Chapter 4: Babae

1151 Words
Jadie’s POV Alas onse na nang umaga nang makarating ako sa camp Krame, kung saan kami pansamantalang titira upang mag-training. Ang masama pa, ‘yung kausap kong unggoy kanina, kilala niyo pa ‘yon? Oo, ‘yun nga at isa pala siya sa maga magising kasamahan ko. 'Jus meo marimar!’ Saad ko pang ganyan sa isip ko. Crush ko kasi si Jessie Mendiola eh, hehe. Basta makitawa na lang kayo. Kasaluyan akong naglilipit ng gamit ko ngayon dito sa may closet ng may biglang pumasok dito sa... Sa?... Ewan ko kung matatawag ba itong kwarto sa kahabaan, parang hall way nga eh, may mga kama nga lang. "Ikaw?!” Gulat kong sigaw nang makita ang nakakaasar niyang pagmumukha. Ang sarap durugin… “Ikaw?!" Grabe, ah? Pagalit ‘yung kaniya eh. Sumbong nga kita sa Mama ko. Napatayo na lang ako nang nakapamaywang habang nagtatalo ang aming mga mata. Binigyan ko nalang ito ng, 'Ikaw ah, hindi pa tayo tapos look!’ Sakto namang tapos na ako sa ginagawa ko, kaya naman at lumabas na 'ko ng silid na bago ko pa mapektusan ‘tong halimaw na 'to. Kita ko pa siyang’ napangisi bago ako tuluyang makalabas. 'May lahi atang aso ang gago, sunod nang sunod eh.' Inis kong sambit sa isip ko. Dahil mukhang siya naman ang magiging kontrabida sa buhay ko, why not coconut na ako rin ang maging ahas sa buhay niya? Haha! Ang lakas makakontrabida nang salitang 'ahas', ah? ANG WAYLD! Natatawa pa akong naglalakad pababa ng hagdan, habang iniisip ko ‘yung mga gagawin ko kung sakali mang siya talaga ang sinasabi nilang 'daga ng buhay ko'. Pagkalabas ko ng dorm namin. Ayun, dorm pala ang tawag doon, haha! Sabi ko na eh. Teka nga, bakit ‘di ko kasi sinabi? Maraming nang cadet ang nagsasanay sa malawak na field dito sa may likod ng dorm namin. Malawak ang lugar na 'to, pagkapasok mo pa lang bubungad na agad sayo ang field, at ang mga sako na may lamang lupa. Siguro ay ginagamit ‘yon sa training. Marami ring mga punong kahoy dito pero sa mga gilid lang at ‘yung apat na palapag na magsisilbing tirahan ng mga nagsasanay. Ang ganda lang pagmasdan ng mga cadet dahil sa sabay-sabay nilang paggalaw. Syempre, sasabak din ako d’yan, kaya mas mabuting pag-aralan ko na ang mga ito. "Pasulong 'kad! Kaliwa, kanan, kaliwa, kana, kaliwa, kanan, kaliwa!" Rinig na rinig sa buong lugar ang malalalim nilang boses. Ang astig naman n’on! Sana kasi, ganyan rin ang boses ko. Mula sa kaninang ‘di maipintang ekspresyon ng aking mukha ay napalitan ito ng pagkamangha at pagkadeterminado dahil sa aking napapanood. Walang kahit anong reklamong maririnig kahit na tirik na tirik ang sikat ng araw. Patuloy pa rin sila sa pag-eensayo upang maging pormal na alagad ng batas. Pero inshort talaga ay nakakaitim siya. Yay! 'Naku, sayang gluta, ah?' Sambit ko pa sa aking isip habang napapatingin sa aking kutis. "Bilang hakbang…na!" Utos ng captain at nag-umpisa na silang magbilang habang nag-mamartsa sa gitna ng field. Iisa lang ang tindig ng lahat sa isang battalion, maging ang kanilang kapitan, bilang tagapagbigay utos. Abala ako sa panonood nang maalala ko ‘yung handbook na binigay nila para sa training, kung kaya't dali-dali akong bumalik sa dorm upang kunin ito. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating ko rin ito. Hingal na hingal pa ako nang makatapat ako ang aming silid. Ikaw ba naman kasing magtatakbo hanggang sa ika-apat na palapag? Teka, sino ba kasi nagsabing tumakbo ako? Wala pa namang tao dahil mamaya pa daw dadating ‘yung mga iba pa naming kasamahan ni unggoy. Binuklat at binasa ko naman ‘yung mga drill commands sa libroat sinubukan kong gawin ang mga ito. "Humanda!" Sigaw ko na parang baliw. Nag-iisa lang naman ako dito, feeling may kasama lang kasi ako. Tumindig naman ako at ginaya ‘yung demo picture sa libro. "Harap sa kanan, rap!" Utos ko sa aking sarili, na agad ko namang ginawa. Uto-uto ang epek ko dito! 'Kung may nakakakita lang talaga sa 'kin dito, iisipin talaga nilang baliw ako,' natatawa ko pang isipin habang isinasagawa ang mga nasa libro. Dahil pakiramdam ko naman ay safe na ako dito mula sa mga putang invaders, ipinagpatuloy ko lang ang pag-eensayo na kunwa-kunwari lang. Hindi na bale dahil enhoy naman, at least dito ay mas i-improve ang abilidad ko. Malay mo lang may promotion rin dito? Para naman matakasan ko ‘yung itim na awrang nararamdaman ko doon sa unggoy na mukhang aso, na hindi ko alam kung ano? At dahil sa enjoy na enjoy na ako sa kaka-self drill dito sa silid ay nakalimutan ko na pa lang isara ‘yung pinto. Abala ako sa pang-gagaya ng mga hand and body positions na nasa libro, nang may biglang tumawa sa aking likuran. "Whahahaha... Anong ginagawa mo?" Biglang singit nang isang baritono at pamilyar na boses, sabay tawa pa nang nakakainis. Bigla naman akong natigilan sa aking ginagawa at parang isinemento ang katawan sa kinalalagyan ko dahil hindi ako makagalaw. Unti-unti ko itong nilingon mula sa aking likuran, habang nakapikit. Ayoko siyang tingnan at baka mababato ko lang siya nang kung anong mahahawakan ko. Gano'n na lang ako nilamon ng kahihiyan nang makita ko kung sino ito, pagkamulat ng mata. Sa totoo lang kahit ganito ang nararamdaman ko ngayon ay inis na inis talaga ako sa kaniya eh. Parang pilit na pilit pa siyang tumawa, over acting ang gago. Bwiset na ‘yan! ‘Wag na ‘wag lang siya ng lalapit dahil sasakalin ko siya! 'Huli ka balbon, Jadie! ‘Yung unggoy ang nakakita sayo!' Isip-isip ko habang nalalaki ang mga mata. Parang may pa-background music pa na dumadagundong sa pandinig ko. Teatro ba ‘to? "A-Ah? Hehe... Nag-eensayo?" Pinilit kong magkunwaring hindi ako naapektuhan sa ginawa niya pero mas malala lang ‘yung nangyari. I’m not a good actor, okay? Hahahaha… Bigla namang nagtatawa ulit ito ng malakas dahil sa ginawa ko. Napakunot na lang ang noo ko sa ‘di malamang dahilan. Ang lakas ng topak nito, ah? Sobrang babaw naman ‘ata ng skaligayahn mo, boy? "A-Anong namang nakakatawa doon?" Mayabang kong tanong dito pero nautal pa rin ako. Jusko naman, my nerves! Nagpatuloy lang naman ito sa kakatawa at humawak pa sa pinto. Saan kaya humuhugot ng tawa ang gagong ‘to? Ang lalim kasi eh, parang balon! Kay sarap hilain at ilabas ang lalamunan! Nanggigigil ako… 'Kabagin ka sana d’yan…' Pagsusumpa ko pa sa isip ko nang tingnan ko muli ito sa kaniyang ginagawang pagtawa. Ang saya-saya naman, oh? Tila nag-usok naman ang aking ilong at tenga sa inis ng marinig ko ang sinabi niya. Siya na nga talaga ‘yon! Ang dagang sisira sa buhay kong pagkaganda-ganda! "Para ka kasing babae kung gumalaw eh, WHAHAHAHA!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD