Hating Him - Simula
Simula
Masaya kami. Mahal niya ako at alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Inaalagaan niya ako sa paraan na halos maramdaman kong isa na akong reyna sa aming munting mundo. Napapasaya niya ako, may mga araw nga na sobrang down na down ako at nakasimangot nalang dahil sa pagka-irita sa mga nangyayari sa buhay ko pero nag-e-effort siyang pangitiin ako. Kapag umiiyak ako, siya ang unang yayakap at pupunas ng mga luha ko, ang unang mag-aalay ng balikat at kahit ako ang mali, kahit minsan hindi ako nakarinig ng panghuhusga. Alam ko na sa sarili kong kung may tao mang gusto kong makasama sa mundong ito, kung may forever man, siya na 'yon.
Pero katulad nga ng sabi nila, walang forever. Pagkatapos ng saya ay ang lungkot. Promises are made to be broken. Love is just a word, at marami pang iba dahil ang almost perfect na love story namin, nauwi sa wala. Bigla nalang kasi siyang nawala.
Walang text.
Walang chat.
Walang goodbye.
Walang reason.
Lahat ng pangarap, lahat ng pag-ibig, lahat ng masasayang ala-ala ay parang panaginip lang na paulit-ulit na bumabalik at nagising lang ako kaya siya nawala. Sana nga panaginip nalang ang lahat, sana nga...
Kung iiwan mo lang din pala ako, bakit kailangan pa kitang makilala? Bakit kailangan pa kitang mahalin? Bakit kailangan pang lahat ng masasaya at malulungkot na ala-ala ko ay kasama ka? Bakit kailangan mo akong iwan kung kailan masyado na akong nahulog sa'yo?
"Tulala ka na naman!" sabi ni Aila sa akin. Ngumiti ako at sumandal sa puno kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan kami unang nagkita. Kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa. Kung saan siya nangakong hinding hindi niya ako iiwan at kung saan kami huling nagkita bago siya umalis.
"Tatlong taon na, Aila. Tatlong taon na siyang wala" sabi ko at katulad ng dati ay hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak. Kapag siya ang pinag-uusapan mabilis akong umiyak. Oo nga at tatlong taon na pero tuwing naaalala ko ay parang kahapon lang.
"Tumigil ka na, Yxel! Wala na siya! Iniwan ka na niya! Tanggapin mo na ‘yon at mag-move-on ka na. Ikaw nalang kasi ang nahihirapan. Ikaw nalang ang nasasaktan" humagulgol ako lalo sa sinabi niya. Para itong kutsilyong tumatarak sa akin at ang hirap hirap tanggalin. Siguro kaya ako ganito kasi hanggang ngayon ay hindi ko talaga matanggap. Hindi kaya ng puso at isipan kong tanggapin na wala na nga. Wala ng kami. Wala na siya sa buhay ko.
"Ayokong mag-mukhang masama, Yxel pero kaibigan mo ako at ayokong nakikita kang nagkakaganyan. Pagpapakatanga na ‘yan, eh. Sobra sobra ka ng nasasaktan. Tatlong taon na simula ng umalis siya. Kung mahal ka niya bumalik na siya sa'yo o kung talagang mahal ka niya, bakit ka niya iiwan ng wala man lang pasabi. Ayoko ng nakikitang nagkakaganyan ka!" ayoko siyang kalimutan pero ang sakit sakit na. Ayokong tumigil sa kakahintay sa kaniya pero sobrang sakit na. Sobra sobra na.
"Hindi mapapabalik ng luha mo si Toffer. Hindi na siya babalik, Yxel. Tama na..." niyakap n’ya ako at pinipilit na aluin.
Kaya ko ba talagang kalimutan ka?
Umuwi akong namumugto ang mga mata. Nag-alala nga si Daddy pero hindi ko siya magawang kausapin dahil feeling ko isang salita lang iiyak na naman ako. Iiyak na naman at masasaktan na naman ng dahil sa kaniya.
Umupo ako sa kama ko at tinignan ang buong kwarto ko. Buong kwarto ko na siya lang ang sinisigaw. Bawat sulok nito ay siya ang laman. Lahat ng binigay niya, lahat ng masasayang alaala. Lahat ay siya at siya lang. Wala sa sariling tumayo ako at inalala ang lahat. Ang araw na una niya akong binigyan ng bulaklak, ang unang bagay na binigay niya sa akin, ang unang halik, unang yakap at unang araw na pinaramdam niya sa akin na ako ang pinakaimportanteng tao sa mundo niya at mahal niya ako.
Kagat-labi kong tinatanggal ang mga teddybears sa gilid ng kama ko. Ang mga damit, sapatos at lahat ng mga binigay niya ay isa isa kong tinatanggal sa mga lalagyan. Pagod na pagod na ako. Ang sakit sakit na.
Ibinaba ko ang lahat ng ‘yon at isa isang tinapon.
"Yxel?" napaupo na ako sa damuhan at umiyak ng umiyak. Dinaluhan naman ako ni Daddy habang mahihinang tinatapik ang likuran ko.
"Bakit ba ang sakit sakit? Bakit ba hindi nalang mawala ang sakit! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" sabi ko at humagulgol.
Ang mga plano naming binuo habang magkasama ay paulit ulit kong naaalala. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit.
Sinamahan ako ni Daddy hanggang sa maihatid niya ako sa kwarto. Muli kong tinignan ang kabuuan ng kwarto ko. I felt nothing but emptiness. I felt nothing but pain.
Umupo ako sa kama at tinitigan ang singsing sa aking daliri. Engagement ring daw namin iyon dahil pakakasalan niya ako. Ngumiti ako ng mapakla. Paano niya ako mapapakasalan kung wala naman siya? Kung iniwan niya ako.
Dati ayokong tanggalin ang singsing sa kamay ko dahil ito nalang ang pinanghahawakan ko na babalikan niya pa ako pero ngayon, kailangan na nitong matanggal. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Siguro nga oras na para kalimutan siya.
Unti unti kong tinatanggal ‘yon sabay ng muling pagbagsak ng mga luha ko. Ito na ang huli. Ngayon nalang ako iiyak ulit para sa kaniya. Simula bukas wala na akong kilalang Toffer Sun Dela Marcel. Simula bukas wala ng babyloves at honeyloves. Simula bukas sarili ko nalang ang importante.
Simula bukas, kakalimutan ko ng mahal ko siya.