CHEN
Ikot sa kanan. Ikot sa kaliwa. Lagpas alas singko na at hindi parin ako makatulog. May kung anong bumabagabag sa akin, at naiinis ako kapag naiisip ko ang maaaring dahilan nito.
Di talaga ako mapakali. Matawagan nga si Pat.
Pat dialling...
"Oh?"
"Nasaan kayo?"
"Kakauwi ko lang. Kaloka, kakatulog ko palang baliw 'to."
"Si Rae?"
"Alelelelele, ano ibig sabihin ni---"
"Nagtatanong lang ako."
"Asuuuuus, namiss mo eh."
"Patriciano?!"
"Cheret. Iniwan namin ni Deo kila Archie at Benj. Sige Vavoo! Di ko talaga keri na, vovorlog na ako. Vavoo!"
Agad nitong pinatay ang tawag at nang tatawagan ko pa sana ay cannot be reached na. Baklang 'yun!
Tinawagan ko rin si Archie pero di sumagot. Si Benj eh ganun rin. Argh!!!! Kinakabahan na ako!
Kahit nakapantulog ay lumabas ako, tinungo ang kotse ko at pumunta sa unit ni Rae. Tinanong ko ang guwardiya kung nakauwi na ba si Rae pero di parin daw ito umuuwi simula kaninang umaga? So di pa yun nakabihis? Ugh. Nakakainis. Sasambunutan ko talaga yung mga baklang 'yun!!!!!
Agad akong nagdrive papunta sa bahay ni Archie at agad na pumasok dahil di naman nakalock ang pinto nito.
Naabutan kong magkayakap sila ni Benj sa sahig. Agad ko silang sinambunutan.
"Araaaaaay!!!!!" daing nila.
"ASAN SI RAE?!?!?!?!?!!?!!''
"Umuwi na malamang--- aray!!!"
"ANUBA?! AKO DI NAKIKIPAGBIRUAN SA INYO HA?!!!"
"Eh sabi niya kaya naman daw--- aray!"
"INIWAN NIYO?!?!"
"O---"
"ANONG BAR?!?!?!"
Agad kong pinatakbo ang kotse ko sa bar na sinabi ni Archie at naabutan kong buhat siya ni Lander papasok sa kotse nito.
Lalabas sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko at sinundan sila upang masigurong ligtas na makakauwi si Rae.
Buti nalang at di ako makikilala nito dahil nagsombrero ako.
Kalaunan ay lumabas siya sa unit ni Rae at pumasok sa katabing unit ni Rae. Magkapitbahay sila?
Biglang bumagsak ang balikat ko at naglakad patungo sa kotse ko. Napasandal nalang ako sa upuan ng kotse ko at kalaunan ay umalis na rin.
RAILE
"Pumasok ka???" bungad na tanong ni Lander.
"Natural, nakikita mo ako eh." irap ko.
"May meeting pala lahat ng staff ng company natin na in-charge sa bagong project ng resort."
"Okay."
"Dalawang oras lang ang tulog mo."
"Ano naman dun?"
"Dapat sinusulit mo yung natitirang oras, puwede naman akong mag-explain kung bakit di ka papasok."
"Okay na ako sa 16 hours na tulog ko kada linggo." walang gana kong sagot.
"Sungit!"
Biglang bumukas ang pinto at naunang lumabas si Lander nang bigla siyang nadulas at natumba sa sahig.
Pigil-tawa ko naman siyang tinulungan at taranta naman siyang lumingon kung may nakakita habang ako nagpipigil ng tawa.
"Puwede ka namang tumawa." nakangiting sabi ni Lander.
Ngumiti nalang ako at binawi rin iyon kalaunan.
"Sige na, alis na! Pumunta ka sa meeting mamaya ah?"
"Pupunta ako." sabi ko habang naglalakad papunta sa office ko.
Nakangiti akong pumasok sa office ko pero napalitan iyon nang pagkagulat dahil naabutan kong nakaupo si Chen sa upuan ko.
"Ba't ka andito?" kunwari'y walang emosyon kong sabi at di siya tiningnan.
"Ang tagal mo kasing dumating dahil nakipagchikahan ka pa at hinahanap ko ang mga files tungkol sa bagong resort." buong pagsusungit niyang sagot.
"I apo---"
"Where are the reports?" tanong nito.
Itinuro ko ang mesa at ang kabinet sa ilalim neto. Binuksan niya ito at kinuha ang folders na nandoon at lumabas.
Napasinghap nalang ako.
If this is a game, he's the challenger while I'm the winner.
Kung iwasan lang naman, mas magaling ako dun.
Bumalik ako sa opisina ko at isinubsob ang sarili sa trabaho, pagtingin ko sa orasan eh lagpas alas dos na kasabay nito ang pagkalam ng sikmura ko. Naalala ko tuloy ang mga panahong nagdadala pa siya ng tanghalian.
Biglang nagring ang cellphone ko at rumehistro dito ang pangalan ni Kaye.
"Hello? Hulaan ko, may problema ka no?"
"Yeah."
"Sabi na eh. Di ka naman tatawag kong wala eh."
"Narito ako sa Fico's. Please come."
"Okay. I will."
Lumabas ako ng opisina ko at nagtungo sa parking lot. Nagdrive ako papuntang Fico's at naabutan sa pinakasulok si Kaye.
Maraming pagkain ang nakahain. May burger, fries, pizza, chicken nuggets, sundaes, donuts, cupcakes at cake slices.
"May hinihintay ba tayo?"
Napatingin siya sakin at malungkot na ngumiti.
"Nah, let's just eat. Alam ko namang matakaw ka."
"Kaye?!"
"What? Brokenhearted na nga yung tao papagalitan mo pa."
Bigla namang lumambot ang ekspresyon sa mukha ko.
"Why?" tanong ko.
"Wow. Di man lang nagtanong?"
"Eh tanong naman yun ah. Pero seryoso, bakit? Ang bait naman ni Leo ah?"
"Nakabuntis siya ng di sinasadya. Mahal siya nung babae at ang selfish ko naman kung aangkinin namin yung bata diba? Tapos inamin niya rin namang napamahal na sa kanya yung mag-ina kaya nagparaya nalang ako."
Magsasalita sana ako nang isubo niya yung pizza sa bibig ko.
"Don't speak. Just eat. And listen."
Tumango nalang ako.
Nagsimula na siyang nagkuwento about sa memories nila ni Leo, yung tipong para siyang baliw kasi iiyak tapos biglang ngiti sabay tatawa.
Naawa ako sa kaibigan ko, di ako marunong magcomfort kaya yinakap ko nalang siya na mas lalong nagpaiyak sa kanya. Kakasabi ko palang na di ako marunong magcomfort eh.
"Puwede ka nang magsalita."
"Di ko alam. I've never been on a relationship before at alam mo yun. Pero, I think it's the right thing to do. Pinagtagpo lang kayo, hindi itinadhana. Wag mkng dibdibin kasi wala ka nun--- aray!"
"Ikaw babaita ka! Ang hard mo talaga!"
"Just forget about it. Kay Ferdi ka nalang." pagbibiro ko.
"Wala kang alam." irap nito.
Tumawa nalang ako at nakipagkuwentuhan sa kanya. Tumagal rin ng ilang oras ang pag-uusap namin hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi nang maubos ang pagkain.
Dumating ako sa office at mag-oovertime nalang sana nang maabutan kong nakakibit-balikat si Chen sa pintuan ng office ko.
"Did I tell you to go out?" naiinis nitong tanong.
"I j---"
"We need to be on the resort. Kaya be sure to go."
Di pa ako nakasagot nang linampasan na niya ako. Sumunod nalang rin ako at pumunta sa kotse ko.
I-start ko na sana pero biglang nagloko ang makina, kainis naman. Ang habang biyahe pa naman nun.
CHEN
Nasa loob ako ng kotse ko habang sising-sisi sa pagsusungit ko kay Rae. Pakiramdam ko nasasaktan siya kahit di niya ipakita, pero naiinis ako dahil ang tanga ko para isipin na ganun ang nararamdaman niya kahit wala naman talaga.
Nakita ko siyang pumasok sa kotse niya, hinintay kong umandar ito pero di parin. Maya-maya'y lumabas siya at may kung anong kinalkal sa bulsa niya at naglabas siya ng pera.
Magtataxi siya? Bruhang 'to oh.
"Saan ka pupunta?" tanong ko pagkalapit sa kanya habang ibinababa ang bintana.
"Sa resort malamang." irap nito.
"Maglalakad ka papunta dun?" pagsusungit ko.
"Bobo ka ba? Sa layo ng lugar na yun, magkakaapo ka nalang baka di pa ako makarating dun." pagsusungit nito.
Binuksan ko ang pinto sa upuan na katabi ko.
"Pasok! Baka mahuli pa tayo dahil sa'yo." linampasan ko ang sungit niya at linapatan ng inis sa tono ko. Di na siya umalma at sumunod nalang.
Nasa kalagitnaan na kami ng daan at alas singko na.
"Gumalaw ka naman!!!!" bumusina ako sa naunang sasakyan kahit alam kong di naman yun gagalaw dahil sa traffic.
"Ipark mo ang kotse sa grocery store na yun." walang emosyon niyang sabi.
"At bakit naman?"
"Dahil mahuhuli tayo kung di mo gagawin." pirmeng sabi nito.
Sinunod ko nalang siya at ipinark ang kotse ko sa grocery store nang lumuwag ang traffic.
Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo.
"HOY!!!! SA'N KA PUPUNTA?!?!?''
"Sasakay ng tren!" sigaw niya habang tumatakbo.
Sinundan ko nalang siya pero hirap na hirap talaga ako sa heels ko. Kainis naman kasiiiii.
Sumakay kami sa tren at dahil rush hour, siksikan. Nakapasok naman kami, nakikisiksik nga lang.
RAILE
Argh. Kanina pa talaga ako naiinis sa manyak na gorilla dito sa likod ko. Katabi kasi ni Chen ay isang balbas saradong matanda na nasa kuwarenta ang kanina pa ikinikiskis yung ano niya sa balakang ko. Papatayin ko 'to pag di ako makapagtimpi.
Tumingin ako dun sa gorilyang yun at tawang-tawa ang manyak. Ah ganun? Haharapin ko na sana ito nang biglang may humawak sa bewang ko at pumulupot sa may tyan ko. Di ko na naramdaman yung gorilya pero pumalit dito ay ang hininga ni Chen sa may batok ko.
CHEN
Kanina pa talaga ako naiinis sa kapreng 'to. Ang manyak!!!!!!
Ah bahala na!
Dagli kong yinakap mula sa likuran si Rae at ipinahinga ang baba ko sa balikat niya habang nakapikit.
Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko habang nakayakap sa kanya kaya hinigpitan ko ito lalo at mas dinamdam ang pagyakap ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paglabas nung kapreng yun pero di parin ako bumibitaw. Halatang gulat parin si Rae dahil bagsak ang balikat niya pero di ako humiwalay, di naman rin siya nagrereklamo.