Chapter XXI Inuwi niya ako sa unit niya, hindi na ako nagreklamo pa dahil wala naman talaga akong pupuntahan. Ayaw kong umuwi. Ayoko din kay Sam, kay Li o sa kung sino pa man. Napakahirap talagang magtiwala. Trusting someone is giving them the authority to break you and loving them is giving them the authority to destroy you. Umupo ako sa pangisahang sofa at itinaas ang dalawang paa ko bago pinatong sa nakatiklop kong tuhod ang paa ko. This unit reminds me of how we used to be. It reminds me of us. Yes... us. "This is yours?" taas kilay kong tanong. "Nope. This is ours. Bigay ni Dad. Meron din si Kris, sa kabilang unit" Lahat ng parte ng unit na ito, may bahid ng kung ano kami noon. 'Yong kami na sinira ng takot ni Dad. Of all people, si Dad pa talaga. Si Dad na nakakita ng lahat

