bc

Pulis Matulis

book_age16+
853
FOLLOW
4.0K
READ
drama
comedy
sweet
bisexual
humorous
witty
captain
realistic earth
crime
like
intro-logo
Blurb

Sa probinsya ng Isabela, makikila natin si Jadie. Isang pulis at dalawampu't dalawang taong gulang.

Si Jadie ay isang matalino at maunawaing klase ng tao (medyo may kakatian lang ang dila), kaya naman ay matagumpay niyang naipasa ang kanilang licensure exam. Ngunit, limid sa kaalaman nito ang kaniyang tunay na pagkatao.

Dahil sa likas na pumapabor sa kaniya ang tadhana, nakatanggap siya ng magandang opurtunidad sa kalakhang Maynila. Sa parteng ito makikilala niya ang dalawang lalaki na siyang huhubog sa katotohanang magbubunga ng isang supling.

Posible nga bang mag dalang tao ang isang lalaki? O, isa lamang itong malikot na paniniwala at pag-aaral sa siyensya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Voune Jadie Argiel
Jadie’s POV "Jadie! Bumangonen, agbittak to diyay sara ti nuwangen!" (“Jadie! Bangon na, puputok na ‘yung sungay ng kalabaw!”) Rinig ko ang malakas na sigaw ni mama mula sa pinto ng kwarto. ‘Di ko tuloy mapigilang takpan ang aking tenga dahil sa nakakairitang boses niya sa maganda kong umaga. Siya si Dievine Monte Argiel, ang mama ko. Dakilang chismosa po ‘yan pero mabait at mapag-aruga siyang ina may kaunting pagkaistrikto nga lang kung minsan. Kahit naman gano’n ay mahal na mahal ko siya, nanay ko pa rin siya ano? 'Hayst! Sira na naman ang araw ko,' buntong hininga ko namang sambit sa isip ko. "Mmm...ano ba ‘yan ‘Ma, ang aga-aga dada kayo nang dada." Reklamo ko dito sabay talukbong ng makapal kong kumot. "Tanghali na! Mag-a-alas nuwebe na ng umaga. Sige ka, maubusan ka ng ticket papuntang Manila!" Bulyaw nito nang may pagbabanta. Napabangon ako bigla dahil sa narinig ko at mabilis na tiningnan ‘yung alarm clock ko. Kung bakit hindi kasi tumunog eh, naka-set kaya ito ng alas singko ng umaga? "Ay oo nga pala, wala pala itong battery." Napapakamot pa ako sa batok habang nakatingin sa nakapamaywang kong ina. "Anong tinitingin-tingin mo d’yan? Kilos na, aysus maryosep kang bata ka." Napapahawak sa sintidong saad niya at napapailing. "Ito na ‘Ma, kikilos na po." Mabilis kong sambit at dagliang kinuha ang aking twalya sabay pasok sa banyo. Tumalikod naman na ito at tumungo na pababa sa kusina. "Oh siya at ipaghahanda kita ng almusa,l" rinig kong sabi niyo habang nasa loob ako ng banyo. Binilisan ko ang pagligo dahil alam kong wala na akong maaabutang ticket. Nagbuhos lang ako ng tubig, brush, sabon, shampoo at nagbanlaw. Boom! Tapos ang ligong pang gwapo. 'Okay na ‘yan.' Saad ko isip ko habang nakatingin sa salamin, gwapo pa rin naman ako kaunti lang ang ligo. Nagsuot lang ako ng simpleng blue polo shirt, sa pangbaba naman ay black denim jeans na tinernuhan ko ng favorite ko ng blue and white nike shoes. Bago ako bumaba ng kusina, inabot ko muna yung hawk bag ko, dala ang sobrero at ibang mahahalagang bagay na aking kakailanganin. Pagkababa ko ng kusina, naabutan ko si Mama na naghahanda ng almusal, pero kumuha na lang ako ng tinapay at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Kung kakain pa kasi ako ay baka mas lalo lang akong matatagalan. Kilala ko si Mama pagdating sa almusal, dapat lagi kang busong yung tipong ‘di ka na makatayo. "Bye ‘Ma, I love you!" Pagpapaalam ko nang makalabas ako ng gate with matching flying kiss pa. Nakita ko naman itong kumuha ng tsinelas, na parang hahabol lang ng batang kaniyang papaluin. Si Mama talaga… "Ikaw na bata ka! Mag-iingat sa daan," pasigaw ngunit may lambing nitong sabi at saka sinapo ang flying kiss ko sabay tapat sa kaniyang pwet. Ew...yuck, hahaha. Napatakbo ako papuntang highway upang pumara ng tricycle nang may mapadaang babaeng oh so sexy. Ayan uhaw na naman ako sa babae. “Wit...wew…” Sipol kong ganyan. Palibhasa ayaw nila sa 'kin eh, mas mukha pa daw akong dalagita kaysa sa kanila. Sabi pa nga ng ibang babaeng kakilala ko d’yan ay nakakalalaki daw ako. Napapakamot na lang ako palagi sa ulo ko kapag tinatawag nila akong chix. Hays, straight boy ako ‘no? Ilang sandali pa akong nag-antay, mabuti na lang dahil may dumating rin kaagad. Pasakay na sana ako nang may biglang tumabig sa 'kin at naunahan akong makaupo sa likod ng driver, pesteng ‘yan. 'Kung sinuswerte nga naman talaga oh!' Inis kong turan sa aking isip habang matalim na nakatitig sa papalayong tricycle. "Hoy! Bumalik kayo dito! Anak ng nanay niya." Sigaw ko sa mga ito ngunit malayo na ang sila sa ‘kin. Wala na akong nagawa pa at minabuting umuwi na lang ng bahay. Kinuha ko ‘yung selpon ko mula sa aking bulsa upang tignan ang oras, alas dyes na pala ng umaga. 'Nako! Ano na naman kayang ipapalusot ko kay Mama, tsk.' Isip-isip kong saad at tinahak na ang daan pauwi. Nagsuot ako ng sumbrero dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw, ‘di rin naman nagtagal ay nakarating rin ako. Binuksan ko yung gate at tinungo na ang pinto habang nag-iisip ng aking ipapalusot. Pagkabukas ko naman nagulat ako dahil tumambad sa 'kin sina Mama at Papa, bitbit ang isang kahon ng red ribbon chocolate cake. "Tsaran! Surprise!" Abot langit ang ngiting bati ng mga magulang ko sa ‘kin sabay bigay ng bus ticket, na kinuha ko na pala kahapon. 'Si mama talaga, kung hindi ko lang nanay 'to huhuliin ko talaga eh.' Inis kong asik sa aking isipan. "Ma! Pinagod niyo lang ako eh. May pa, ‘bittak diyay sara ti nuwang' pa kayong nalalaman." Inis pero napapangiti kong singhal dito. "Iyan ang palagi naming sinasabi sayo ng mama mo anak, 'wag agad magpapauto o magtitiwala sa iba. Tandaan mo, pulis ka at kinakailangang on time kang mag-isip." Payong kabulastugan ni Papa. Hehe, joke lang. Siya si Jano Argiel, ang masipag at mapagmahal kong Papa. Ang kakampi ko kapag nagkakasagutan kami ni Mama at ultimate fan ko, s***h my Victor Magtanggol pero binabawi ko na iba kinampihan, eh. "Si Mama kasi ‘Pa eh, alam niyo namang batas siya dito sa bahay." Pagdadahilan ko pa pero ang totoo uto-uto ako, ay este dinaan ako sa expertise niya. Hahaha… Agad rin naman nila akong niyakap. Masayang kaming nag-celebrate ng padispidida ko, kasama ng mga kamag-anak at mga kapitbahay namin. Bukas kasi ay aalis na ako patungong siyudad upang mag-training at ganap na maging pulis. ----- 'Argiel, Voune Jadie, Monte. c*m Laude!' Naalala ko pa noong graduation ko, kung paano tawagin ang aking pangalan habang masaya kaming paakyat ni Mama sa stage. Sobrang saya ko no’n dahil sa dami ng natanggap kong awards, nakasabit na ang mga ‘yon dito sa may dingding ng aking kwarto, alay ko sa mga magulang ko ang mga iyon. Nandito ako ngayon sa aking silid at tahimik na tinitingnan ang mga nakuha kong parangal habang nag-iimpake ng mga gamit, na dadalhin ko sa patungong siyudad. Isang taon taon narin mula nang magtapos ako ng kolehiyo at makapasa sa board exam, ay nakatanggap ako ng magandang opurtunidad upang makapag-ensayo bilang tagapag-alagad ng batas. Sa wakas ay matutulungan ko na rin ang aking mga magulang sa paghahanap-buhay. Mabibigyan ko na rin sila ng maganda at malaking bahay, magarang sasakyan na matagal na nilang inaasam-asam. Sa katunayan, hindi naman kami gano'n kahirap, may sarili rin naman kaming bahay at lupa dito sa probinsya pati na rin yung isang ektaryang sinasaka bukid na sinasaka ni Papa. Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay dito sa Isabela at isa ang aking ama sa mga magsasaka dito, na hindi ko kailan man ikakahiya. Si Mama naman ay house wife, pero kahit gano’n pa man binubusog niya kami sa mga napakasarap niyang luto. Parehas nang may edad ang mga magulang ko, si Papa ay 52 na habang 49 naman si Mama, kung kaya't ayoko na sana sila pang magtrabaho para sa 'kin. Gusto kong ako naman ang kumita para sa aming tatlo. Sadyang hindi lang ako nakukontento sa ano mang meron kami ngayon. Human has no satisfaction, ika nga diba? Ikaw, kontento ka na ba sa kanilang dalawa? Tsss...tama nga, haha. "Anak, handa ka na ba?" Bigla namang sulpot ni papa sa aking likuran, na siyang ikinagulat ko. "Ay! Natangken nga ilokano!" (Ay! Tigasing ilokano!) Napapalundag ko pang sigaw sa gulat. "Anya metten ‘Pa! Patayin dak sa iti kigtot?" (Ano ba yan ‘Pa! Papatayin niyo ba ako sa gulat?) Sigaw kong ganyan sabay hawak sa dibdib ko. Wala naman itong nagging reaksyon at nag-umpisa ng buhatin ang mga gamit ko pababa. "Hehe, sorry anak excited lang kasi ang Papa para sayo." Out of nowhere niyang sagot at saka nag-peace sign sa 'kin. Ganyan sila ni Mama, ‘di daw kasi uso sa kanila ang pagtanda kaya ‘yan. 'Aba! Ang matanda, gusto pala talaga akong umalis. Hmm...wala kang pasalubong sa 'kin kapag umuwi ulit ako dito.' Isip-isip ko pang pagkausap sa kaniya at tinungo na rin ang daan patungong ibaba. Marami akong mami-miss dito sa bahay lalo na 'tong kwarto ko, kung saan malaya akong gawin lahat ng gusto ko. Hmmm...alam niyo na 'yon, naniniwala kasi akong there's no place like home. Pati na ang mababait at mapagmahal ngunit may saltik kong mga magulang, joke lang. Sadyang masayahin at makukulit lang talaga sila, na namana ko ‘ata. Hahaha… Isinakay ko na sa tricycle ‘yung mga gamit ko at sumakay na kasama sina Mama at Papa dahil sasamhan daw nila ako hanggang sa terminal. Ay teka! Nasabi ko na bang may tricycle Rin kami? Oh ayan, para sa kaalaman po ng buong kalawakan ay meron po. Ginagamit po ‘yon ni Papa bilang service papuntang bukid, maging sa pamamasada. Nagkataon lang na nauto ako ni mama kaya hindi ko na naisip pa 'yon kahapon. Agad na rin naman kaming umalis ng bahay at tumungo na sa bus terminal upang ihatid ako sa aking huling hantungan, biro lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
393.8K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.5K
bc

OSCAR

read
248.7K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.9K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook