Xavier's POV
Lunes na naman, Balik trabaho na naman 2 araw kaming namalagi ni Eris Sa Condo nitong weekend, mas ginusto namin ang magpahinga pareho,tinanong ko sya kung gusto nya bang gumala ngunit mas pinili nya na mag stay na lamang kami sa Condo. At ngayon nga ay lunes na naman hinatid ko sya sa Shop bago ako dumiretso dito.
Sinabi ko rin sa kanya na Gagabihin ako ng uwi this week dahil kailangan ko matapos ang mga dapat kong tapusin. Birthday nya kasi Nextweek gusto ko syang Surpresahin, pero syempre hindi yun ang ni reason ko sa kanya dahil syempre surprise nga.
Habang busy ako sa pagpirma, bigla na lamang bumukas ang pinto ko at iniluwa non si Suzanne.
"Hi Sweetie. .Kumusta ka..ilang araw tayong di nagkita, na miss kita."
Wika nito sabay yakap sa akin, inalis ko naman agad ang kamay nya.
"Suzanne Ano bang ginagawa mo? Will you stop acting like that? Your so annoying."wika ko sa kanya.
"Bakit? Baka nakakalimutan mo nag kiss tayo Xavier! Pagmamalaki nito.
"Take note! Ikaw ang humalik! Wika ko dito.
"Pero pumayag ka, hinayaan mo akong halikan ka." Wika nito na ayaw magpatalo.
"Pero ano? Tumugon ba ako? Hindi diba kaya tigilan mo na Suzanne please,
"Bakit dahil kay Eris na naman? Hindi mo ako mabigyan ng pansin dahil sa Eris na yan, kahit kamukang kamukha ko si Chenley.
Dagdag pa nito.
"Suzanne, wag na wag mong idadamay si Eris sa usapan nato, pati ang kapatid mo.
Si Eris ang mahal ko okay, At si Chenley kaibigan ko kahit na nag cheat sya sa akin wala syang narinig na kahit ano!" Saad ko pa dito.
"Basta Hindi ako Susuko Xavier, Magiging akin ka rin" wika nito sabay alis.
Napahaplos nalang ako sa aking sintido napakatigas talaga ng ulo nang babaeng yan, bat ba ayaw nya nalang bumalik sa canada tutal wala naman sya ginagawa dito sa pinas.
Tinuloy ko na lamang ang aking ginagawa dahil umaga palang pero pinasakit na nitong si Suzanne ang ulo ko.
Samantala....
Busy kami sa coffee shop may mga customer na kasi kahit 10am palang, Ang iba ay estudyante na dito madalas magkape bago pumunta sa eskwelahan, ang iba naman ay dito na diretso kapag labas or vacant nila.
Nagulat ako ng Biglang pumasok ang isang Pamilyar na Mukha, Agad pa ako nitong Tinaasan ng Kilay, binati ko naman sya.
"Hi Suzanne, welcome sa shop wika ko dito na nakangiti.
"So eto pala yung Cheap mong Coffee Shop, Wika nito sa mataas na boses, napalingon din ang ibang estudyante na naroroon sa shop dahil sa tinuran nito.
"Anyway, paki serve ng Best Seller nyo, Pakibilisan dahil ayoko magtagal sa Gantong pipichuging shop! Wika pa nito.
Kahit masakit sa tenga ang mga sinasabi nya ay minabuti ko na lamang ito na di patulan.
"Ahm Sige Suzanne maupo ka muna i seserve na lamang ang order mo, wika ko sa kanya.
Habang hinahanda ni Troy ang order ni Suzanne ay masama naman ang tingin ni Danna rito.
"Aba aba! Sino ba sya para sabihan nya na cheap ang shop natin, E di sana nag SB sya, Cheap daw? Kaya pala kahit malalaking company umoorder satin aside from osteller, kaloka ka ate girl.hmmp. wika ni Danna.
"Ay naku wag mo na pansinin danna malungkot siguro childhood nya kaya di sya marunong mag appreciate hehe.wika ko naman,
Nang matapos na gawin ang order nya ay isinerve na ito ni Guia,
Pinadalhan ko rin ito ng 1 pc of cake.
Kumakain sya at panay higop sa kape, hindi daw masarap pero nakakakalahati na .ay naku.wika ko sa isip.
Habang abala kami ni Danna ay nagulat kami ng biglang sumigaw si suzanne kasunod noon ay ang pag iyak ni Guia.
Kaya napatayo kami sa pwesto namin, maging ang ibang customer.
"Ano ka ba...Ang tanga tanga mo naman, Hindi kaba nag iisip ha .
Wika nito at pinagpapalo pa nito si guia at aakmang sasabunutan natakbo lamang ito ni andrei at naawat.
"Sorry po, hindi ko po sinasadya mam, wika ni guia na umiiyak.
"Ang bobo mo kasi, hindi mo ba alam kung gano kamahal tong suot ko? Baka kahit sweldo mo ng tatlong buwan di mo to mababayaran!
Tanga Bobo! Wika nito kay Guia.
Kayat ako na ang sumagot
"Sandali lang Suzanne...masyado naman yata yang mga lumalabas sa Bibig mo..masyadong masakit sa tenga.wika ko in a calm way na nagpipigil talaga.
"Eh totoo naman eh..tatanga tanga yang Staff mo kung di tatanga tanga yan di nya sana ako matatapunan.
"Humingi naman sya ng Sorry diba sana kung Di ka satisfied sana sinumbong mo sakin, Wala kang karapatan pagbuhatan ng kamay at Sabihan ng masasakit na salita ang sinoman sa staff ko.
"Eh ano Eris, ganon lang sorry then tapos na..Mahal to eris,!
"Sana nga Sinabi mo nalang sakin hindi ang pagbuhatan pa sya ng kamay," wika ko dito.
"So ano Hero ang labas mo Eris? Ano mas lalo kang mamahalin ni Xavier? Hahaha...in your dreams! Mag enjoy ka lang Dahil darating ang panahon mapapasakin Si Xavier, Maiiwan kang luhaan.
"Bat napunta kay Xav ang usapan ha? Totoo nga ang sabi ni Xavier masyado kang desperada, Ayaw naman sayo pero pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo! Wika ko.
"Haha Bakit hindi, e Tiyak na mas magaling ako sayo Eris, Tiyak kong mababaliw ng Husto sakin si Xavier,
Eh ikaw? Anong kaya mong gawin?
Wika nito sabay tingin sa akin mula ulo hangang paa.
"Umalis kana Suzanne pwede ba? Ibigay mo ang acct no.mo at ipapadala ko sayo ang bayad dyan sa damit na pinaghihimutok mo!
"Never mind, itatapon ko nalang to pag uwi.I can buy kahit ilan ang gusto ko.
"Basta tandaan mo ang sinabi ko Eris, Isang araw magigising ka nalang na Wala na si Xavier sayo, Dahil sa time na yun ako na ang kasama nya..Hahaha"
Wika nito sabay alis na parang demonya.
Agad ko naman kinamusta si Guia.
"Guia, okay ka lang..masakit ba , halika gamutin natin,
"Ok lang po mam, sorry po.
Sorry po mam Eris pati po kayo na scandalo, di ko po kasi napansin natisod po ako at natapunan po ang damit nung babae.
Wika naman ng umiiyak parin na si Guia.
"Hayaan mo na sya nag sorry ka naman na,wag mo nalang sya intindihin sinaktan ka pa nga nya eh, gusto mo ba i pa barangay natin?
"Wag na po mam eris, ayoko na po na humaba pa,hayaan na lang po natin sya,.
"Sige..maupo kana lang muna Guia, andon ang kit sa may cabinet kunin mo nalang." Wika ko naman sa kanya
"Bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho ngunit ang isip ko ay nasa sinabi parin ni Suzanne, na magiging kanya si Xavier, kakaiba din talaga ang babaeng iyon walang kadele delekadesa.
Natapos ang araw na iyon na parang normal lang sa amin.
Tahimik lamang si Guia na medyo bakas parin ang pag iyak, Nauna na akong umuwi kina Danna binilinan ko na lamang sila na isarado ang shop, Samantala isinabay ko naman si Guia pauwi ihahatid ko sya sa kanila nagpahatid kami kay Kuya dario dahil ngayon ang release ng mga Groceries na binibigay ko sa kanila kada buwan
Pagdating namin sa bahay nila Guia ay naratnan namin ang kanyang ina at ama sa may papag sa labas ng kanilang bahay.
"Nay Tay, si Mam Eris po yung may ari po ng shop na pinapasukan ko" wika ni Guia.
"Magandang Hapon po mam, naku pasensya napo, nakarating kayo dito sa kubo namin." Wika ng Nanay at Tatay ni Guia.
"Naku, wala pong anuman, hinatid lang po namin si Guia para po di na sya mamasahe.
"Naku mam, maraming salamat po, Nakakatuwa naman po dahil bukod sa Sweldo ni Guia ay meron pa po silang nakukuhang Grocery Kada Akinse ng Buwan, Napakalaking tulong po nyan sa amin mam," wika naman ng Ama ni Guia.
"Opo nga mam, nabanggit din po ni Guia na may allowance din po kayo na ibibigay sa kanya kada buwan para sa Eskwela, Maraming salamat po, napakalaking tulong po nyan sa amin mam, kahit po papaano matutustusan na ni Guia ang pag aaral niya, kung sa amin po kasi aasa wala po talaga akong maitutulong dahil ang kita ko po sa labada ay sa pagkain lang namin napupunta. Hulog kayo ng langit sa amin mam."wika ng ina ni Guia na di na napigil umiyak.
"Wala po yun nay, Basta ang lagi ko po paalala kay Guia na mag aral po ng mabuti,
"Salamat po talaga mam eris, Kasi kahit nag aaral po ako tinangap nyo po ako kahit part time lang,tapos may mga allowance at grocery pa po.
Wika naman ni Guia.
"Basta yung sinabi ko sayo mag aral kang mabuti at sumunod sa magulang, mahalain mo sila hangat nabubuhay pa" wika ko naman.
"Pano po Nay Tay, mauna na rin po kami, baka hinihintay narin po ako ng kapatid ko,"Pagpapaalam ko naman sa mgaagulang nito.
"Sige Mam Eris Mag iingat po kayo at salamat po" wika naman ng nanay at tatay ni Guia,
At pagkatapos noon ay Umalis narin kami Ni kuya Dario at pauwi na ng condo,
Dahil sa pagod maghapon ay nakaidlip pala ako sa sasakyan ginising lamang ako ni kua Dario ng nasa tapat na ng condo.
Agad kong tinungo ang elevator at pinindot ito patungo sa unit ni Xav.
Pagsapit sa harapan Binuksan ko ang Pinto at nagulat pa ako sa aking Nadatnan Tuwang tuwa ang kapatid kong Si Aeolus na ang mukha ay may ilang kayat ng chocolate at ang Dalawang Bruha ay Tuwang tuwa din naman sa Pabibong ginagawa ni Aeolus, Walang iba kundi ang dalawa kong kaibigan Si Wella at Lilly.