Jadie's POV Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang mga pangyayaring 'yon. Nandito ako ngayon sa may malapit na parke mula sa apartment namin dahil naiisipan kong magpahangin at lumabas na rin sa nakakaburyong kwarto ko. Ikinukulong kasi nila ako doon ang I don’t like it dahil hindi naman na ako bata at mas lalong hindi ako presyo. At saka ang boring, kaya nandito ako ngayon at gumagala. Bahala na lang kung kwestyunin na naman nila ako mamaya. Alas tres na nang hapon at marami ng mga batang masayang naghahabulan at naglalaro sa paligid. Kahit tirik pa ang araw ay hindi mararamdaman ang init nito sapagkat maraming mga puno na nakapalibot sa buong lugar. Malamig rin ang simoy ng hangin dahil nga ber months na at ilang buwan na lang din ay pasko na. Sabi nga ni Mareng Mel, “52 days na la

