Hindi inaasahan ni Aquill ang pagbisita ng kakambal niyang si Aquilles. Gayunpaman,masaya siya na makita ito. "Nandito si Aquer,"bungad ni Aquilles. "Talaga? Saan? Puntahan natin," nasasabik niyang turan. Napangiti sa kanya ang kasintahan si Sabina sa balitang iyun. "Walang eksaktong lugar pero nandito siya," tugon ni Aquilles. "Paano natin siya makikita kung ganun?" Napaisip ang kakambal niya. "Hindi siya pumipirme sa isang lugar..si Azam ang nag-inporma sakin na nandito si Aquer," anito. "Sana man lang may eksaktong lugar na binigay ang mga alaga niya!" bulalas niya. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa na makita ang kakambal nilang si Aquer. "Ginagawa naman niya ng paraan.." tugon nito. Napabuntong-hininga siya. "Sana matagpuan na natin siya,Aquilles," aniya. Tumango ito. "Sana nga.

