FIFTY

468 Words

Womanland "Nalalapit na ang inyong kaarawan,mahal na Reyna.." magiliw na untag ni Prinsesa Roisa sa ina. Kasulukuyan ang mga ito naghahapunan. Napasulyap si Prinsesa Roisa sa kapatid na tahimik lang habang pinapakain ito ng umaalalay rito. "Tama..isang buwan na lang pala," masayang saad ng Reyna. Nakangiti na bumaling siya sa ina. "Anong gusto niyo para sa kaarawan niyo,mahal kong ina? Gusto ko ibigay sa inyo," aniya. Dumako ang mga mata ng Reyna kay Prinsesa Rebeka. Agad na nakaramdam ng panibugho si Prinsesa Roisa ng makita kung paano nangungulila ang ina na makita ang anak nitong bunso sa dating kalagayan. Naikuyom niya ang mga palad. "Sapat na sakin ang makitang maayos ang iyong kapatid..at bumalik na siya sa dating kalagayan..masigla at masiyahin," puno ng pag-asam saad ng ina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD