Jadie's POV
Malamig at maraming puno dito sa Tagaytay. Mataas sa parteng ito kung kaya't malamig ang simoy ng hangin. Pasado alas sais y media na nang makarating kami dito kanina at kaagad na kaming bumaba at doon ini-annouce kung sino ang magkasama sa isang tent dahil dalawa lang ang kakasya dito.
Kasaluyan kaming nagpapatayo ngayon ng mga matutulugan, kasama 'tong dakila kong partner. Sa dinami-dami pa naman kasing kasamahan namin, siya pa ang makakasama ko. No’ng nagsaboy ang diyos nang kaswertehan ay tulog siguro ako kaya hindi ako nakasapo. Nakakagigil naman!
Hindi na lang ako umiimik habang tinutulungan siyang itayo 'tong tent namin. Madilim na rin kasi, kaya kailangan na naming bilisan para matapos na. Sobrang dami pa namang lamok dito. Wala pa naman akong off lotion, baka ma-dengue ang lolo niyong matcho gwapito. Hindi na bali at mukhang takot naman ‘yung mga lamok sa pagmumukha nitong kasama ko, hahaha. Laugh trip! Para lang siyang katol!
Bago kami tawagin para sa hapunan ay natapos na naming itayo ang aming mga tent. Tinulungan pa nga namin sina Sara at Leo dahil hindi daw nila alam ayusin ito. Mga bopols din pala ang dalawang ‘to, hindi sila maparaan.
'Mukha naman kasi silang sinaunang tao eh,' asik ko sa isip ko. Oh, hindi mo na-gets? Bahala ka d’yan!
Lagpas alas otso naman na nang matapos kaming kumain, in-inform na rin nila kami na tatlong araw daw kaming mananatili dito, ‘yung araw na kadalasang ginaganap ang camping. Sana lang ay mag-enjoy ang lahat sa pananatili namin dito dahil enjoy na enjoy na ako. First time kong makapunta sa lugar na ‘to, kaya susulitin ko na. At sana lang ulit ay walang kokontra!
Masasabi kong ipinansadya talaga itong lugar na kinaroroonan namin, na gawing camping site. Meron kasing malawak na field dito sa paanan ng bundok at mas malawak pa ‘to sa field namin doon sa kampo. Sa tingin ko ay triple ang sukat nito kaysa doon. May mga gamit rin dito para sa team building, gaya ng mga nakapatong na sako ng buhangin, mga lubid at poste. Nakaka-excite tuloy! Ano kayang ganap bukas?
'Sana naman ay wala nang kabwisitan,' sa isip ko at tumingin sa gagong si Gian. Tingnan mo ‘to proud na proud sa gakaguhan niya dahil kumaway pa talaga sa akin. Nanggigigil na ako! Kapag hindi talaga ko nakapagtimpi, babasagin ko mukha nito!
Gumawa rin kami ng bonfire upang magsilbi naming ilaw, wala kasing suplay ng kuryente dito eh. Malamang wala, alangan namang meron sa kabundukan! Sa totoo lang ay naiinis ako, lowbat pa naman ‘yung selpon ko. Nakalimutan kong mag-charge kanina bago kami pumunta dito. At saka, as if din namang may signal eh, bundok dito at maraming puno.
Ilang sandali pa ay nagsipasukan na sa kani-kanilang tent ang mga kasamahn ko. Gusto ko na rin sanang matulog dahil pagod ako sa byahe pero pinili kong magpaiwan dito sa labas. Parang tanga lang, ‘no? Biro lang! May sapat naman akong rason upang manatili muna dito.
Ang sarap kasing pagmasdan ng mga bituin ngayong gabi, ‘tapos ang liwanag pa nang buwan ngayon. Kasing liwanag ng mukha ni Leo the espasol. Joke lang ! Syempre ay kasing liwanag ng mukha ko. Oh, 'wag kayong umagal, istorya ko ‘to at saka wala naman talaga akong pimples. Hindi katulad mo at alam kong inggit ka lang! Sabi nga ni Charo, ikaw ang bida sa kwento ng iyong buhay. Naks, artistangartista, hahaha.
'Malamang! Sige nga, try mong maging kontrabida sa buhay mo? Mag-double character ka. Go!' sabat ng genius kong utak. Hay naku, mana ka talaga sa 'kin. Nice one!
Patuloy lang akong nakipagbangayan sa sarili ko nang may bigla umupo sa tabi ko. Napaurong naman ako ng kaunti nang makita ko ang mukha nito. Naalala ko na naman tuloy ‘yung nangyari sa office. Parang kinabahan rin ako bigla.
'Lakas ng trip, Sir Aldon?'
"Bakit gising ka pa?" mahinang tanong niya pagkaupo sa habang nakatingala sa kalangitan, “Ang ganda ng mga bituin, ‘no?” dagdag pa niya.
'Twinkle, twinkle little star, how I wonder what you are. Up above the world so high. Like a diamond in the sky,' kanta ko sa isip ko, hahaha! Naalala ko rin tuloy si Mama, favorite song niya yun. Lagi niya ngang kinakanta ‘yon no’ng bata ako eh, ‘tapos gustong gusto ko naman. Ang cute niya kaya habang kinakanta ‘yon, parang siya lang si starla, haha.
Nakaputing sando at short lang ito ngayon. Ang simple niyang tingnan, hindi mo siya kakikitaan nang spoiled na ugali ng mga mayayaman. In ,short marunong siyang makibagay sa iba. Kung babae lang ako, ‘yung mga tipo niya ang mga gugustuhin ko. Kung lang, ah? Masyado kayong malisyoso sa pag-iisip.
Nilingon ko lang naman ito at ngumiti ng tipid. Ayoko kasing magsalita, naiilang pa rin kasi ako sa kaniya eh. At saka malay mo may sekswal na pagnanasa pala ‘to sa 'kin? Ayoko pang mamatay ng maaga, s**t! Help... Help me, please! Parang biglang ayoko na dito!
Abala ako sa pagkilatis sa kaniya nang makuha ang atensiyon ko ng isang bagay na nakausot sa kaniya. Ang ganda ng kwintas niya, ah? Samantalang ako, ‘yung anting-anting lang na ngipin pa ng asa. Pero 'wag ka, effective kaya ‘to. Ewan ko lang kung gagamitin mo ito bilang panangga sa mga aso kapag nagbabanta silang mangagat, ngipin kasi ‘to ng kalahi nila eh.
"Fiore Empire?" basa ko sa naka-engrave sa may kwintas niya, sa mahinang tono. Pero parang lang siyang aso, ang lakas ng pandinig. Jusko! Matatakot na ba ako?
Lumingon naman ito sa 'kin at hinawakan ang kaniyang kwintas.
"Yes, you're right. Fiore Empire ang exclusive name ng company namin. May problema ka ba doon, Jadie?" mahinanong tanong nito na sinagot ko lang ng pag-iling.
Ber months na kasi ngayon at nag-uumpisa na ring magbago ang constellation, kaya napakarami na ng mga bituin sa langit. Napapadalas na rin ang pag-ulan, kaya kung minsan ay putik-putik pa kami sa field habang nasa kalagitnaan ng training. Ang hirap pa naman maglaba kapag sabong panligo ang gamit mo. Hayst… Dapat kasi ay tide.
SHHHKKK! ‘Gulat ka ‘no?’
"Hindi nga ako nagkamaling mayaman kayo, Sir," sagot ko habang parehas kaming nakatingala sa itaas.
"Hindi ako mayaman, Jadie, ang mga magulang ko lang. But they have the power to control everything kapalit ng pera," saad nito at bumuntong-hininga.
Ramdam kong may mabigat siyang dinadala na siyang dahilan upang tapikin ko ito sa balikat. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kailangan niya itong ilabas at palayain. Hindi ko rin alam kung bakit ako lumambot ng ganito nang marinig ko ‘yon sa kaniya.
Bahagya lang naman itong lumingon sa 'kin at pilit na ngumiti bago ibaling ulit ang tingin sa mga bituin sa kalangitan.
"Alam mo, labis kong pinapangarap na magkaroonng masaya at tahimik na pamilya pero wala eh," saglit itong tumigil, "Bata pa lang ako, hawak na 'ko sa leeg ng mga magulang ko. Lahat kasi ng gusto nila ay ‘yon ang masusunod. Ultimo kaibigan at taong mamahalin ko ay sila ang pumipili. Kaya no’ng magkaisip ako ay natuto akong magdesisyon pa sa sarili ko at ito na 'ko, pulis na, kahit hindi nila ito gusto para sa akin hanggang ngayon. Naaawa rin tuloy ako sa kapatid kong bunso dahil sa sitwasyon niya," mahabang lintanya pa nito. Kita ko naman ang nagpunas n iya ng luha gamit ang likod ng kaniyang kamay.
Hinagod ko lang naman ang likod niya upang iparamdam na nandito ako. Sa kabila pala ng sobrang cheerful na mukha ni Sir Aldon ay gano'n naman kalungkot ang tinatago nito sa likod ng kaniyang mga masasayang ngiti. Hindi ko man maramdaman ‘yung bigat ng loob niya, pero nandito ako, handang dumamay para kahit kaunti ay mapagaan ko man lang ang dinadala niya.
"Kung sa tingin mo ay mag-isa lang akong anak, nagkakamali ka, Jadie. Tatlo kami at pangalawa ako. ‘Yung panganay namin ay babae, kaso wala na siya. She died dahil nag-suicide siya, knowing na ipapakasal siya ni Dad sa anak ng business partner niya at hindi niya naman ito mahal. Doon na rin nagsimulang mawasak ng pamilya namin. After my sister’s death, sumunod naman ang mommy ko dahil matagal na pala siyang niloloko ni Dad. Inatake ito sa puso na siyang sanhi ng kamatayan niya. Lumayas ako noon sa bahay pagkatapos mailibing ang ina ko and my little brother, naiwan siya kay Dad that time at hanggang ngayon. Ang galing nga niya eh, natiis niya ‘yung makasarili naming ama, kaya 'yon, CEO na siya ng company namin," nababasag na ang boses nitong pagpapatuloy. Ewan ko ba pero nadala na rin ako sa kaniya. Mana talaga ako kay mama, iyakin. Hay naku… Bakit ba kasi ang traydor ng mga luha?
Sabi nila, a real man never cries, pero hindi ‘yon totoo. Sinong nagsabi doon at tutuklapan ko ng bibig! Hindi naman kasi nasusukat ang pagkatao sa pamamagitan lang ng pag-iyak, bagkus ay kung ano ang nararamdaman at tinitibok ng puso mo.
Hindi naman nakakababa ng dignidad kapag umiyak ang isang lalaki.Maganda nga 'yon eh, kasi nailalabas niya ‘yung bigat ng dinadala niya. Usually kasi ay kinikimkim lang nang iba d’yan, agpakalaing gamin (nagmamagaling kasi). Mga tukmol! Ang hirap kayang mamatay nang may sama ng loob, kaya nga- Ewan ko sainyo! Ano ba kasing pakialam ko sa mga buhay niyo?
May kung ano sa sarili ko, kung bakit kahit naiinis ako sa kaniya sa ginawa niya aymagaan pa rin ang loob ko. Hindi ko na rin namalayan pa at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko naman masasabing pagmamahal pero gusto ko siyang damayan.
'Mga kereng!‘Wag kayong mag-isip nang kung anu-ano. Lalaki siya at lalaki rin ako!'
"Hindi man kita matulungan sa problema mo. Sir, pero alam kong may dahilan ang lahat nang ‘yon. Have faith, lagi mo lang tatandaan na may mga taong gusto makinig at unawain ka." pag-aalo ko sa kaniya habang mahigpit siyang niyayakap.
Ngumiti lang naman ito sa akin. Ako pa lang ‘ata ang nakakakita kay Sir Aldon ng ganito. Parang ang swerte-swee ko na may halong kilig? Joke! Tandaan, lalaki rin po ako!
"Thanks, Cap’, napagaan mo ang loob ko." At kumalas na siya sa aming pagyayakapan. Sayang naman, nag-e-enjoy ako eh! Joke lang ulit!
"Cap?" ako na nangunot ang noo. Sabi kasi ni Sara, marami daw ibig sabihin ang Cap’ eh.
"Yeah, Cap’. Narinig ko kasi gano’n ang tawag sayo ni Gian." Aba! Wala naman akong natatandaan na gano'n ang tawag sa 'kin ni unggoy, ah?
'Feeling close! Gagong unggoy!' asik ko pasa isip ko at napagdesisyunan na rin naming matulog ni Sir. Bumalik na rin kami sa kaniya-kaniya naming tent.
"Good night, Cap’ Jadie," si Sir Aldon na sumaludo pa sa akin. Shemay! Ang hot niya talaga. Biro lang, mas hot pa rin ako.
"Good night, Sir!" At sumaludo rin ako pabalik.
Pagkapasok ko sa tent, tila umakyat naman lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko nang makita ko si Gian, na mahimbing na natutulog habang nakatihaya at sinakop na lahat ng espasyo. Pati ‘yung mga damit niya nagkalat, ang pangit pa naman niyang matulog nakanganga kasi eh. Mabuti sana kung mala-artista naman kahit ngayon lang na magkasama kami.
At dahil no choice naman ako, nakisiksik na lang ako sa kaniya. May naisip pa nga akong gawin kaso, ayoko namang magbangayan na naman kami dito at gabi na rin eh, nakakahiya naman sa mga tulog na. Kaya naman ay itinulak ko ito patagilid upang mas makahiga ako ng maayos. Pero gano'n na lang ako nangilabot nang bilang itong magsalita habang tulog.
"Dede ko, Mommy," biglang sabi nito. Yuck! Dugyot kang unggoy ka. Ang laki mo na, naghahanap ka pa ng gatas sa nanay mo?
Pagkatapos n’on ay wala na akong nagawa, kaya humiga na rin ako Patalikod sa kaniya. Nakakatakot, baka ako ang gawin niya dede mamaya. Pipilitin ko na lang na magiging maganda ‘tong pagtulog ko. Hay... makakatulog na rin ako ng maasyos!
---
"Argh!"
Nagising ako kinabukasan na masakit ang aking puson. Ewan ko kung normal pa ba 'to dahil buwan-buwan naman itong nagyayari sa 'kin. Ito rin ang mga araw na hate na hate kong dumating. Hay naku! Ang malas naman talaga ng buhay ko.
Hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko dahil para itong binugbog nang sampung tigasing tao. Para namang binibiyak ang ulo ko at halos mabaliw ako sa sobrang sakit. Bakit ba nangyayari ito sa akin? Si Mama pa naman ang nakakaalam kunga pa’no ito gamutin.
"Aaahhh," daing ko pa nang mas lalong kumirot ang puson ko.
Nasa gano'n akong pamimilipit nang biglang bumalikwas 'tong katabi ko. Parang gusto pa ‘ata akong mamatay eh, ang lakas na nga lang ng pagdaingko dito, hindi man lang nagising. Manhid ba talaga ang mga unggoy?
"Uy! Cap’, okay ka lang?" tanong niya sa aki nang biglang magdilat siya ng kaniyang mga mata.
'Mukha bang, oo?' naiinis kong saad na ganyan sa isip ko.
"Aray… Ang sakit," namimilipit kong saad, para kasing may tumutusuk-tusok sa loob ko. Ouch!
At ang gago, lumbas lang. Jusko, katapusan ko na ba? Gusto ko pa namang ako ang bida sa istoryang ito.
"Sandali lang, ah? Iihi lang ako." At iniwan ako nang animal. Kapag ako namatay,mumultuhin kitang unggoy ka! Heartless monkey!