Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humawak sa aking mukha, Pagmulat koy nakita ko si Xavier sa aking harapan at nakatitig sa akin pansin ko pang amoy alak sya.
"Oh love andyan ka na pala, kanina ka pa ba? Tanong ko sa kanya.
"Hindi love,kakarating ko lang," sagot nito.
"Ahm..Amoy alak ka ata love.
"Yeah love, sorry nag shot lang kami ni Stef ng konti." Wika nito habang nananatilin nakaupo sa harap ko.
"Ah..kumain kana ba? may dala nga pala akong cake nagbake ako kanina, Saka si tita nga pala umorder din ng cake kanina..para ata sa amiga nya.
Ipaghahain kita love.wika ko..tatayo na sana ako nang pigilan nya ako.
"Wag na love ako na, maupo ka lang dyan ako na ang kukuha" wika nito.
Hinayaan ko lamang sya na kumuha ng cake.
Pag balik nito ay bitbit na nito ang gawa kong cake pumwesto sya sa aking tabi at kinain ito.
"Here Love, kain ka rin saluhan mo ako" wika nito habang nakaabang ang kutsara sa aking bibig at sinubo ko naman ito.
Habang kumakain ay tahimik lamang kami hangang sya ang mag salita.
"Kumusta ang Shop Mahal? tanong nya habang ngumunguya
"Okay naman love, aside sa mga customer sa shop may mga umoorder din online ng Cake." Masayang wika ko.
"Im so proud of you love..Your growing and growing." Wika nito sabay halik sa akin.
"Thanks love kasi tinuruan mo ako na mag grow.Palagi mo akong sinusuportahan " wika ko sa kanya.
"Syempre dahil gusto ko happy ka. Gusto ko ma achieve mo yung goal mo, ayaw kitang i kulong sa comfort zone mo." Wika nito sa akin
"Thank you love for keep on pushing me sa mga bagay na bagay na akala ko di ko kayang gawin pero kaya ko pala hehe" Wika ko
"Syempre alam kong kaya mo thats why i keep on pushing. I love you love." Saad nya sa akin, sabay yakap.
Nang matapos na kami kumain ay pumunta na kami sa aming mga silid,
Nakahiga na ako nang makarinig ako ng Katok.
Walang iba kundi si Xavier, May dala itong Unan.
"Love Can i sleep here, gusto kita katabi eh.Wika nito na nagsusumamo.
"Hmm..Okay..tabi lang ha." Wika ko sa kanya na bahagyang natawa.
"Hmm syempre tabi na may kasamang alam mo na. I want to cuddle love. Wika nito na bigla na lamang tumabi sa akin.
"Okay, let's cuddle the whole night" wika ko naman at lalo nyang isiniksik ang katawan nya sa akin.
Malalim na ang gabi ngunit di parin ako makatulog, pinagmamasdan ko lang ang gwapong mukha ni Xavier,
Mula sa kanyang Kilay, Mahabang pilik mata, mapulang mga labi,matangos na ilong at medyo pangahang mukha.Hinaplos ko iyon at saka naman ako ang nagsumiksik sa kanya. Amoy ko ang mabango nyang shower gel at doon ay unti unti na akong nakatulog.
Kinabukasan pag gising ko ay wala na ito sa sa tabi ko, si aeolus naman ay himbing parin ang tulog.
Pag labas ko ng kwarto ay nadatnan ko sya na nagluluto ng breakfast.
Kaya inagaw ko sa kanya ang sandok at ako na ang nagtuloy.
"Hindi mo na naman ako ginising, ayaw mo naba ng luto ko love? Wika ko na parang nagtatampo.
"Hindi naman love, ayaw ko lang istorbohin ang tulog mo kaya di na kita ginising, Hwag kana magtampo. Saad nya sa akin.sabay yakap sa aking bewang.
"Nga pala love i need to go to Antipolo today." Wika nito sa akin.
"Antipolo? Bakit love diba may work ka.? Saad ko naman sa kanya.
"Yup, but Binilin ko nalang muna kay Steffan.
"Hmm..Mukang importante yung pinipuntahan mo sa antipolo love ah hehe." Wika ko sa kanya.
"Oo naman love..Importante" saad nito sa akin na nakangiti pa.
"Hmm baka may iba kang GF dun ah.kaya madalas ang punta mo. Wika ko sa kanya na kunwariy nagtatampo.
"Nope..Nag iisa lang ang GF ko,kasalukuyan syang nagluluto at mukang nagtatampo ngayon. Wika naman nya sabay halik sa akin.
"Joke lang yun no. Hehe ikaw talaga."Wika ko.
"Basta Trust me love..Malalaman mo rin balang araw. Wika nito sa akin.
Matapos naming mag breakfast ng sabay ay naligo narin sya at nagpaalam na paalis na..Samantalang ngayong araw naman ay nag decide akong wag na muna pumasok, may umorder kasi sa aking ng 2 layered na cake at naisip kong dito ko na lamang sa bahay gawin. Ready na naman ang mga sangkap ngunit bago ako mag gawa ay nag linis muna ako sandali ng bahay, Nilikom ko rin ang mga damit na i la laundry, nasa kwarto ako ngayon ni Xavier upang kunin ang mga damit na lalabhan.
Nang madampot ko ang Damit na long sleeve na suot nya kagabi, itutupi ko na sana ito ng mapansin ko na may Red mark, pinasadahan ko ito ng kamay saka ko inamoy, Lipstick ito, medyo bumakat pa ang hugis ng labi ng kung sino mang humalik dito.
Bigla akong tila nanlambot,Ayoko mag isip ng masama, may tiwala ako kay Xavier, Agad akong napatingin sa box sa ilalim ng Kama nya, nag iba ito ng pwesto, nang binuksan ko ay naiba din ang ayos nito.
Nakita kong ang isa sa mga larawan nilang dalawa ay Halatang bago lamang ang sulat nito, doon ko nabasa ang katagang "No one can ever replace you..Not, even her"
Bagong sulat pa lamang iyon, siguro kanina lamang nya sinulat nang maaga syang nagising, unti unting pumatak ang luha ko..Tinitigan ko nang maigi ang larawan Nakangiti sila pareho, nakapatong ang ulo ni Chenley sa balikat ni Xavier habang ang kamay naman ni Xavier ay nakayakap sa dalaga hagip ang engagement ring na suot nito.
Hindi na naman mawala ang pag ooverthink ko, Siguro kung hindi ito namatay baka nagpakasal na ang mga ito, baka isa na silang masayang pamilya at meron ng anak.
Di ko mapigilan ang sarili sa paghikbi,
Ibinalik ko ang larawan sa Box.
At pinunasan ang aking mga luha,
Tinuloy ko pa rin ang mga dapat kong gawin, hangat maaari ayokong magpa apekto, Eto naman ako eh. Kahit hindi na okay gusto ko paring maging normal ang ibang bagay, Walang mangyayari kung maghapon lang akong mag mumukmok at iyakan ang aking natuklasan, Kayat ginawa ko parin mag bake ng inorder na cake sa akin, pinapunta ko si Ate hilda upabg bantayan si Aeolus dahil kailangan kong mag focus sa cake na order sa akin, Tahimik lamang ako sa pag be bake tila napansin naman iyon ni Ate hilda.
"Oy, Eris kumain kana muna, kanina ka pa dyan, hindi naman bantayin ng husto, baka malipasab ka naman ng gutom nyan" wika ni ate hilda habang tinitulungan ako sa pag pupunas ng table,
"Naku ate, mamaya na po, malapit na rin naman ito matapos," wika ko sa kanya saka ngumiti. Ngunit ultimo sa ate hilda ata ay malakas ang pandama.
"Eris, bat maga mata mo umiyak kaba? Wika nito sa akin.
"Ahmm..Medyo naiyak kasi ako sa Pinapanood kong Korean movie te, nakakaiyak kasi.." pagsisinungaling ko" tila di naman kumbinsido si ate hilda.
"Weh..talaga ba? Sige nga anong pamagat? Hamon pa nito, buti na lamang at Natatandaan ko pa ang isa sa Paborito kong Korean movie.
"Keulraesik te, ang pamagat Search mo pa...Nakakaiyak promise." Wika ko pa.
"Sige, papanoorin ko mamaya yan hehe" oh sya kumain kana muna, wag ka magpapalipas, mag aalala nyan si prince charming mo,, wika ni ate hilda, natawa nalang ako ng mapakla at napailing,
Mag aalala? Simula ng umalis sya kaninang umaga hindi parin sya tumatawag. Wika ko sa aking isip.
Itinuloy ko na lamang ang aking ginagawa.
Samantala...
Engr.Adriano,Kumusta any Progress? Wika ko kay Engr Adriano nang magkita kami.
Yes Mr.Osteller, Kaya pinatawag kita para ikaw mismo ang humusga.
Wika nitobna nakangiti sa akin, at tinahak na namin ang location,
Abot ang ngiti ko ng makita ko ang resulta, Medyo matagal tagal pa matatapos ito ngunit na iimagine ko na ang kalalabasan.
Nagbabad ako sa site habang pinapanood ang mga mang gagawa magkausap lamang kami ni Engr.Adriano, Nagsuot ako ng Hard hat at lumapit sa site, mainit ang araw ngunit ang mga trabahador ay determinado parin sa kanilang pag tratrabaho, saglit lang ako sa init ng araw pero dama ko na ang pamumula at hapdi dulot ng sikat nito, bumalik ako sa tent na pinagpapahingahan namin ni Engr. At nagkwentuhan, Sa sobrang busy sa site nakalimutan ko na palang tawagan si eris kayat pasado ala una na ng hapon ko sya nakamusta.
Nakailang Ring pa bago nya nasagot ang phone.
"Hello love, Sorry ngayon lang ako nakatawag, kumusta kayo dyan ng bata, kumain kana ba? Tanong ko sa kanya.
"Ahmm ok naman kami, nagbake kasi ako ng cake, kukunin mamayang 4pm. kakain palang ako ngayon", wika nito sa kabilang linya.
"Ganon ba, love tanghali naman na ata yang kain mo, baka malipasan kana ng gutom nyan," wika ko sa kanya.
"Im fine, dont worry, Kakain na naman ako, wika nito,
"Love may masakit ba sayo? Bat parang ang tamlay mo? Tanong ko sa kanya.
"Wala naman, sorry, medyo napagod lang...Ahm im gonna end this call. ingat ka nalang pauwi..Bye..."wika nito sa kabilang linya.
"Bye love I love....." Di ko pa naitutuloy ay end tone na ito.
Kakausapin ko na lamang sya pag uwi ko. Nagtagal pa ako ng isang oras sa site. Hangang sa mag meryenda ang mga mang gagawa.
Bago ako umalis ay nag Iwan ako ng 20k na nakalagay sa Sobre.
At inabot iyon kay Engr.Adriano.
Para saan ito Mr.Osteller?
"Para sa inyong lahat Engr. Bigyan nyo po ng tig 1k lahat ng trabahador at ang labis Idagdag nyo nalang pambili ng Meryenda.or stocks nila dito sa site.
"Nice, salamat Mr.Osteller, Oh narinig nyo may tig wa 1k kayo dito at ang labis pang grocery nyo dito sa site."
Tuwang tuwa naman ang mga trabahador.
"Maraming maraming salamat po Mr.Osteller, napakalaking tulong po nyan sa amin pandagdag sa padala namin sa pamilya namin.
Wika ng mga ito.
"Walang ano man po. Pano Engr. mauuna na ako."Paalam ko naman sa kanila.
"Sige Mr.Osteller, Ingat ka at salamat ulit." Wika nito at saka ako tuluyang umalis.
Habang nagdra drive ako pauwi ay isang Unknown number ang tumatawag sa akin, hindi ko ito sinagot dahil di naman ako nasagot ng wala sa phonebook ko, hinayaan ko lamang itong, mawala, ngunit maya maya ay tumawag na naman ito, Wala na akong nagawa kundi sagutin ito.
Hello? May i know whos on the line? Tanong ko sa kabilang Linya.
"Xavier? "tanong ng nasa kabila.
Yes? Whos this.
"Hi Xavier, its me..Suzanne, Pinuntahan kita sa office kanina pero wala ka daw sabi ng secretary mo, kaya hiningi ko na lang ang number mo, ayaw pa ngang ibigay, kundi ko pa sinabing ex ka ng kapatid ko hindi pa ibibigay."
Wika pa nito sa kabilang linya.
"Anong kailangan mo? Bat ka napatawag? Diretso kong tanong dito.
"Wala naman, na mis lang kita kaya dapat dadalawin kita kanina kaso ayon nga wala ka pala" wika pa nito.
"Mis? Ok ka lang? Kakagaling mo nga lang sa opisina ko kahapon diba, saka please lang madami akong ginagawa kaya hangat maari ayoko ng na iistorbo ako sa trabaho. Wika ko dito.
"Hmm..Alam mo Xavier kung buhay lang ang kapatid ko, tingin mo kaya matutuwa sya sa mga sinasabi mo sakin? storbo ang tingin mo sakin.
Wika nito na tila nangungonsensya pa.
"So what now.nakausap mo na ako. ok na siguro yon.? saad ko pa dito.
"Ok, sige bukas na nga lang, di na muna kita guguluhin today, mukang mainit ang ulo mo, Buti sana kung yung isang Ulo" wika nito sa kabilang linya na halos pabulong nya na sinabi.
"Anong Sinabi mo? Tanong ko dito.
"Wala...Sabi ko Masyadong mainit naman ang ulo mo, wrong timing ako. Oh sige na nga bye for now Xavier. " Wika pa nito sa kabilang linya at pinatayan ko na ito ng telepono.