Hindi mapakali ang mga paa ko habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Nakaupo ako ngayon sa waiting room ng klinika, naghihintay sa appointment ko. Kung kinakabahan lang ang pag-uusapan, sobra-sobra pa nga. Para akong may mini heart attack sa loob. Parang déjà vu lang ito. Pangalawang pagbubuntis ko na ito, at heto na naman ako, mag-isa sa mga check-up. Ang kaibahan lang, si Ethan hindi lang makadalo ngayon, habang si Rowan, noon, hindi man lang sinubukan. Piliting hindi pansinin ang pagbubuntis ko ang goal ko nitong mga nakaraang araw, pero ilang araw na ang lumipas, at napansin kong lumalaki na ang waistline ko. Unti-unti nang lumilitaw ang baby bump, at malapit na itong mapansin ng lahat. Napabuntong-hininga ako at sinubukan ko nang mag-isip kung paano sasabihin sa mga magulan

