Chapter 22 "Twin Sister"

2312 Words
Mabilis ang Akong Naglakad patungo sa aking Inupahang Condo, suot ko ang 4inches high heels, at ang hapit na hapit na Dress na kulay rosas, Nag dire diretso agad ako sa Room na naka Book para sa akin. Ilang taon na rin ang nakalipas buhat ng umuwi ako sa Pilipinas Sa Canada kasi ako halos nagtigil, Doon kasi Naka base ang mga Magulang ko na umampon sa akin. Nabalitaan ko na namatay na ang Kakambal ko ngunit dahil naka Quarantine ako that time hindi ako nakapunta sa Lamay nito, last na kita ko pa sa kanya ay halos mga dalagita palang kami, Nag browse ako at nakita ang account nang kapatid ko kasama ang Nobyo nito na si Xavier Osteller , pagkakita ko palang sa larawan ni Xavier ay Tinamaan agad ako. Kayat nang malaman kong wala na naman ang kapatid ko, balak kong ipagpatuloy ang naunsyaming paglapit ko sa dating nobyo nya.Gusto kong mapa sa akin ito. Dahil identical twins kami ay halos magkatulad talaga kami sa lahat ng bagay.kung pisikal ang pagbabasehan kayat kung nakuha ni Chenley Si xavier tiyak akong makukuha ko rin sya. Determinado akong mabigyan nya ng pansin kaya umuwi ako ng pilipinas para makuha ang loob nito. Sya nga pala Ako si Suzanne Merano ang Kakambal ni Chenley Admiral na dating Nobya ni Xavier. Sisiguraduhin kong Magiging Akin ka Xavier Osteller. Eris POV Sabay kaming nag asikaso ni xavier, papasok sya sa opisina ako naman ay sa Shop, Si ate hilda ang syang maiiwan kay Aeolus, kinuha na nmin si Ate hilda bilang taga alaga ni Aeolus samantalang paghapon naman ay pinapauwi namin sya.Stay out sya dito sa amin. Mas lalo kaming nagiging malapit ni Xavier, Mas lalo syang nagiging sweet sa akin, kaya lang kada weekend especiay saturday Umaalis sya ng morning then hapon na bumabalik ang lagi nya lang sinasabi may Project syang inaayos sa Antipolo, pero syempre di na ako nag usisa kung ano yun. May tiwala naman ako sa kanya, kahit kelan ay never ko syang pinag isipan ng masama, "Lets go Love ihahatid na muna kita" wika ni Xavier sa akin. Thank you Love..Heto nga pala yung Baon mo, ubusin mo yan ha. masarap yan..hehe" wika ko sa kanya habang inaabot ang baon. "Salamat Love. Ayaw mo talaga akong nagugutom" wika nito. "Syempre gusto ko lagi kang malakas" Wika ko. Tumingin sya sa akin na may pilyong ngiti "Hmm..nahihinaan kaba sa akin love? Hehee...Malakas to no..Baka di ka makalakad kinabukasan hehe" wika nito. "Grabe ka love.. lets go, baka san pa mapunta usapan natin hehe" wika ko naman, at hinatid nya na nga ako sa shop. Nang makarating kami ay hinatid nya pa ako sa loob. Pagkapasok namin ay binati pa kami ni Danna, Troy at Andrei. Goodmorning Mam Eris Sir Xavier.. "Goodmorning din, Kayo na muna bahala kay mam eris nyo, "Sige po sir Xavier..ingat po. Wika naman ni Troy at andrei. Dahil 9 pa nag start ang shop busy kami ni Danna Sa pag gagawa ng mga Cakes and cookies Kumuha kasi ako ng course na Professional Pastry and Confections, kaya aside sa Coffee kinareer narin namin pati ang mga cakes and Pastries. Nakita kasi ni Xavier na mahilig din ako mag bake ng kung ano kaya pinush nya na kumuha ako ng course para dito, at eto sa wakas nagagamit na yung mga natututunan. Dahil medyo lumalakas na ang Shop ay nagdagdag ako ng isang Staff si Guia, working student sya dumuduty sya rito kapag wala syang pasok. Kakatapos ko lang isalang sa oven ang ginagawa ko ng tumunog ang phone ko, Tumatawag si Xavier. "Yes..Hello love...Bakit? "Wala lang namimis kita agad eh.."wika nito na may pag lalambing. "Tse..hehe Kakahatid mo lang sakin wala pang 3hrs tayong nagkakahiwalay miss mo agad..hehe" wika ko dito "Bakit ako ba di mo namimis? Tanong nito sa akin. "Namimiss syempre" .wika ko naman sa kanya. "Yun naman pala..hehe Love what if Dito ka nalang kaya mag work as my personal secretary? What do you think hmmm? "Haha No... ayaw..." Wika ko. "Bakit ayaw mo love?" "Dahil Im sure na wala tayong matatapos na trabaho diba Mr.Osteller? Tama ako o Tama ako? "Hmmm..Tama ka." wika nito na natatawa sa kabilang linya. "Hahaha Oh diba..Oh sige na love..I love you, Ingat jan."wika ko. "Bye Love see you later i love you more," wika naman ni Xavier sa kabilang linya. Natatawa nalang ako sa sinabi ni Xavier na gagawin akong personal secretary, dahil totoo naman baka wala na talaga kaming magawa, Mas lalo kasi sya naging Clingy, kapag may time talaga hindi pwedeng wala kaming gagawin, we always do our intimate time without intercourse but were both satisfied. Itinabi ko ang isang cake na aking ginawa upang iuwi sa bahay mamaya, paborito kasi Ni Xavier at Aeolus. Maya maya ay bumukas ang Pinto at niluwa noon si Tita Xena "Eris Hija" "Tita Xena goodmorning po, "Anak, magpapa bake sana ako ng cake, Pang gift ko sana sa Amiga ko later, Kaya mo pa kayang Gumawa mga 4pm pa naman," wika ni tita. "Ahm Sure po, kaya pa naman po, pili nalang po kayo ng design and flavor. "Here Hija, Kahlua Espresso with Mocha Buttercream." Wika naman ni Tita xena. "Noted po Tita, Gagawin ko na po para makuha nyo ng 4pm." Wika ko at nginitian sya. "Salamat Hija, Kumusta naman si Aeolus di ko na nadadalaw, super likot na siguro." Wika nito. "Ay opo tita super likot na po, hinahabol na nga po ni xavier minsan kasi po umaakyat na sa Bed.wika ko sabay abot ng Coffee at cake kay Tita. "Heto po tita, Tikman nyo po, ginawa po namin yan kanina." Nakangiting wika ko" Salamat Hija mukang masarap nga ito. "Hija parang namamayat ka ata,mas lalo kang sumesexy. Parang lumaki yung dibdib mo" wika ni tita Xena Dahil sa sinabi nya ay dama ko na namula ang mukha ko. "Ahmm..Hindi naman po tita, medyo nagbawas lang po sa kain ng konti" hehe wika ko. "Owsss...totoo ba..Hmm..Akala ko naman may ginagawa si Xavier sayo kaya ka namamayat hehe" wika nito. Natawa nalang din ako sa sinabi ni Tita, Ganon ba talaga yun? Alam ba nila kung may Ginagawa kayo bilang mag nobyo? Natawa nalang ako sa iniisip ko. Samantala Isang babae ang nagtungo sa OGC at hinahanap Si Xavier Nakasuot ito ng high heels at naka miniskirt at naka croptop. Napapalingon ang mga kalalakihan na nadadaanan nya. Napapasipol pa ang iba. Nagtungo agad ang Babae sa reception at kinausap ang receptionist. "Hi Goodmorning." Wika nito sa mataray na tono "Hello mam Goodmorning how may i help you? "Can i Talk to Mr.Xavier Osteller? Wika parin nito. "Do you have an appointment mam? "Wala akong Appointment, Pero importante kasi ang ipinunta ko dito" saad ng babae "Ahm mam, tatawag po muna ako sa secretary ni Mr.Osteller then kapag available po si sir, saka ko po kayo paaakyatin. "Haist..Okay.pakibilisan! Wika pa nito. "Okay mam for a while po. At itinawag nga ng receptionist sa secretary ni Xavier ang pagdating ng isang Bisita. "Mr.Xavier? "Yes? "Sir sorry po sa abala sir may naghahanap daw po sa inyo, gusto raw po kayong makausap nasa may receptionist po. "Ano raw ang name? "Suzanne Merano daw po." Wika ng Secretary ni Xav. "Suzanne Merano? Wala akong kilala pero sige paakyatin nyo nalang. Salamat. Wika ni xavier. "Okay po sir." Saad ng secretary at inadvise ang receptionist na paakyatin na ang bisita. "Darla, Papasukin mo nalang sa opisina yung bisita, may iaabot lang ako kay Mr.Cheng, wika nito sa secretary nia. "Sige po sir." Wika naman ni Darla, ang kanyang sekretarya. "Samantala Taas noong pumasok ang Bisita sa Opisina ni Xavier. "Mam, pakihintay nalang po Si Sir Xavier,umalis lang po Saglit. "OKAY" ILL WAIT HIM INSIDE" sabay pasok sa Loob na akala mo kung sino. Xavier's Pov Abala ako sa pagpirma ng mga documento ng biglang tumawag ang secretarya ko na may nag hahanap daw sa akin, may sinabi syang name nginit hindi ko kilala, dahil importante daw kaya sinabihan ko na lamang na paakyatin na lang. Kasalukuyan naman may kailangan akong iabot kay mr.cheng kayat binilinan ko si darla na papasukin nalang ang bisita at hintayin ako sa loob ng opisina. "Sir Xavier.Nasa loob na po ang Bisita." Wika ni Darla sa akin. "Sige darla..Salamat. Dahan dahan akong pumasok sa aking opisina, binabasa ko pa ang files na dala ko pagtingin ko sa may Table ko ay May Isang babaeng Nakatalikod, Nakasuot ito ng mataas na highheels,naka miniskirt at naka Croptop, Straight ang mahabang buhok.. Napako ang tingin ko sa kanya, parang pamilyar ang tindigan nya. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nya. "Ahmm..Ehem..Miss..Ikaw ba yung nag hahanap sa akin? Wika ko ngunit nananatili syang nakatalikod "Oo Ako nga..Mr.Xavier Osteller" wika nito at dahan dahang Humarap . Muntikan ko ng Mabitawan ang Hawak kong files sa babaeng kaharap ko ngayon... "Chenley? No...this cant be.... "Hi Xavier, Sabi ko na nga ba eh, mapagkakamalan mo akong si Chen. Im Suzanne....Chenleys Twin sister.. Sa Wakas nakita narin kita... Wika nito sabay Yakap sa akin. Blanko ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin, Bigla ko lang naalala si Chenley. Sa pagka bigla ay niyakap ko rin ito pabalik. "Chenley" Wika ko at tila may gustong kumawalang luha sa aking mata...di ko maipaliwanag. Pero tila biglang Pumasok sa isip ko si Eris, Ang maamong Mukha ni Eris, ang mga ngiti nito, ang paglalambing nito.kayat di ko na napigilan lumuha. "Xavier...Andito nako..Kahit wala na si Chenley Andito naman ako para sayo..Binilin ka nya sa akin." Wika pa nito. Bigla kong inalis ang pagkakayakap nya at agad akong lumayo sa kanya at umupo sa aking upuan. "Bakit Xavier...Ayaw mo ba sakin? Tanong nito. "Im sorry Suzanne..May Girlfriend na ako, And i love her, Yes,I love chenley nung GF ko pa sya, but since she was gone, mahal ko parin sya ngunit bilang isang alala nalang ng nakaraan.Chen is not only my gf but my friend too..kaya kahit wala na sya iginagalang ko parin sya. Pero may Ibang mahal na ako ngayon, kayat hindi maari yang sinasabi mo kung yan ang ipinunta mo rito.Wika ko. "Okay, Kung hindi na talaga pwede Pwede bang Ituring mo nalang ako kahit isang kaibigan? Tutal twins ko naman si Chen, Wika pa nito. Sige dahil kapatid ka ni Chen, ok tatangapin kita bilang kaibigan. Wika ko, Nagulat pa ako ng bigla akong sinugod ng yakap. Tinatangal ko ang mga kamay nya ngunit ayaw nya agad akong bitawan. Ang tagal nya pang nakaupo sa opisina ko. "Ahm Suzanne kung hindi mo mamasamain pwede ka nang umuwi, marami pa kasi akong gagawin eh." Wika ko. "Wala naman kasi akong gagawin sa condo..saka wala akong ibang kakilala rito, ikaw palang." Wika naman nito sa nag papaawang boses. Hindi ko na lamang ito pinansin, Nang lunchtime na ay tumayo na ito akala ko ay aalis na ngunit hindi pa pala. "Xavier, lets go..May caffeteria naman kayo diba..tara lunch tayo? "Sorry Suzanne, ikaw nalang may baon ako eh, pinagluto ako ng Gf ko. wika ko.. "Hmm talaga kumakain ka pala ng Baon,akala ko kasi imoorder ka lang.. Sige na mauuna na muna ako. Bye Xavier..Nice to meet you, see you again." Wika nito at nagmarcha na palabas. napailing na lamang ako. Dahil identical Twins.kamukang kamuka nya talaga si Chenley, except sa pananamit, dahil hindi naman ganon ka daring manamit si chen. Naging busy ako maghapon, di parin ako maka move on sa nangyari kaninang umaga, sa biglang pagsulpot ni Suzanne. Pero bigla kong na miss si Chenley kanina ng makita ko si Suzanne, Syempre 3 years din kami naging magnobyo at naging magkaibigan hindi naman siguro agad maaalis yon at tulad ng sinabi ko hangang doon na lamang yon dahil si Chenley ay isang nakaraan na lamang, dahil si Eris na ang mahal ko. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Eris, sinabi ko sa kanyang baka gabihin ako ng uwi. At pagkatapos noon ay inaya ko si Stefan na uminom kami after work. Kaya pag katapos ng trabaho ay nagpunta kami sa isang bar. "Oh.Insan himala nag yaya ka ata uminom" wika nito sa akin "Yeah, minsan lang naman, alam mo na ang daming natapos na work, need din mag chill minsan" wika ko. "Sa bagay,Sino nga pala yung Babaengg galing daw sa opisina mo? tanong ni Steffan. "Ah si Suzanne, Chenleys Twin sister" wika ko naman. "So? Anong pakay daw? "Ayun gusto makipag kaibigan daw" wika ko. "Wow ampogi mo insan, haha pinuntahan para makipag kaibigan,"wika ng nanunudyong si steffan "Magkamuka lang sila ni Chen pero they are different, Masyado syang Agressive." Wika ko. "Oh? Really bakit insan, baka naman gustong makatikim ng EU* ng isang Xavier Osteller haha" wika ni Steffan kaya hinagisan ko ito ng tissue. "Sira ulo! Ang ibig ko sabihin agressive bigla bigla na lang nangyayapos at nanghahalik." Wika ko. "Hahaa Ganon din yon, nagbibigay sya ng motibo, dapat nga medyo mahiya pa sya dahil kahit Ex ka ng twins nya now palang kayo nagkakilala, pero sabi mo nga speed ni ate girl kaya im sure kung hinamon mo ng EU*n sa opisina tyak na game na game yun," wika parin ni steffan na di parin nagpapapigil. "Wag na nga natin pag usapan, " wika ko naman. At tinuloy nalang ang pag inom namin. Bandang 9pm ay umuwi na rin kami, hindi naman ako lasing ngunit halatang nakainom ako. Pagdating ko ng Bahay, Tahimik na..Marahil tulog na si Aeolus, I saw Eris sleeping at the couch,nakasuot pa ito ng reading glasses at Nakapatong pa ang binabasang libro sa kanyang kandungan, malamang nakaidlip na din ito habang naghihintay. Pinagmasdan ko ang maamo at maganda nyang mukha. I love Eris very much...Kung meron man akong gusto makasama sa buhay walang iba kundi si Eris, Sya ang gusto ko maging asawa,maging ina nang mga Magiging Anak namin, karamay sa lahat ng bagay hangang sa pagtanda si ERIS lamang ang gusto ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD