RAILE Tuwang-tuwa naman ako habang kausap si Ferdi. Gusto niya muna daw akong makausap bago siya umalis patungong Italy at dumalo sa isang contest doon para sa bartending. At dahil napasarap ang kuwentuhan namin ay pinili ko munang di bumalik doon, lalo na't na-aawkward rin ako kay Chen. Nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa akin. Sasapakin ko na sana nag makita kong si Chen ito. Halatang nag-aalala siya pero di ko pinansin. Iniiwasan niya ako diba? "Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon kong sabi. "Ano ba naman Rae?! Ako ang kasama mo pero yang posporong yan ang pinagtutuunan mo ng pansin!" sigaw nito na ikinabigla ko. "At anong pakialam mo doon?---" "Yun na nga Rae eh! Dapat wala akong pakialam pero dahil sa ewan kong kabaliwan ko nagagawa ko 'to!!!!" sigaw nito. "So?"

