RAILE "Sali kami!" napalingon naman ako sa tumili. Si Deo. Apat lang sila, asan kaya si Chen? Wag mo ngang hanapin yung baklang yun. Nababaliw ka lang. Mukhang ito talaga ang hanap nila dahil halata naman sa outfit nila na volleyball shorts. "Kavogue ang outfit natin ngayon Raile ah?" pansin ni Archie. "Crop top at short shorts. Bongga!" masayang sabi naman ni Pat. "Mukhang sasapian ako ni Patriciano ah--- aray!" Agad naman siyang binatukan ni Benj. "Di naman halatang gusto mong mamatay gamit ang tinidor sa bumbunan eh no?" saway ni Benj. Natawa naman ako sa kanila. Agad naman kaming naglaro team by team. "Guys para exciting, pairing dapat!" suggest ni Coco. "Gusto mo lang makapartner si Arc--- asdfghjklalsjalaldstreeiwirpqpe" agad namang tinakpan ni Coco ang bibig ni Kaye.

