Chapter XVIII Sinubukang tawagan ang team ko pero kahit isa sa kanila ay walang sumasagot. Ano 'yon? Sabay sabay na sira ang phone? Sabay sabay lowbatt? Ugh! Sinubukan ko ring tawagan si Sam at halos mapamura ako ng pati siya ay hindi sumasagot! D*mn it! Kung kailan kailangan ko sila tsaka pa walang sumasagot! Samigno Ildefonso III! Nasan ka na ba? "Relax! I'm not going to bit you!" tinignan ko siya ng masama bago inirapan at inilayo sa kaniya ang cellphone ko. Ang mahal ng IPhone 'no. Baka mamaya maisipan na naman niyang itapon, sana kung papalitan niya! Tumawag lang ako ng tumawag kahit na walang sumasagot. Hanggang sa ako na ang tuluyang na lowbatt. Ugh! Ano na ang gagawin ko ngayon? Ayaw Kong kasama ang Dela Marcel na ito! Kung bakit ba naman kasi kung sino pa ang gusto mong m

