RAILE
"Hey, babalik na daw yung boss mong bakla." bati sakin ni Coco kahit kakapasok ko palang.
"I don't care."
"Asus, namiss mo 'ata yun."
"Why would I? Alis na nga."
"Tsk. Akala ko lumalambot ka na, yun pala bato ka parin pala.'' bulong nito pero dinig ko.
"Ano?"
"Wala! Sige! Alis na ko!"
Pumasok ako sa opisina ko. Ano kaya ang ginawa ng baklang yun? Nang nakaraang dalawang linggo?
Napasandal ako sa upuan ko. At tumingin sa malayo. Napabuntong hininga nalang ako. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Walang ginagawa sa'yo yung bintana kaya wag mong susungitan."
"Bakit andito ka?"
"Bawal na ba ako dito?
"Just go away."
"I won't."
"You won't?" tanong ko dito.
"No, I WON'T."
"Then I will."
Tinalikuran ko si Lander at naglakad paalis ng opisina ko sana, nang makasalubong ko si Chen who was about to knock at the door.
Bigla akong nataranta na ewan. There's a feeling inside me na gusto siyang yakapin nang mahigpit. But why would I do it?
"Since you're here. This is the reports you'll fixed. And bring it to my office before 6 PM.'' walang emosyon nitong sabi without even looking at me.
"Y-yes, I-i'll b-bring i-it t-there."
Bakit ako nauutal?????
Wala na itong sinabi at tumaliko at kumembot pang pumasok sa opisina niya.
"Utal-utal ka ah?
"Mr. Lander Aguilar, not because bati na tayo does not mean close na tayo. So just get out of here."
"Fine. But we're friends, right?" sabi nito habang palabas.
"Whatever."
Sinirado ko ang pinto at napahawak sa dibdib ko. No Raile, this ain't happening. You're not falling for this trap again. Not again.
Dalawang linggo nawala sa trabaho si Chen, ang sabi ng CEO it's because may lakad daw ito... Pero nalaman namin after 1 week nang di niya pagpasok?
"Bakit di man lang siya nagpaalam?" bulong ko habang sapo ang noo. "At bakit ko rin kinukuwestiyon yung pagpapaalam niya? And why am I talking to myself? Seriously? Aish."
CHEN
2 weeks out of work.
2 weeks without Rae.
2 weeks with my boyfriend.
Sa 2 weeks na yun pinagtuunan ko ng pansin ang jowa ko. Nakokonsensiya rin ako dahil ang bait sakin ni Darwin at ibang-iba siya sa mga naging boylet ko. Di siya kelanman nagtake ng advantage sa dami ng pera ko. And I'm thankful for him. Siguro tama rin ang ginawa ko dahil this past few months nawawalan kami ng time sa isa't isa.
Balik-trabaho na ako ngayon. Bukas pa dapat, but something urge me to go here. Eh baka namiss ko ring umupo sa swivel chair ko.
My feet take me to a door where I missed to knock on at para kulitin ang taong nasa loob nito. But now, pumunta ako dito para sa trabaho and not to joke with her.
Akmang kakatok palang sana nang bumakas ito. Nashock siya pero agad itong napaiwas ng tingin. Napatingin ako sa likod niya at nandoon si Lander, nakapamulsa at bakas ang mapang-asar na ngiti.
Kumuyom ang kamao ko kaya itinago ko ito sa likod.
"Since you're here. This is the reports you'll fixed. And bring it to my office before 6 PM.'' walang emosyon kong sabi without even looking at her.
"Y-yes, I-i'll b-bring i-it t-there."
Gusto ko siyang asarin dahil sa uutal-utal siya. Pero gusto kong lumayo muna sa kanya.
Pumunta ako sa opisina ko at umupo.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Sobrang lakas. Anuba?!
RAILE
Mula sa kinauupuan ko ay dinig na dinig ang tawanan ng mga baklitang kaibigan ni Chen.
Aaminin kong medyo o talagang hindi na siya nangungulit ngayon.
Aaminin kong namimiss ko ang pambubulabog niya.
At namimiss ko na rin siya.
Ayokong aminin ang nararamdaman ko, pero gusto kong sabihin na namiss ko siya bilang kaibigan. That's fairly clear, for now.
Tatlong araw simula nung pagbabalik niya, di na siya nangulit. Ibang-iba sa Chen na unang nakilala ko. But being me, tinapatan ko ang sungit na ipinapakita niya. Di ko rin siya pinapansin, but deep inside, hinihiling ako na sana, bumalik uli sa dati.
Pumasok ako sa office niya dala ang daily reports tungkol sa papatapos na resort.
"Oy Raile!" inakbayan ako ni Archie habang nakipagbeso naman si Pat, Benj at Deo.
"Sama ka samin, rarampa tayo!" yaya ni Pat.
"Uhm..." di ko alam kung anong isasagot ko.
Somehow, alam kong naging close na ko na rin sila. And there's a thing na kaya ako sumasama sa kanila is because they never ask about my past, my personal life.
"Sige naaaa. Kasama si Chen." tumataas-taas pa ang kilay na sabi ni Benj.
"Sig---"
"I'm not coming. My date kami ni Darwin." bigla nitong sabi at tumayo at binangga si Archie bago lumabas.
"Aray ha!?" bumalik sa pagkakaakbay si Archie habang kinukuyom-kuyom ang kamao sa nakatalikod na Chen.
"Anyare dun?" tanong ni Deo.
"Meron 'ata?" sabay na sabi ni Benj at Pat at naghalakhakan sila.
Confirmed. Iniiwasan niya nga ako.
Sumama nalang ako sa mga bakla since komportable na rin naman akong kasama sila. Di rin naman ako nabore dahil di sila nauubusan ng istorya.
"At tsaka, may linalandi akong imported mga sis... Alam niyo bang minura ko na't lahat ngumingiti parin?" kuwento naman ni Archie at nagtawanan kami.
Puro biruan lang, saya, kuwento, habang nakikinig lang ako. Hanggang sa sumapit na ang alas dos ng umaga.
"Sige! Hik! Baysh gaysh!!!!" sinisinok na paalam ni Deo habang hawak ang buhok ni Pat.
"Oy, hatid ka nash naminsh. Hik!" presenta ni Benj.
"No. Kaya ko na." nakangiti kong sabi kahit hilong-hilo na ako.
"Baka mayari kami kay Ch-----" biglang natumba si Archie at sinalo naman ito ni Benj.
"Iuwi mo na yan. Sasakay nalang ako ng taxi." kunwari matino kong sabi pero pinipigilan ko lang masuka.
"Aysh shige! Baysh! Hik!" gumewang-gewang si Benj habang akay-akay si Archie na halos gumapang na dahil sa kalasingan.
Napailing nalang ako. Tumayo ako sa hintayan ng taxi at napasandal sa poste at papikit na.
Di ko na nabilang sa sobrang tagal kong naghintay lalo na at sumisikat na ang araw nang makita kong may sumundo sa akin. Hilo ako at di ko siya makilala, 'ni boses niya di ko matandaan kung sino.
"Ba't ka naglalasing?"
"Hindi naman ako lasing ah. Nakainom lang." tuwid kong sabi habang nakasandal sa poste.
"Ilang oras ka na ba dito ah?"
Itinaas ko ang tatlo kong daliri at ipinakita sa kanya.
"Kita mo? Kung di pa ako napadaan dito di pa kita makikita. Pasalamat ka kumalam tyan ko."
"Eh di thank you."
"Tara na... Alas singko na oh. Lasing ka nga, nag-thank you ka eh."
"Oy ikaw! Di ako lasing!"
"Oh sige nga, sino ako?"
"Si Tom Cruise!"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong nawalan ng malay at di ko na alam ang nangyari.