Chapter 16 - Confuse na si Bakla?

998 Words
RAILE Nang malayo siya ay kumindat ito. "Wag humopia. May parusa kasi ang hindi sumusunod..." pagpapaliwanag niya. Napairap nalang ako at agad siyang kinurot. "Aray! Anuba?!" "Uuwi na ako! Bahala ka dito! Manyak!" kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas na. "Oy!" CHEN "Feeling ko suminghot ng katol yan kanina pa ngingiti-ngiti mag-isa eh no?'' rinig kong sabi ni Archie. "Gaga, baka nakapuntos na naman sa clingy niyang boylet." atribidang sagot naman ni Benj. "Eh baka naman suminghot talaga ng usok mula sa kalan?" dagdag ni Pat. "Baka tumikim ng tahong." biglang sabi ni Deo. Agad namang naduwal ang apat na bakla. Di ko nga alam ba't ngumingiti-ngiti ako eh. "May pahawak-hawak pa sa labi oh." pang-aasar ni Benj. "Oy bakla, ano bang nangyari?" "Wala." nakangiti kong sabi habang hinimas-himas ang labi ko. "Wala daw? Kilala kita eh. Alam ko na yaaaaaan." sabat naman ni Archie. "Eh alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Napasimangot naman si Archie at kasabay nun ang pagpasok ni Rae. "Oy Rae." bati ko at sinalubong siya. "Ito na pala yung pinapahanda mo sakin at ito na rin yung reports para sa resort." Tumingin siya sa mga bakla at ngumiti dito. Tumalikod siya at tinahak ang daan palabas. RAILE Nag-isnack ako mag-isa habang nakatingin sa malayo. Iniisip ang patutunguhan ng buhay ko. Walang silbi ang tagumpay kung wala ka namang kasama sa pagdiriwang. Minsan mas mabuti pang malugmok basta marami kang kasama, Kesa magtagumpay ng ikaw lang mag-isa. "Ang lalim ng iniisip ah. Puwede bang umupo?" napatingin ako sa nagsalita. "Inyo naman 'to. Ba't kita pagbabawalan?" Muli akong tumingin sa malayo. Tiningnan ang matataas na building katabi ng building namin. "Minsan ang titig Nakakatumba ng building na maayos ang tindig." sabi nito habang ngumunguya. "Why are you talking to me?" "Why are you asking me?" "Ayoko lang matsismis." "Ayoko lang mawalay sa'yo." "Please stop it Lander. If you're just playing with me, I'm a master." "You stop it Raile. I'm not a player, I'm a lover." "Then stop being that thing." "Don't you know it's not that easy. Unang tingin ko palang sa'yo, I know..." "You know what?" "I know we're sharing the same downfall. We're lonely---" "I'm not!" mukhang napataas ang boses ko at nagkatinginan ang mga empleyado. Tiningnan ko siya mata sa mata. "I'm not lonely." Kinagat ko ang ibabang labi ko at napapikit. "If you're job is to meddle with people's life, I'm quitting this job." buo ang boses kong pagkakasabi. "Stop it will you? If you're thinking that I'm lonely as you are, you're basically hallucinating." Naglakad ako palabas ng cafeteria. Naiirita ako. Naiirita ako dahil sa nangyayari ngayon. "Rae--- where are you going?" "It's none of your business, moron." Di ko na pinansin si Chen sa may pintuan at dagling lumabas. May tinawagan akong tao at dumiretso sa baybayin. Bumili ako ng mapapapak ko habang nakaupo sa bench at kaharap ang dagat. "Stress reliever mo talaga ang mani." "Ferds." Dagli ko siyang niyakap at humagulhol sa bisig niya. "Hey, sssh. Bakit ka umiiyak?" "I'm not lonely, I'm hurt. Wasak ako kaya ako ganito, hindi malungkot." "Sssssh, tahan na." Patuloy parin ako sa paghikbi habang nakayakap sa kanya. "Nakakahiya sa'yo." biglaan kong biro. "Nakikita mo ako pag nagsusungit ako pero kilala mo rin ako pag nasa ganitong huwisyo ako." "Kasi yun ako. Kaya tahan na." Mas lalo naman akong humagulhol nang haplusin niya ang buhok ko. "Natatakot akong bumigay Ferdi. Lalo na't naaawa ako sa taong yun. Naaawa ako sa kanya kasi katulad ko pinagtabuyan siya. Naiinis ako kasi pakiramdam ko kilalang-kilala niya ako. Pakiramdam ko marami siyang alam sa akin." "Nandito lang ako Raile.'' "Ayokong masaktan pa uli. Ayoko na. Ayokong dumating ang puntong maging manhid na ako. Natatakot ako Ferdi. Natatakot ako." "Tahan na, please." "Sana, nagiging matatakutin nalang ako pero ang totoo matapang talaga ako. Kesa naman sa akala nila matapang ako pero ang totoo matatakutin ako." Yinakap lang ako ni Ferdi habang patuloy parin akong umiiyak habang nakayakap sa kanya. CHEN Makikipagkita lang pala sa payatot na yun may nalalaman pang 'It's none of your business'. Pepektusan ko talaga 'tong bruha to. May payakap-yakap pang nalalaman, nakakaloka. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nakakainis ka na Chunder ah, sinasapian mo na ako. Archie dialling... Tagal namang sumagot ng baklang 'to. "Hello? Oy bakla! Raramp---' "Hoy Arsenio... N-na...na....nainlove ka diba sa merlat?'' "Ay tokwa lang? Linoudspeaker pa naman kita tapos ganun? Buti nalang Amerikano 'tong katabi ko. Minura ko na't lahat ngingiti pa ang tokwa." "Sagutin mo ang tanong ko." "Uhm... Oo bakit?" "Paano mong nasabi na inlove ka na kay Teri?" "Ewan ko, biglaang tinamaan ang bakla. Di ko naman kayang pigilan kasi ayun na eh.'' "So anong ginawa mo?'' "Itinigil---" "Ah okay." Agad kong pinatay ang tawag. Rae anong ginawa mo sa akin? Kuyom ko ang kamao ko habang tinitingnan silang magkayakap nung payatot na posporong yun. Ano 'tong nararamdaman ko? Di naman 'ata diba? Di ko pa nga nakikilala ang pamilya niya. Di ko pa nga naririnig yung kuwento ng buhay niya. Di ko pa siya lubusang kilala. Tigilan mo ako Chunder, bakla ako! Bakla ako! Di ako magkakagusto sa kanya. Naguguluhan lang ako. Tama naguguluhan lang ako. RAILE Kumaway si Ferdi bago pumasok sa kotse niya. Ngumiti nalang ako habang nakatingin sa papalayong kotse nito. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. I just need a break. Nabibigla lang ako. Tama nabibigla lang ako. Wag kang pumayag madurog ka uli Raile. Durog ka na wag mo nang pinuhin pa. Maawa ka sa sarili mo please. Erase all the possibilities. Wala kang dapat isipin, it's not worthy of your time. Be happy with yourself. Mabuhay ka para sa sarili mo. Maging masaya ka para sa sarili mo. It's your only choice. Kaya mong sumaya na ikaw lang. You may be alone but you're not lonely. Wag kang makoconfuse sa pakiramdam mo. Do the things for yourself. Not for someone, not for anyone. But for your own good. For your happiness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD