Hating Him - Chapter V

1569 Words
Chapter V "Alam ko project ‘yon. Alam ko hindi pa dapat ako nababaliw ng ganito pero anong magagawa ko? Nakakainis naman" sinabunutan nito ang buhok habang palakad lakad sa harapan ko. Nalaman kasi niyang lalaki ang kasama ko kanina. Ngumuso ako. Wala naman akong ginagawang masama. Inaya niya akong manood ng sine kanina pero hindi ako pumayag kasi may tatapusin kaming papers ng partner ko. Maghapon kaming magkasama at tinapos namin iyon sa kanila. Ngayon lang ako nakauwi pero imbes na si Dad ay siya ang sobrang galit sa akin.  "Gumawa lang kami ng report paper namin, Toffer" sabi ko pero hindi naman nito napalitan ang anyo ng mukha niya. As much as I want to admire his handsomeness, I have to tame him now. Mahirap magalit ang mga Dela Marcel. Sa mga kwento nga ni Daddy tungkol sa love story nila Tita Kiella at ng iba pa nitong kapatid ay nakakatakot na silang galitin dahil nagwawala daw.  "Dapat sinama mo ako. Dapat nandoon din ako. Gaano kayo kalapit noong gumagawa kayo ng papers? Saan kayo gumawa?" umiling ako at ngumisi.  Hindi ko kasi magawang magsiryoso kapag siya ang kaharap ko. Kahit kasi galit siya, bagong gising, masaya, umiiyak o kung anumang emosyon ay gwapo parin siya. Kahit na hindi siya ganun kaputian ay nakakahila naman ang maganda niyang mata, matangos na ilong at mapulang labi. In short, sobrang gwapo niya sa mga mata ko at dahil don nadi-distract ako.  "What! Sagutin mo ako Yxel! Naiinis na ako. Hindi ka na nga nagsabi na lalabas ka tapos bigla mo akong ngingisihan ng ganiyan!" tuluyan na akong natawa.  Hindi kami close na dalawa noong bata kami. Ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko lang talaga sa kaniya kaya kahit kinukulit niya ako ay hindi ko siya pinapansin. Bata palang naman ako mahilig na ako sa kulay. Gustong gusto kong nakakagawa ng kung ano anong bagay gamit ang crayons, oil pastel, pintura o kung ano pang may kulay hanggang sa ini-enroll ako ni Dad sa isang painting class.  Natuto ako ng maraming bagay doon pero ang pinakagusto kong ginagawa ay ang pintahan ang mga puting damit. Nilalagyan iyon ng disenyo base sa mood ko. Nagpipinta rin naman ako sa canvas, sadyang mas tipo ko lang sa puting damit.  Nasa grade five na ako noon. May art class kami noon at sakto namang painting ang naunang ituro. Pinadala ng teacher namin ang mga gamit namin at masayang masaya kong dinala ang bagong paint and brush na bigay ng Daddy ko kaso sa kalagitnaan ng pagpipinta namin, naghabulan ang ilang magugulong lalaking kaklase ko. Natapon ang tatlong paint ko sa sahig at dahil bukas iyon, ay nalaglag ang laman nito.  Inis na inis ako sa kanila na talagang binulyawan ko pa sila. I even ask them to change everything na nasira nila sa akin pero hindi nila ako pinansin na parang wala lang ang ginawa nila. Wala ang teacher namin noon kaya hindi sila mapapagalitan.  Sa sobrang inis at galit ko ay bumaba ako sa upuan ko at nilublob ang kamay ko sa mga paint na nasa sahig at tinignan sila ng masama. Naka-puti sila dahil iyon ang uniform at dahil walang teacher, walang magagalit sa kanila kaya wala ding magagalit sa akin kung pipintahan ko ang damit nila bilang ganti.  Nagtatakbo sila palabas ng room kaya hinabol ko sila. Nagpakaliwa sila. Mga lalaki sila kaya mabibilis silang tumakbo. Binilisan ko din ang takbo ko at kumaliwa pero may nabangga ako. Nasa harapan ko ang mga kamay ko kaya dumiretso iyon sa damit niya. Imbes na magalit siya ay pinagpaliwanag niya lang ako at tinuluyang pinapintahan sa akin ang T shirt niya.  Pinagalitan nga siya ng nanay Ysa noon sabi ni Daddy pero nagpabili lang daw ng maraming puting T shirt si Toffer at palagi siya nagpupunta sa bahay para ipapinta iyon sa akin.  "YXEL!" kumurap kurap ako at nagkibit balikat.  "Sa living room kami gumawa. Magkaharap kami" sagot ko lang. lalong dumilim ang mukha niya pero bago pa siya magsalita ay inunahan ko na "Umayos ka nga Dela Marcel!" "May gusto ba iyon sa'yo? Liligawan ka ba non?" kakaiba talaga mag-isip ang mga lalaking ito kahit kailan.  "Ano naman kung nanligaw? Sabi ng mga classmates namin mag gusto daw sa akin iyon" nanlaki ang mata niya. Namumula na siya sa galit "Kaso hindi ko siya gusto. Wala kasi siyang asul na mata. Matangos nga ang ilong niya pero sobrang puti niya naman na parang bakla. Hindi din siya six footer at wala siyang abs!"  "Bakit nakita mo ba ang katawan niya para malaman mo na waka siyang abs?" nanlaki ang mata ko.  "Hindi! Ang chubby niya kasi tignan kaya alam kong wala. Umayos ka nga Dela Marcel. Nagseselos ka na naman. Hindi kasi kita pwedeng isama doon. Kapag kasama kita ikaw nalang titignan ko kasi gwapo ka at nakaka-distract ka. Anong matatapos ko non?" nagkibit balikat ako at tinaasan siya ng kilay.  "Hihintayin kita sa baba o kaya sa kotse nalang. Basta nandoon din ako!" umiling ako.  "Hindi pwede iyon. Iisipin ko lang na nandoon ka at hinihintay ako. Mamadaliin ko iyon panigurado at panigurado ding marami ang magiging errors ko non" ngumuso siya at basta nalang umupo sa sahig ng nakasimangot. Ang arte ng loko.  "Ang gwapo mo"  "Babyloves"  "Kapag hindi mo ako pinansin makikipag-date ako kay Gil" mabilis itong humara sa akin.  "And the f*ck is Gil? Hindi ako papayag!" singhal nito.  "Di pinansin mo din ako. Huwag ka na nga mag-selos. Ipagbe-bake nalang kita para lumamig iyang ulo mo" sunamaan niya lang ako ng tingin. Na-realize niya sigurong ginamit ko lang iyon para pansinin niya ako.  Tumayo siya at hinila ko siya papuntang kusina. Gustong gusto niya ang mga sweet foods kaya pinag-aralan kong mag-bake at kung ano ano pang may kinalaman sa paggawa ng mga sweets.  "Yxel" bulong niya habang pinag-mimix ko ang mga ingredients sa paggawa ng cupcake.  "Hmmm?"  "Love you" nilingon ko siya. Siryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.  "Love you, Toffer Sun. Huwag ka na magselos a? Ikaw lang love ko. Ikaw lang gwapo sa mata ko. Ikaw ang crush, ang best friend at ang like ko. Ikaw lang. Hmmm?" tumango ito at ngumiti na "Hi!" halos mapagalon ako ng biglang may magsalita at humarang sa harapan ko. Ngumiti ito at ginalaw pa ang mga daliri ng kaliwang kamay.  "Hello" sagot ko bago siya nilagpasan. Anong ginagawa ng Dela Marcel na iyan dito sa harapan ng bahay namin? Ang kapal niyang pumunta dito pagkatapos ng nangyari kina Aila. Dahil sa pag-iwan niya ay ako pa ang napagsabihan ng mga kaibigan namin.  "May pupuntahan ka? Pwede ba akong sumama?" kunot noo ko siyang tinignan.  "Anong kailangan mo Toffer?" nagkibit balikat lang ito at ngumiti sa akin. Heto na naman siya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa ngiti niya. Gustong gusto ko iyong burahin sa pisngi niya.  "Hmmm?" tumingin ito sa akin- hindi, tumitig ang tamang salita. "Tsk, sasama lang ako. Wala akong magawa" kibit balikat niyang sagot.  "Huwag ako ang samahan mo" sabi ko at dumiretso sa kotse ko. Hindi ko pa man nasasarado ang pintong pinasukan ko ay pumasok na siya sa passenger's seat. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko at tinignan siya ng masama.  "Toffer, wala ako sa mood. Bumaba ka na kasi susunduin ko pa si Sam" umiling ito at sinuot ang seatbelt tsaka sumandal sa upuan.  "Sama ako" tinaasan ko siya ng kilay. "Sige na, Yxel. Hindi ako manggugulo" sasagutin ko pa sana siya pero tumunog ang phone ko at si Sam ang nakarehistro kaya agad kong sinagot. "Nasaan ka na? Wala akong Philippine money, Yxel. Please sabihin mong papunta ka na!" sinamaan ko ng tingin si Toffer.  "Papunta na ako. Wait lang, kay?"  "Wala akong choice!" pagsusungit nito bago namatah ang kabilang linya. Hinarap ko si Toffer.  "Labas na. Nagmamadali ako" nagbabantang sabi ko pero hindi parin siya umalis. Prenteng umupo ito at sumandal. Ugh! Nakakainis! "Fine! Huwag ka lang talagang manggugulo!" pinaandar ko ang kotse. Kung hindi ako nagkakamali ay twenty minutes to thirty ang biyahe papuntang airport. Nadelay pa ako dahil sa pesteng Dela Marcel na ito.  "Anong work mo?" tanong niya habang bumabiyahe kami.  "Designer. Interior designer" simpleng sagot ko. Wala ako sa mood kausapin siya kaya iyon lang ang sinagot ko ngunit mukhang hindi niya nakuha na ayaw kong makipag-usap sa kaniya.  "Do you still paint?" umiling ako bilang sagot.  "Why? Magaling ka namang mag-paint. Isn't it that you dreamed to become a famous painter?" hindi ko sinagot ang tanong niya. Nanatili sa kalsada ang mata ko kahit na ramdam kong nakatingin siya sa akin.  Iyon ang pangarap ko. Iyon ang gusto ko para sa sarili ko pero simula ng iwan niya ako ay hindi na ako nakapagpintang muli. Tuwing sinusubukan ko ay naaalala ko iyong memories namin kapag pinipintahan ko ang mga white shirts niya. Noong una siguro masaya ako dahil doon pero ng maglaon ay hindi na dahil paano ko siha makakalimutan kung paulit ulit ko siyang maaalala?  I need to choose between painting and moving on and I choose the latter. Mababaw na dahilan para iwan ang bagay na mahal na mahal ko pero kung ito ang pinakanakakapagpaalala sa akin  ng nakaraan, mas pipiliin kong bitawan ito at mag-bagong buhay.  "A dream isn't a dream if you're not happy" iyong lang ang nasabi ko bago pinarada ang sasakyan at lumabas. Mabilis siyang sumunod pero tikom na ang bibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD