Namamanghang nilibot ni Sabina ang mga paningin sa buong paligid. Napapalibutan ng makukulay na bulaklak ang kinaroroonan nila kung saan sa pagkakataon ito sa labas naman sila nagdaos ng monthsary ng kasintahan si Aquill. "Nagustuhan mo ba ang surprise ko?" nakangiting pukaw sa kanya ng binata. Agad na bumilis ang t***k ng puso niya ng muli masilayan ang napakagwapong mukha ng binata. Hinding-hindi pumapalya ang pagtibok ng puso niya ng ubod ng bilis sa tuwing tinitigan niya ito. "Sobra..ang ganda para ako nasa paraiso," namamangha niyang tugon. Agad na humapit sa beywang niya ang binata at masuyong hinalikan siya labi. "Ang ganda mo sa suot mo,mas lalo ako naiinlove sayo," usal nito sa tapat ng bibig niya. Bigla nag-init ang magkabilang pisngi niya sa pamuri nito. Simple lang naman

