting push nalang at magsheshare rin 'tong babaeng 'to.
Papasok palang ako sa parking lot ng condo niya nang makasalubong ko ang kotse nito. Nag-Uturn ako at palihim na sinundan ang kotse niya. Huminto siya sa isang flowershop at lumabas na may dalang bulaklak. Tibo ba siya?
Sinundan ko pa siya hanggang sa nakarating kami sa.... Sementeryo?
Pinark ko ang kotse ko sa anggulong malinaw ko siyang makikita. Yakap niya ang tuhod niya habang nakayuko. Sino kaya iyon? Pamilya? Asawa? Anak?
Mga dalawang oras siyang nagmukmok. Di ko nga alam kung ba't di ko siya pinuntahan...
Sa halos dalawang oras na pagmumukmom niya ay tumayo na rin siya at sumakay sa kotse niya. Sinundan ko uli siya hanggang sa makarating siya sa isang pizza house at lumabas na may dalang limang box ng pizza. Ilang oras din siyang bumiyahe hanggang sa narating na niya ang isang... Orphanage?
Dahil open ito... Kitang-kita ko kung paano siya nakipagkulitan sa mga bata. Malayong-malayo sa Rae na nakilala ko...
Magtatakipsilim na nang lumabas siya, samantalang nakatulog pala ako.
Gabi na nang makarating kami sa siyudad, akala ko uuwi na siya nang lumihis siya ng daan at huminto sa isang grocery store. Lumabas siya at lalabas na rin sana ako nang tumawag si Darwin...
Ngingiti-ngiti ako habang nakatingin sa kawalan. Mag-isa nalang ako sa office at natapos ko na rin ang mga aasikasuhin ko, hinihintay ko lang mag-alas otso para makauwi na.
Napadaan ako sa opisina ni Rae at wala ng tao dito. Pagdating ko sa parking lot ay sakto rin namang paglabas ni Rae at Lander?
RAILE
Pauwi na ako nag magkasabay kami ni Mr. Aguilar sa elevator. Ngumiti siya sa akin at napilitan akong gumanti doon.
Tumahimik lang ako lalo na't pakiramdam ko ay maraming alam 'tong isang 'to sa buhay ko.
"Uuwi ka na ba?" tanong nito.
"Obvious ba?" pagpapasungit ko.
"I like it when you're like that." kampante nitong sabi.
Biglang bumukas ang elevator at madami ang sumakay na empleyado dahilan para madiin ako papunta sa kanya.
Tumahimik nalang ako at di na umimik pa.
Sa wakas ay bumukas rin ang pinto at agad akong naglakad palabas.
Nakita ko naman si baklang Chen pero di ko lang ito inimik.
"Ingat sa biyahe Raile!" rinig kong pagpapaalam ni Lander.
Di ko na ito pinansin at agad na sumakay sa kotse nang biglang meron ding pumasok sa loob.
"Anong ginagawa mo?" inis kong tanong dito nang makitang nagseseatbelt na ito.
"Umuupo, di ba halata?" mataray nitong sagot.
"Alam ko! Pero bakit ka andyan?"
"Eh sa hindi ako nandodoon."
"Alam ko! Pero bakit dito ka pumasok at di sa kotse mo? Isa pang di matinong sagot sasakalin na kita."
"Nasira ang kotse ko ayokong maglakad nawawala ang susi ko gusto kitang makasama." dire-diretso niyang sagot.
"Eh magtaxi ka nalang."
"Wala akong pera."
"Ito oh!" abot ko sa kanya ng pera.
"Ayoko! Gusto ko sumakay dito." 'tila batang pagmamaktol nito.
"May pupuntahan ako."
"Sama ako."
Wala na akong magawa, mukhang walang balak magpatinag ang bakla.
"Pumunta tayo sa bar." biglang aya nito.
"Akala ko ba wala kang pera?"
"Ah basta pumunta tayo ng bar." maawtoridad niyang sabi.
Dinala ko naman siya sa isang bar.
"Ipark mo ang kotse at sabay tayong papasok."
"Ayok---"
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palabas at agad niyang isiniksik ang kamay niya sa bulsa ko at dagling kinuha ang susi. Tinoss niya 'to sa isang bouncer at pumasok...
"Ipark mo yang kotseng yan Kanor at ibalik mo sakin ang susi... Sa usual VIP room sa puwesto ko." bilin nito bago ako tuluyang umalis.
Di na rin ako umangal. Sa bar lang naman talaga ang punta ko di nga lang dito. Tumawag nalang ako kay Ferdi at sinabing di makakarating.
Linapag sa table naming dalawa ang limang bote ng vodka. Nagulat naman ako nang buksan niya ang isang bote at diretsahang tinunnga ito at halos mangalahati ang nainom niya.
"Rae, just be you. I won't judge." sabi nito habang nakakiller smile sabay kindat.
Nataranta bigla ang sistema ko lalo na nang bumilis ang t***k ng puso ko...
Di ko namalayan at nakita nalang ang sariling nagpapakalunod rin sa vodkang nakahain.
"Sayaw tayo! Hik!" sinisinok na sabi ni bakla halatang tinamaan na ng alak.
Nagpadala nalang ako sa kanya at umindak-indak naman ang bakla. Kung hindi nakakulot ang buhok niya at nakafit na itim na makintab na leggings at pink na sapatos kasabay ng pulang kulay ng buhok niya... Baka pagkakamalang lalaki siya minus his voice and movements.
"Let the party starrrrrrrrrt!!!!" sigaw ng DJ at itinodo ang music.
"When I say hey, you say hoo! Hey?"
"HOOOO!''
"Hey?"
"HOOO!!!"
Tuwang-tuwa naman ako kay bakla na todo bigay sa pag-indak. Ang lambot pala ni bakla. Di mo alam kung nagtatrumpets ba siya o ano...
Biglang humina ang music pero pang-party parin.
Nagulat ako nang magsalita bigla ang DJ...
"...kiss your partner..."
Sa dami nang sinabi nito ay yun lang ang naintindihan ko. Kinabahan kong liningon si Chen at halos takasan at ako ng ulirat at sising-sisi naman kung bakit ko pa iyon ginawa.
Naramdaman ko ang malambot nitong labi sa labi ko, nakapikit siya habang dilat na dilat naman ang mata ko. Di ako nakagalaw at 'tila naestatwa.
Naglapat lang ang labi namin at wala nang nangyari pang iba. Nakangiti siya habang nakapikit parin habang di ko naman alam kung paano ako aakto.
Isa lang ang nasa isip ko... Mukhang dumating na ang kinatatakutan ko.