Chapter 19 - Trip To Love

1069 Words
RAILE Di ako nakinig buong meeting at lutang na lutang ang isip ko. Pagkatapos ng eksena sa tren kanina eh back to normal na naman kami. Ganun na 'ata siguro iyon. Nagulantang ako nang magbunyi ang buong team namin. "Anong nangyari?" tanong ko kay Coco, na siyang architect ng team. "Di ka ba nakarinig?" tanong nito. "Magtatanong ba ako kung narinig ko?" "Ewan ko sa'yo." simangot nito. "Sige na, ano nga?'' "Para sa advance celebration sa success ng resort is a 5-day trip." excited na sabi ni Coco. "At puwedeng magdala ng kaibigan." "Oh." Yun pala yun. Sino naman kaya isasama ko? Aha, si Kaye. Agad kong tinext ito kay Kaye at agad rin namang sinang-ayunan ng huli. CHEN Mabilis na lumipas ang panahon at papunta na kami ngayon sa Batanes. Peaceful ang lugar kaya naisipan ng team na doon i-spend ang 5-day trip. "Excited na akong maghanap ng boylets." kumikinang ang mata na sabi ni Deo. "Gaga. May jowa ka kaya." sabat naman ni Pat. "Haleeer, single kaya ako. At si Chen lang naman yung may jowa dito no?" irap ni Deo. "Kelan ba kayo maghihiwalay?" tanong ni Benj. "Aba'y bastos to ah!" akmang hahampasin ko na si Benj ng bag na hawak ko nang tapikin ni Archie ang braso ko. "Ano?!" Ngumuso siya at napatingin ako kay Rae. Kakarating palang nila. Tatlo sila, si Coco, siya at di ko kilala yung isang girl. "Hi gurl!" bati ni Archie at bumeso kay Rae. Umiwas naman siya kay Coco habang ipinakilala ni Rae ang kaibigan nito. Sumunod na rin ang mga bakla kay Archie. Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng buong team namin. "Okay, since medyo madami tayo. Tatlong van ang gagamitin, ang isanf van ay para na sa amin ng kaibigan ko---" "Isama na natin sila Rae!" sigaw naman ni Benj. "Okay. At yung dalawa naman is, bahala na kayo kung saan kayo sasakay? Okay? And about the trip, kayo nalang ang pipili kung nanaisin niyong mag-solo or grupo or jojoin kayo sa amin, pero mukhang may kaibigang kasama ang lahat. Okay, let's have fun and forget our work muna." Na-hype naman ang buong silid at nagsilabasan na kami. As usual, umiwas ako kay Rae, ayokong mas lumala ang pagkalitong nararamdaman ko. Inilagay na namin lahat ng gamit namin sa van habang minomonitor ko si Rae gamit si Archie. "Ayos na ba yung gamit ni Rae?" bulong ko kay Archie. "Oo. Ikaw ha, lalabas ka na talaga ng kuwadra." "Gaga." binatukan ko siya at wala sa sariling napatakip sa bibig. Ayaw pala ni Rae ng ganun. Sumakay na ako. Katabi ko si Benj na siyang magdadrive ngayon dahil siya naman yung may alam ng lugar dahil siya naman talaga yung lakwatsera sa aming lima. RAILE Nasa tabi ko ang bintana at nakatulalang nakatitig sa labas. "Di mo sinabing mga beki pala nasa paligid mo. Buti di ka nasunog?" natatawang bulong ni Kaye. "Tumigil ka nga diyan, may makarinig pa sa'yo." "Thank you ah? Kahit panandalian makakalimutan ko si Leo." "At may limang nakareserve diyan." "Igagaya mo ko sa'yo? Wag nalang." humalakhak siya sa sarili niyang pangungusap. Muntanga lang? "Pero bet ko si Benj, kung di lang 'ata malambot gumalaw parang boy." "Si Chen rin naman ah." At huli na nang marealize ko kung ano sinabi ko. "Sa'yo yun. HAHAHAHAHA!" "Kaye! Ssssh!" "So totoo?" Inirapan ko nalang siya at tumingin sa labas. Tulog naman ang lahat. Si Coco katabi si Archie, dahil katabi ni Pat si Deo at si Benj at Chen. "Tulog muna tayo." Tumango nalang ako at pumikit. --- Nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng van. Dagli kaming lumabas at kinuha ang mga bagahe namin. "WAAAAH! ANG GANDA DITO!!!" tili ni Kaye. "TARA DOON TAYO!!!" agad hinila ni Coco si Kaye papunta sa beach. See? Mga walang hiya. Iniwan ako sa mga bagahe nila. Nakasimangot kong dinala ang mga bagahe nilang naglalakihan. Jusme, limang araw lang kami dito hindi isang buwan. Ano kaya laman ng mga maleta nila, at may backpack pa. Kakainis. Mas nadagdagan pa ang inis ko nang mastuck ang maleta ni Kaye sa isa sa mga upuan doon. "Tapos ka na ba Raile?" tanong ni Benj at mukhang ipapark na niya ang van. "Uhm di p---" Nabigla ako ng buong puwersang hinablot ni Chen ang maleta ni Kaye at kinuha sakin ang mga bagahe nila Coco at Kaye leaving me, only with my luggages. Aligaga akong sumunod sa kanya at tatangkain sanang kunin ang mga iyon nang magsalita ito... "Don't you ever dare to talk. I'm being nice here so there's no reason for you to get mad at me." Naglakad siya papuntang isang cabin at inilapag ang mga gamit nila Coco at Kaye. Linagpasan niya lang ako and never bothered to hear my thank you. Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay huminto ito at humingang malalim. "Lahat ng mga kasamahan natin eh magkakanya-kanya. Baka gusto niyong sumama sa amin." Di siya lumingon habang binibigkas ang mga katagang iyon. Lumakad na siya nang di man lang sumulyap sakin. "You're crazy Raile. Stop assuming. You're still dumb, aish." bulong ko sa sarili ko at pasipang binuksan ang pintuan ng cabin. CHEN Gagang Pina yun, di sumama samin? Watda. Kaya ko nga siya sinabihan kasi ayokong malayo sa kanya pero mukhang siya naman itong nalayo sakin. "Eh gaga ka, di ka mahal nung tao." bulong ko. "Baliw di ko naman siya mahal ah." sagot ko naman pabalik. "Pero nagkakaganyan ka?" "Eh baka--- teka nga?! Nababaliw ka na Chen, kinakausap mo na sarili mo." napasapo nalang ako sa mukha ko at humugot ng malalim na hininga. "Uhm, tapos na ba kay---" agad natulala si Archie nang buksan nito ang pinto. "Akala ko may kausap ka." "Ah, uhm--- eh--- ah--- may tumawag--- oo tama may tumawag nga." "Ah sige, ready ka na ba?" "Oo paparty tayo, nang maenjoy naman natin ang stay natin dito." "Yung totoo? Litong-lito ka lang ano?" pang-aasar sakin ni Archie. "Ano?! Baliw!" "Asus! Sino ba yang merlat na yan?" tanong naman ni Archie. "Wala nga." "Sinasapian ka na ba ni Tobias?" "Gaga! Wala nga sabi eh!" "Eh sabi mo eh." napasinghap naman ako nang tumigil na ito. "Pero feeling ko si Raile." "Arsenio!!!!" sasambunutan ko na sana ang bakla nang makatakbo na ito palabas. Kumuha ako ng sariling cabin habang silang apat naman eh sa iisang cabin lang. Nagyaya rin naman akong pumarty lalo na't may bumabagabag sa damdamin ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD